Bago ko pa man makita kung sino 'yong mga sumigaw ay may bigla nang tumakip na mga palad sa mga mata ko at base sa pabangong naaamoy ko, alam kung si Erel 'to.
Hindi ako comfortable sa sobrang lapit niya sa 'kin kaya pinilit kong tanggalin na 'yong mga kamay niya para lumayo na siya pero ano ba namang laban ko sa lakas niya.
"Hoy, plastik, tanggalin mo nga 'tong mga kamay mo!"
"Sorry, meow," bulong niya sa may tenga ko at halatang nagpipigil ng tawa.
May napamura pa sa kung saan at sinabing, "Wala na, sirang-sira na 'yong surprise natin dahil sa 'yo!"
Teka, boses ni Koomie 'yon, ah!
"E, sabi mo practice tayo, e. Akala ko tuloy si Erahnnel na 'yong bubukas sa pinto."
"Pucha, wala na talaga."
At hindi ko na narinig pa 'yong mga ingay nila dahil nilayo na ako ni Erel sa bahay at ewan ko kung nasaan na kami.
Hinawakan ko 'yong palad niyang nakatakip sa mga mata ko at akmang tatanggalin na 'yon nang hawakan ng isa pa niyang kamay 'yon kaya mas naasar pa ako.
"Papansin ka naman, e! Alam kong si Koomie 'yong nagsalita kanina and I know that she's with Frejie kaya please, Erel, tanggalin mo 'yang palad mo!"
Ilang beses na rin akong muntik nang matapilok dahil sa mahinang pagtulak niya sa 'kin.
"Sorry talaga, meow. Napag-utusan lang ng Papa mo."
"What?! Anong si Papa?!" Hindi na niya ako sinagot.
Tinanggal niya 'yong kamay niya sa may mata ko at peste talaga dahil sandaling lumabo paningin ko. Hinampas ko naman sa kanya 'yong binigay niya kaninang teddy bear habang siya naman ay nagpipigil lang ng tawa.
"Siraulo ka ba?!"
Nasa labas na kami ng gate. Ano bang nangyayari? Bakit sila nagpa-practice mag-happy birthday sa 'kin? Teka, kailan ba birthday ko? Urgh! Nandoon sina Koomie at miss ko na sila!
Tatakbo na sana ako pabalik sa bahay nang mahawakan niya 'yong wrist ko. Pilit naman akong kumawala.
"Let go of me!"
"Hindi nga puwede!"
"Bakit hindi puwede?!"
"Basta!"
"Plastik!"
"Meow!"
At bigla nalang akong napasigaw nang buhatin niya ako na parang isang sakong bigas tapos bigla niya akong pinasok sa loob ng kotse ni Papa. Sumakay din siya sabay sabing, "Kuya Henron, paandarin niyo na po."
"H-Hoy, teka, saan niyo 'ko dadalhin?!" kinakabahan kong tanong kay kuya Henron pero hindi niya ako pinansin. I thought we're friends, kuya?!
Kung ano-ano nang mura ang lumabas sa bibig ko dahil sa inis.
"Bad ka, meow." Isa pa 'tong bwisit na 'to, e.
Kulang nalang ay umusok 'yong ilong ko sa sobrang inis. I'm sure sina Koomie 'yon, e! God! I missed them so much!
Napagod din ako sa kakareklamo at kakatanong kaya natahimik nalang ako habang yakap-yakap 'yong teddy bear. Ibabato ko sana sa mukha ni Erel kaso hindi ko kaya, e. Kawawa 'yong teddy bear ang cute pa naman.
Hinawakan ko 'yong mga bulsa ko nang maalala 'yong narinig ko kanina. Nasaan na ba 'yong phone ko?!
"Ito ba 'yong hinahanap mo?" Napatingin naman ako sa nakangising katabi ko.
"What the heck! Akin na 'yang phone ko, plastik!" Pero inilayo niya lang 'yon sa 'kin. "Fine! Edi sa 'yo na 'yan. Sa 'yo na lahat! Isama mo na 'to!" Tapos binato ko nga sa kanya 'yong teddy bear na ikinatawa niya lang. Binalik niya lang sa 'kin kaya hindi ko na natiis at niyakap ko nalang 'yon saka napairap-irap sa kanya.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...