Gaya nga ng sabi ko, sinampal ko lang naman si Waden nang magkita kami.
"Ano, natauhan ka na?" tanong ko sa kanya habang nakataas 'yong isa kong kilay.
Napahawak siya sa pisnging niyang sinampal ko saka napakamot sa batok. Nakuha pa niyang ngumiti sa 'kin at humirit ng, "Kahit sinampal mo ako, gusto parin kita."
Hinampas ko naman siya sa braso. "Kay Riley mo dapat sinasabi 'yan, Guadencio!"
"Kalma, maylabs. Gusto lang kita, mahal ko si Riley kaya 'wag kang feeling," sabi niya saka ginulo 'yong buhok ko. Naasar ako kaya pinaghahampas ko siya sa dibdib.
"Guadencio naman, e!" Sinamaan ko siya ng tingin tapos sinampal at saka hinampas-hampas ulit. Tawa lang siya ng tawa kaya natawa nalang din ako.
Pilit naman niya akong niyakap at sinabing, "Pero seryoso... may gusto talaga ako sa 'yo."
Napatigil naman ako. Seryoso na 'yong boses niya.
Humiwalay naman ako sa kanya at tiningnan ko ng mabuti 'yong mukha niya. Seryoso talaga siya. Mukhang hindi nga siya nagbibiro.
"Weh?"
"Oo nga."
"Kailan pa? Kailan mo pa ako nagustuhan?"
Ginulo niya 'yong buhok ko. "Bakit ba ang ganda mo?"
Hinampas ko naman 'yong kamay niya. "Kailan nga?"
Sumeryoso naman 'yong mukha niya saka tumingin sa 'kin. "No'ng birthday ni Erel. No'ng pinagsalitaan ka nila ng kung ano-ano. Tumakbo ka palayo at hinayaan kong sundan ka ni Erel. Pinagsisihan kong pinagbigyan ko siya no'n. Kung nando'n lang sana ako, siguro hindi ka maaaksidente. No'ng makita kitang paiyak na, naisip ko no'n na ayokong nakikita kang gano'n."
Napaupo nalang ako sa bench. Hindi ko alam kung anong unang mararamdaman ko. Pinaalala na naman niya 'yong araw na 'yon. Sana hindi nalang nangyari 'yon. Sana hindi nalang ako pumunta no'ng birthday ni Erel. Sana hindi nalang ako umamin. At sana hindi nalang namatay si Dreami.
"Hoy, tigilan mo nga ako, Waden! Awa lang 'yong nararamdaman mo, e!"
"Hoy, hindi, ah! Gusto mo ng proof?" Tapos bigla niyang hinawakan 'yong kanang pisngi ko kaya nanlaki 'yong mga mata ko at bigla kong hinampas 'yong kamay niya.
Natawa lang siya, ako naman, nakatingin lang ng seryoso sa kanya.
"Pasensya na Waden pero—"
"Hindi kita gusto."
Napatingin naman ako sa kanya na nakahalukipkip 'yong mga kamay sa mga bulsa at mahinang natawa bago tumingin sa 'kin.
"Si Erel ka na ba ngayon?"
Natawa nalang din ako. Nasaktan ako sa sinabi sa 'kin ni Erel dati pero heto ako at muntik ng sabihin rin 'yon sa ibang tao. Wala rin akong pinagkaiba sa plastik na 'yon.
"Bagay sa 'yo 'yang kuwintas na 'yan," bigla niyang sabi kaya natauhan ako. Napatingin naman ako sa kuwintas na suot ko. Hinawakan ko 'yon at saka napangiti.
"Siyempre naman, bigay 'to ni Papa sa 'kin," sagot ko at napatingin sa kanya.
Nawala naman 'yong ngiti niya at nagsalubong 'yong mga kilay niya. Nagtaka naman ako kung bakit 'yon ang reaksyon niya.
"Bakit? May problema ba, Waden?" tanong ko.
Para siyang natauhan kaya napatawa siya ng mahina sabay gulo sa buhok ko.
"Nakakapagtampo ka naman. Gift ko kaya 'yan sa 'yo. 'Di ba, birthday mo kahapon?"
Ilang minuto kaming nagkatitigan ni Waden. Napapikit nalang ako ng mariin at napasampal sa noo ko nang mapagtanto kong tama nga siya.
"S-Sorry," sagot ko nalang saka napatawa ng pilit. "Nami-miss ko lang siguro 'yong necklace na bigay ni Papa."
Nginitian nalang niya ako at ginulo 'yong buhok ko. "Matulog ka nga ng mas maaga, 'yang eyebags mo puwede nang ibenta."
