"O, ba't ganyan mukha mo?" tanong ni Waden nang makabalik ako.
Tulog na si Riley at nakasandal 'yong ulo niya sa balikat ni Waden.
Mas umingay pa 'yong paligid kasi 'yong katabi naming table ay nag-videoke na.
"May nadaanan lang akong plastik. Sarap sunugin," I said while rolling my eyes then I sit beside him.
"Na-miss kita," biglang singit ni Drej haliparot saka umupo sa tabi ko.
"Isa ka pa," sabi ko sabay irap. Tiningnan din siya nang masama ni Waden.
"Sumbong kita kay Erahnnel, e." banta ni Waden pero 'yong haliparot ay natawa lang.
Teka... Erahnnel?
"E-Erahnnel?" tanong ko. As in Erahnnel na bestfriend ni Dreami?
Napangiti naman bigla 'yong haliparot sa tabi ko tapos tumingin sa 'kin habang nakapangalumbaba.
"Don't worry, hindi kami no'n. May crush lang 'yon sa 'kin." Then he give me a wide haliparot smile. "I'm single," hirit pa niya na parang ipinagduduldulan sa 'kin na single siya.
Napangiwi naman ako. "Hindi kasi 'yon 'yog ibig kung sabihin. E, ano naman kung single ka?! Parang tanga 'to!" naiinis kong sabi.
Hay, Mel, akala mo naman kasi nag-iisa lang ang may pangalan na Erahnnel sa mundo.
"Kasi siyempre kung single ako at single ka rin... You know, puwedeng—" tinakpan ko naman agad 'yong bibig niya.
Narinig ko namang mahinang napatawa si Waden kaya siniko ko siya. Imbes na tulungan niya ako para paalisin 'tong haliparot na 'to, tumatawa pa siya.
Bigla ko namang naramdaman 'yong pagngiti ni Drej haliparot dahil sa kamay kong nakatakip sa bibig niya kaya agad kong tinanggal 'yon saka sinampal ko siya—isa nanamang katangahan.
Akala ko maaasar 'yong haliparot pero ayon, ngumiti pa habang nakahawak 'yong isang kamay niya sa pisnging sinampal ko. Napaka-weird ng haliparot na 'to.
"May nabiktima na naman."
Napatingin naman ako sa nakangiting plastik na nagsalita. Kakarating niya lang. Namumula parin 'yong mukha niya pero hindi na siya mukhang dizzy tulad no'ng kanina. Napataas lang 'yong isa kong kilay nang mapansin 'yong ngiti niya. Ganito ba siya kapag nakakainom? Ang seryoso niya kahapon, e.
Sasagot sana ako kasi for sure, ako 'yong pinariringgan niya dahil sa pagsampal ko sa haliparot na 'to, pero mukhang wala namang nakapansin kaya hinayaan ko nalang.
Umupo siya sa inuupuan niya kanina katabi ng guy na kanina pa busy sa phone niya.
"Tangina, Jerome, baka mamaya lason na ipainom mo sa 'kin, ha. Iba na nararamdaman ko," reklamo niya.
I tried not to mind them pero ang lalakas ng boses nila.
"Si Kriston may pakana no'n," tawang-tawa na sagot naman no'ng guy.
Teka... naaalala kong may nabanggit si Dreami na Jerome at Kriston sa notebook niya. Sila ba 'yon?—again, Mel! Hindi lang sila ang may ganyang pangalan sa mundo.
"Pakantahin niyo si Erel!" sigaw no'ng guy sa katabing table.
"Pass muna ako, Yulo," natatawang sagot ni Erel the plastik. Tsk, kala mo naman kung sinong magaling kuman—okay fine. Magaling naman talaga siyang kumanta.
"Sige na, Erel," pamimilit no'ng babaeng nakatube at nakasuot ng maikling skirt.
"Tumigil ka, Abby. 'Yong jowa mong si Hazzy 'yong pakantahin mo total siya may birthday," sagot naman ni plastik.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...