Ilang araw na ang lumipas simula no'ng pangyayaring 'yon at hindi ako makaget over sa ngiti niyang 'yon. Nakakainis.
Hindi ko na rin siya nakita pagkatapos no'n pero 'yong mga sinabi niya, araw-araw akong hina-haunting. Nakakainis! Para siyang virus na umaaligid sa 'kin.
"Hinatid lang naman kita, e. Baka kung sinong lalaki nanaman ang sampalin mo. Masakit kaya."
"Apology accepted. Pero ang sakit no'n, ha."
Urgh! Buwisit! Nakakainis talaga siya! Pakitang tao. Ang plastik niya! Nabulag lang si Dreami dahil sa pagkagusto niya sa lalaking 'yon kaya kung ano-anong word 'yong naidi-describe niya.
Para ko namang tangang sinabunutan 'yong sarili ko. Habang sinasabing, "Hays, you're so stupid, Mel!"
Siguro may ibang plano 'yong lalaking 'yon kaya hindi niya ako ginantihan. Tss, kala naman niya napakastupido ko—oo na. Oo na. No'ng sinampal ko siya, inaamin kong napakastupid kong tingnan no'n. That time lang 'yon, 'no.
"Mel! Sama ka—" tapos biglang napatigil siya nang makita 'yong ginagawa ko. His eyebrows furrowed kaya napatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko. "Anong ginagawa mo?" curious niyang tanong. Nahiya tuloy ako.
"Ah, haha w-wala! Sinusuklay ko lang 'yong buhok ko," palusot ko sabay suklay ng buhok ko gamit ang mga daliri ko. Mahinang napatawa naman siya.
"Nga pala, birthday ngayon ng friend ko magpapa-party siya mamaya. Samahan mo ako." Tapos tinaas-taas niya pa 'yong dalawa niyang kilay habang nakangiti.
"Ano ka ba, Waden, hindi niyo naman ako kabarkada kaya 'wag na. Nakakahiya," sagot ko. Kakauwi lang namin mula sa school at nasa tapat na kami ngayon ng bahay nila.
Tumambay muna kami sa gilid ng kalsada. Hindi ko pa gustong pumasok sa bahay, e.
"Okay lang naman sa friend ko, e. Mas mabuti nga raw 'yon para may new face siyang makita. Magsasama rin naman 'yong iba ng mga barkada nila sa ibang lugar," sabi niya. "Don't worry hindi ka mao-OP at saka hindi kita iiwan 'no."
"Hindi ako sure." Hindi naman kasi ako mahilig sa party.
Humawak naman siya sa braso ko at parang niyayakap 'yon kaya natatawa akong tinulak-tulak siya.
"Sige na, please. May inuman kasi, e, mas mabuting nando'n ka para may excuse ako kung ba't hindi ako puwedeng uminom. Sasabihin kong ihahatid pa kita."
"Tsk! Ang labo mo, Waden! E, kung ayaw mong uminom, edi 'wag ka nalang pumunta. As simple as that." Confident na sabi ko.
"Tss, napaka-boring na nga ng buhay mo tapos papalagpasin mo pa 'yong chance na 'to para makipag-socialize? Mel, naman, samahan mo na ako, please." Natawa naman ako sa hitsura niya.
"Nagpapa-cute ka pa riyan, Guadencio." Saka tinulak ko 'yong noo niya gamit ang hintuturo ko. Bigla ko tuloy naaalala na ginawa 'yon sa 'kin ng plastik na Erel na 'yon. Tsk!
"Nacute-an ka ba?" Pinalo ko naman siya sa braso. "Sa 'yo ako pinaka-close kaya sasamahan mo ako." Nakangiti niya pang sabi. Ang kulit ng Guadencio na 'to.
"Hindi nga ako sure at saka hindi ako papayagan ni mader."
"Well, sure akong papayagan ka niya." Tapos napangisi naman siya. Tsk! Alam ko na ang binabalik ng lalaking 'to.
***
Tinawagan niya 'yong kaibigan niya raw kuno para sunduin kami. At heto, kakadating nga lang ng lalaking mukhang adik na hanggang leeg na ang haba ng buhok. Bad, Mel!
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...