Sinimangutan ko lang siya.
Napatigil kami pareho nang mag-ring ang phone niya. Sinagot niya 'yon sandali pagkatapos ay niyakap ako. "Alis na ako, maylabs."
Humiwalay siya at sumakay na sa motor niya.
"Ingat, Guadencio," sabi ko nalang. Kinandatan at nginitian niya muna ako bago niya pinaadar 'yong motor.
Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya.
Bakit ang lungkot ng ngiti niya?
***
"Cookies and cream po, thank you!"
Mag-isa akong pumwesto sa ikalimang table.
Again, hindi nanaman kami nakapaglakuwatsa ni Waden so I went to a near coffee shop alone. Gusto kong mapag-isa. Hindi ako makapaniwalang pati 'yong bigay sa 'kin ni Waden na kuwintas ay nakalimutan ko. Nami-miss ko lang siguro 'yong kuwintas na naiwala ko no'ng naaksidente ako. Bigay 'yon ni Papa, e.
Hindi pa ako nagdadalawang minutong nakaupo nang biglang may humila sa 'kin patayo at hinila ako papalabas ng coffee shop.
No'ng una ay nag-panic ako pero nang makita kong si Cailyn 'yon ay kumalma ako. Medyo nagtataka lang ako kung bakit kailangan niya pa akong hilahin palabas na para bang galit siya sa 'kin.
"Uy, Cailyn," nakangiting bati ko sa kanya. Pero nawala nalang 'yong ngiti ko nang makitang seryoso 'yong mukha niya.
Tumaas 'yong kilay niya at pinagkrus niya 'yong mga braso niya habang nakatingin sa 'kin.
Napalunok ako. T-Teka... parang bumalik nanaman 'yong pagka "sungay girl" niya. 'Wag niyang sabihing kaplastikan lang 'yong ipinakita niya, nila sa 'kin no'ng birthday ko dahil magagalit na talaga ako sa kanila.
"C-Cailyn? Bakit mo—" pero bago ko pa man matapos 'yong sinasabi ko ay bigla nalang niya akong sinampal ng napakalakas dahilan para mapaawang 'yong bibig ko at manlaki 'yong mga mata ko.
"Ganyan ka ba talaga kalandi para agawin mo si Wadie kay Riley?!" sigaw niya.
Napapikit-pikit ako at napalunok para pigilan 'yong mga luha ko. Ang sakit ng sampal niya!
"Ano ba 'yang sinasabi mo?!" inis kong tanong.
"Nando'n kami no'ng mga panahong nasaktan ng sobra si Erel dahil sa pagkawala ni Dreami," medyo na nginginig na sabi niya sa 'kin. Kumikislap na 'yong mga mata niya dahil sa luhang nagtitipon sa mga mata niya.
"Kaya utang na loob, Dreamellaine, layuan mo ang dalawang kaibigan ko!"
"Bakit mo ba 'yan sinasabi, Cailyn? Wala akong ginagawang masama! Magkaibigan kami ni Waden at wala akong balak na sirain sila ni Riley!"
Napatawa siya ng sarkastiko saka tinaasan ako ng isang kilay.
"Alam kong may gusto ka rin kay Erel. Gano'n ka na ba talaga kalandi para pati si Wadie akitin mo?"
Akitin?
Ha! Ano bang pinagsasasabi niya?!
"Alam mo, Cailyn, hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yang mga pinagsasasabi mo pero hindi 'yan totoo! Magkaibigan kami ni Waden kaya bakit ko gagawin 'yon?!"
Napailing-iling lang siya na parang wala na akong balak pakinggan.
"Dati umaasa ako na kahit manlang kaunti ay maaalala ko sa 'yo si Dreami pero... hindi siya gano'n. Sa nakikita ko ngayon, kahit ano pang sabihin at gawin mo, Dreamellaine, hinding hindi ka magiging katulad ni Dreami."
At hindi pa siya nakuntento.
"At sinasabi ko sa 'yo, 'wag kang umasa kay Erel dahil hindi ka magugustuhan no'n. Kahit pa magpustahan tayo ngayon, nando'n sa bahay niyo ngayon ang babaeng pumalit na kay Dreami."
Do'n na ako napatigil.
Napatulala nalang ako sa malayo. Nanlabo 'yong paningin ko dahil sa luhang nagtitipon sa mga mata ko. And in just a second, nagsitulo nalang ang mga 'yon. Dire-diretso. Walang tigil.
Para akong naging estatwa sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko nga namalayang umalis na pala si Cailyn sa harap ko.
Bakit siya gano'n?
Bakit ba nila ako pilit na ikinukumpara kay Dreami?
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...