Moreno, medyo singkit, medyo payat, matangkad, matalino, maporma at higit sa lahat, 'yong lalaking may pangalang Erel Vien Canzares. Opo. Yes po. Siya po. Siya lang po ang prinsipe ni Dreamaica Ellaine Tierra, gets niyo guys? Okay, walang gulo at magkakasundo po tayo kung nagets niyo.
Agad naman akong napamulat ng mga mata, napatingin sa paligid at napabuntong-hininga.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bubulong na nga lang si Dreami sa panaginip ko tapos katangahan pa 'yong binulong sa 'kin.
"May problema, maylabs?"
Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Waden lang pala.
"Sumasakit pa ba 'yang ulo mo?" tanong niya pa. Tiningnan ko siya saka napangiti ako. Bigla ko siyang niyakap na ikinatawa niya.
"Maylabs ka dyan," sabi ko bago humiwalay sa yakap. "Kakauwi mo lang?" Tumango naman siya.
Nakauniform pa kasi siya, e.
"Taray, Guadencio! Ba't ang pogi mo ata ngayon?"
"Bola, maylabs!" natatawa niyang sabi saka biglang sumeryoso. "Sumasakit pa 'yang ulo mo?"
Umupo ulit ako.
"Minsan," bored kong sagot then I told him to sit beside me.
"Harap ka nga rito," sabi niya. I do what I was told and naramdaman ko nalang 'yong kamay niya na hinihilot 'yong sentido ko.
Nakatingin lang siya sa hinihilot niya habang ako ay pinagmamasdan siya habang ginagawa 'yon.
"Waden, wala ka ba talagang idea kung nasaan 'yong necklace kong 'yon?"
Umiling-iling naman siya.
"Maylabs, one year na ang nakakaraan. Ang tagal na. Sobrang importante ba talaga 'yon sa 'yo?"
Napabuntong-hininga ako bago tumango, "Gift 'yon ni Papa sa 'kin at saka gustong gusto 'yon ni Mama na suot ko," nakasimangot kong sagot.
Siyempre kahit hiwalay ang parents ko, still, pareho silang reason kung bakit pinapahalagahan ko 'yong kwintas na 'yon.
"'Yaan mo, reregaluhan nalang kita sa birthday mo."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya pero nanghihinayang talaga ako sa kuwintas na 'yon.
"Baka naman hindi mo suot 'yon no'ng maaksidente ka."
"That's impossible. Never ko pang tinanggal 'yon since nakuha ko sa kanya." Tas bigla nalang akong napatigil. "Teka baka naman nasa kanya?"
"I doubt it. Sa sobrang panic niya dahil sa 'yo, I don't think nakita niya 'yong kwintas mo kung natanggal man 'yon sa leeg mo no'ng aksidenteng 'yon."
Nagpanic? Talaga?
"Oy, ba't napatigil ka dyan, ha?"
Natauhan tuloy ako.
"Ha? S-sinong napatigil?" pagmamaang-maangan ko.
"Ikaw, ha, ang sabi mo kakalimutan mo na siya."
Napaayos ako ng upo at napasimangot.
"Sinusubukan ko naman, e, sadyang malakas lang talaga 'yong kapit ng plastik na 'yon sa isip ko kaya kahit nagkagulo-gulo na 'tong brain ko, still, hindi parin siya mawala-wala," sagot ko.
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Teen FictionKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
