50

10 0 0
                                    

"Opss! Akin 'to. Bawal mong basahin."

"Hala, bakit bawal? Diary mo 'yan 'no? Ayieee, siguro nandyan 'yong mga fantacies mo sa crush mo!"

"Diary ka dyan pero parang—uhm... sige na nga, parang diary nga kasi isunulat ko rito ang high school life ko. Basta bawal mong basahin unless binigay ko na sa 'yo."

"Hmp! Ang damot," nakasimangot na sabi ko. Lumapit naman siya sa 'kin.

"'Wag kang magtatampo sa 'kin, ha? Nahihiya lang ako sa 'yo."

Napakunot naman 'yong noo ko. "Ba't ka naman mahihiya?" Tapos lumapit siya sa 'kin sabay bulong.

"Secret lang natin, Mel, ha?"

"Oo na. Bakit ba?"

"Naalala mo pa ba 'yong dalawang batang isinama ni uncle Demryl no'ng birthday mo dati?"

"Ewan. 'Yong kailan ba na birthday ko?"

"No'ng 10th birthday mo."

"Ang tagal na kaya no'n paano ko maaalala?"

Napairap naman si Dreami. "Ah, basta. Crush ko kasi 'yong isa at nalaman ko kay uncle Demryl 'yong pangalan. Gusto mong malaman?" excited niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako saka napailing. "Hindi ako interesado, Dreami."

"Hays! Ang boring mo naman, Mel."

"Oo na, Dreami. Basta kapag hindi ako ang una mong papabasahin sa kung anong nakasulat sa notebook mong 'yan... " pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Magtatampo ako sa 'yo, Dreami."

Para kaming mga bata.

Sa pagkakaalala ko, si Erel ata 'yong sinasabi niyang crush niya na kasama ni Papa na pumunta sa bahay. Pero... hindi niya naman nabanggit sa notebook niya, e. Ang sabi niya ro'n, nakilala niya si Erel no'ng grade 11 siya. No'ng enrollment daw.

Napabuntong-hininga nalang ako. Epekto na siguro 'yon ng sakit niya kaya nakalimutan niya.

Miss ko na si Dreami. Death anniversary niya ngayon at dahil makakakalimutin ako, nakalimutan kong bumili ng bagay na iiwan ko sa grave niya. Hindi naman magtatampo si Dreami sa 'kin, 'no?

Habang nagbibihis, nakita ko 'yong white teddy bear na binigay sa 'kin ni Erel no'ng birthday ko.

"'Yon nalang kaya 'yong dalhin ko para kay Dreami?" tanong ko sa sarili ko. Baka nga kiligin pa 'yon.

Pero siyempre joke lang. Baka pagsisihan ko in the end. 'Yong teddy bear pa man ding 'yon 'yong nakapagpatulog sa 'kin kagabi kasi hindi talaga ako makatulog dahil sa biglang pag-amin ng lalaking 'yon sa 'kin kahapon. I mean, hindi naman diretsahan pero gets ko kaya!

Napaisip tuloy ako, bakit niya 'yon sinabi? Wala naman akong naaalala na magkakilala na kami dati. Hindi ko nga ata siya napansin dati, e. Pinagsasasabi niya? Gosh! Totoo ba 'yon? E, kay Dreami ko nga lang nalaman na may kasama si Papa no'n.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now