Sinermonan ako ni Mama kasi nga nasunog 'yong sinaing tapos heto ako, nakayuko lang habang pinagsasabihan niya.
"Grounded ka for one week!" sabi pa niya and I was like: "duh! Hindi nga ako lumalabas, e."
"Walang friends na puwedeng pumunta rito!"
Ang sakit namang magsalita ni Mama. Alam naman niyang wala akong friends dito kasi kakalipat nga lang namin no'ng isang buwan, e. Hindi naman gano'n kadali makipag-friends.
"No TV!"
Hindi naman ako mahilig sa TV.
"No cell phone!" tas bigla siyang pumasok sa kuwarto ko then pagbalik niya—huwaaat?! Hawak na niya phone ko, do'n na ako nagreact!
"Ma, naman!"
"And that's final!" anunsiyo niya sabay alis sa harap ko.
Tss. Parang sinaing lang, e. Oh, well, maraming nagugutom, Dreamellaine, at ikaw, nagsasayang ka lang na akala mo naman mayaman kayo!
Okay. Tanggap ko na po.
I rolled my eyes. Pumunta nalang ako sa kuwarto ko at napahiga nalang.
Niyakap ko 'yong notebook ni Dreami. At least nadito pa 'to.
"Hays, Dreami," bulong ko saka napabuntong-hininga. "Kung 'di mo lang ako iniwan, edi, sana pinagtanggol mo ako ngayon kay Mama."
Magbabasa na nga lang ako.
***
Parang biglang naalala ko ulit 'yong minsang pagpo-post ko ng FB story ko ng ilang portraits na ginawa ko tas palagi niyang vinu-view. Minsan nga siya pa nauuna, e. Sobrang kinikilig ako! Lagi ko siyang inii-stalk tapos nagre-react ako sa mga latest post niya umaasang mapapansin niya pero hindi parin.
Gustong kong mapangiti ng todo-todo dahil eto na, pinansin na niya ako pero may pagkaepal din 'tong chance na 'to.
"Hoy, Canzares! Ano bang kailangan mo sa prinsesa ko?"
Seryoso ba siya?! Kay Erel lang ako puwedeng maging prinsesa utang na loob naman Mark! Ang epal mga bes!
Hinintay ko lang kung anong sasabihin niya pero epal talaga 'tong si Mark.
"Ano na, Canzares?"
"Ah, sige, Tierra, mamayang uwian nalang. Nakakaistorbo ata ako," sabi ni Erel saka ngumiti ng kaunti and ayon umalis na.
"Anong uwian ka riyan?! Sa 'kin siya sasabay!" peste naman, Mark!
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Fiksi RemajaKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
