"Mel, kain tayo sa labas! Sabado naman, e," aya ni Waden. Inabala pa talaga niya 'yong tulog ko.
"Wala ako sa mood, Waden. Umalis ka nalang," walang buhay kong sagot.
"Ilang beses mo na ba 'yang sinabi?" Tapos nag-isip siya. "Tss, pang sixteen na 'yan." Wow. Seriously? Binilang niya talaga?
"Nakukulitan na talaga ako sa 'yo. Umalis ka na nga!" pagtataboy ko saka tinulak-tulak siya papalabas ng kuwarto ko. Si Mama talaga kahit lalaki pinapasok sa kuwarto ko.
Nag-agawan kami ng doorknob kaso ano ba namang laban ko sa lakas niya? Niyakap niya pa ako para tumigil ako sa paghila sa kanya papalabas.
Napabuntong-hininga nalang ako. Kapag nakita kami ni Mama na ganito 'yong posisyon, siguro naman papalayasin na niya 'to. Kaso, umalis ata si Mama, e.
Ewan ko pero parang nag-flash sa memory ko 'yong pagyakap ng plastik na 'yon sa 'kin. Hindi ganito. Hindi ganito 'yong feeling.
"Ano bang problema?" tanong niya. Hinampas ko naman 'yong likod niya pero hindi siya natinag. Mas naamoy ko lang lalo 'yong pabango niya. Tss, hanggang ngayon 'di ko parin alam kung anong pabango niya.
"Ano bang pabango mo?" pag-iiba ko ng usapan saka inamoy amoy 'yong balikat niya. Hindi ata siya naging komportable sa ginawa ko kaya naman mahina niya akong tinulak mula sa pagkakayakap saka tinulak 'yong noo ko gamit 'yong hintuturo niya.
Nag-flash ulit sa 'kin no'ng ginawa ng plastik na 'yon dati. Nakakainis! Nababaliw na ako. Hindi rin ganito. Hindi rin ganito 'yong feeling.
Napakunot lang 'yong noo niya habang nakatingin sa 'kin. Napayuko nalang ako ng kaunti.
"Ano bang... nangyayari sa 'yo?"
"H-hindi ko alam." Napapikit nalang ako dahil sa frustration. Nababaliw na ako.
Hinawakan niya 'yong magkabila kong pisngi saka inangat 'yong ulo ko ng kaunti.
"W-Wala ka naman sigurong sakit. So anong problema?" Para siyang nanginginig habang binabawi 'yong mga kamay niya.
Medyo natawa ako.
"Waden," umpisa ko. Napatingin naman siya sa 'kin ng diretso. "Puwede mo ba akong sampalin?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
Akala ko gagawin niya talaga pero napasampal lang siya sa noo niya saka bigla akong tinulak-tulak papunta sa cr.
"Maligo ka na. May pupuntahan tayo," sabi niya saka ginulo 'yong buhok sa ibabaw ng ulo ko saka umalis. Wala. Hindi parin ganito 'yong feeling. Ako na mismo ang sumampal sa sarili ko. Bakit ko ba kinukumpara 'yong nararamdaman ko sa kanila? E, kaibigan ko lang naman si Waden. Gano'n din siya sa 'kin. At 'yong plastik namang 'yon ay isang virus lang na pakalat-kalat.
Napabuntong-hininga nalang ako. Ano ba 'tong mga iniisip ko? This is really giving me a headache.
Wala akong nagawa kung 'di sumunod nalang. Nababaliw na nga ako.
Simpleng sky blue na bestida lang ang sinuot ko. Nag-ayos ako ng buhok at binigyang buhay 'yong mukha ko pero ewan ko ba, feeling ko, para parin akong matigas na carrots na lumambot no'ng pinakuluan.
Pagkatingin ni Waden sa 'kin, sandali siyang natahimik pero maya maya napairap.
"Ilang araw ka sigurong hindi nakatulog, 'no?"
"Parang gano'n na nga."
"Puwede mo naman akong tawagin sa may bintana mo. Lagi namang bukas 'yong akin, e," sabi niya tapos tumayo siya. "Kakantahan naman kita para makatulog ka kahit hindi ako marunong. Pero baka mas hindi ka lang lalo makatulog kaya wag nalang pala," mahina niyang sabi saka uumuna nang lumabas.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...