"Ma, saan mo dadalhin 'yan?!" taranta kong tanong kay Mama habang hawak-hawak ang kahon ng pinsan ko.
"Ibibigay ko sa Mama niya."
"Ma, please, 'yan nalang po ang naiwan sa 'kin ni Dreami," pagmamakaawa ko pa, hinawakan ko rin 'yong kahon para pigilan si Mama pero napakunot lang ang noo niya.
"Naawa na ako kay tita Mella mo. Itong mga gamit nalang ang natitira para sa kanya kaya hayaan mo na, anak."
"Sa 'kin po ibinilin 'yan ni Dreami," paiyak nang sambit ko.
Nagmakaawa pa ako sa harap ni Mama. Naiiyak na ako. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap.
Mukhang nakumbinsi ko naman si Mama kaya binitawan niya 'yong kahon.
"Sasabihin ko nalang sa tita mo na wala nang naiwang gamit dito si Dreami."
Napangiti naman ako at nagpasalamat kay Mama.
Dinala ko sa kuwarto ko 'yong kahon. Nilapag ko sa kama at binuksan ito.
Tumambad sa 'kin 'yong mga naiwang gamit na makapagpapaalala sa 'kin kay Dreamaica Ellaine Tierra, ang pinaka-close kong pinsan na halos kapatid ko na. Siguro nga dahil sa pagkakaibigan ng magkapatid na Mama namin kaya gano'n nalang kami ka-close.
Ilan sa mga favorite niyang gamit ay ang puting stuff toy na regalo ko pa sa kanya noong birthday niya. Niyakap ko ito habang nakangiti. May nakita rin akong keychain na gitara. Naalala ko pa noong niregaluhan ako ni Mama ng gitara pagkatapos ng birthday ko tapos pinuntahan ko agad si Dreami sa bahay nila at nagkantahan kami. Pero siyempre, siya 'yong naggitara, nakikanta lang ako. Hindi naman kasi ako marunong gumamit no'n, hindi ko lang alam kung bakit sa lahat ng bagay ay iyon pa ang naisip ni Mama. May maliit ding pang display na tumutunog at ilang mga magazine na pinaggugunting namin dati.
Halos maubos ko na 'yong laman ng kahon. Lahat ata ng mga gamit na nandito ay sadyang iniwan niya sa 'kin para hindi ko siya ma-miss kahit na wala namang makakapalit sa kanya.
Napatigil ako nang makitang may isang bagay na naiwan sa kahon na sa pagkakaalala ko ay ipinagdadamot niya sa 'kin dati.
Isang itim na notebook.
Ito 'yong notebook na laging dala ni Dreami na ayaw niyang ipabasa sa 'kin 'yong mga nakasulat sa loob.
"Opss! Akin 'to. Bawal mong basahin."
"Hala, bakit bawal? Diary mo 'yan, 'no? Ayieee, siguro nandyan 'yong mga fantacies mo sa crush mo!"
"Diary ka dyan! Pero parang uhm... sige na nga, parang diary nga kasi isinulat ko rito ang highschool life ko. Basta bawal mong basahin unless binigay ko na sa 'yo."
Oo, tama! Dito niya sinusulat 'yong highschool life niya!
Omg. Iniwan niya sa 'kin so ibig sabihin binigay na niya sa 'kin at ibig ding sabihin, puwede ko nang basahin, hehe.
Binuklat ko 'yong notebook at ito ang nakita ko sa first page:
This notebook belongs to Dreamaica Ellaine L. Tierra but you can call me Dreami, Maica or Ellaine. Kung hindi ikaw si Dreamaica, o 'di kaya'y si Kaye Dreamellaine Fuego, aba, bawal mong basahin so back off, bitch!
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Fiksi RemajaKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
