Una sa lahat, hindi ito panaginip, Mel. Pangalawa, hindi ito panaginip, Mel. Pangatlo, hindi ito panaginip, Mel!
Parang gusto ko nalang bumalik ulit sa bahay. Kaya nga ako sumama kay Papa para makalimot tapos ano 'to, ha? Kakasabi ko palang na iiwasan at lalayuan ko na siya pero sadyang trip talaga ako ng tadhana at mas pinahihirapan pa ako. Nagpakalayo-layo na nga ako pero heto sinusundan parin ako ng kamalasan na walang ginawa kung 'di ipaalala 'yong sakit na naranasan ko no'ng araw na 'yon.
Nakakakainis, paano ko siya lalayuan kung sobrang lapit na niya ngayon sa 'kin? At magkatabi pa talaga 'yong mga kuwarto namin! Lord, naman, bakit ganito?
"Kumusta na?"
Hindi ko siya pinansin. Ngayon ko lang napansin na parang umiba na 'yong boses niya. Parang ang sarap pakinggan kahit hindi naman siya kumakan—jusko naman, Mel! Ano nanaman ba 'yang iniisip mo?!
Tiningnan ko nalang 'yong buong kuwarto. Ang ganda tingnan ng beige color, paanong hindi ko magugustuhan? Tapos may balcony pa. 'Yong nagsalita lang naman 'yong hindi ko gusto. Pero sarili ko lang 'yong niloloko ko.
"Paano nila nalaman 'yong favorite color ko?"
Hindi ko siya tiningnan.
I stayed calm kahit 'yong dibdib ko ay parang sasabog na.
Hindi siya sumagot kaya hindi ko na napigilan at tumingin na ako sa kanya.
Nakasandal siya sa may pinto habang nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa niya. Ano, cool ka nang tingnan niyan, plastik? Psh! Nakakainis lang isiping parang mas gumuwapo—pumangit pala—siya ngayon.
Napaiwas nalang ako agad ng tingin dahil pag nakikita ko 'yong pagmumukha niya ay naaalala ko lang kung paano niya sinabing hindi niya ako gusto.
Tae talaga.
"Never mind," pagbawi ko agad ng sinabi ko saka napairap kahit wala pa namang limang segundong hindi siya sumasagot.
Natawa naman siya na para bang hindi siya nakakaasar.
"Bakit ka ba nandito?" mataray kong tanong sa kanya.
Natawa ulit siya. Ano bang nakakatawa? Nakakatawa ba 'yong mukha ko?
"Kasi sinamahan kita," sagot niya na para bang hindi siya namimilosopo.
Tiningnan ko siya nang masama kaya napaayos siya ng tayo. "Narinig mo naman 'yong sinabi ng Papa mo kanina, 'di ba?"
"Don't worry, hindi tayo blood related. Pamangkin ako ni tita Clara," sabi pa niya habang nakangiti. Nagpapapansin nanaman sa braces niya.
Pero teka nga, anong sinabi niya?! Anong gusto niyang iparating, ha?! E, wala naman akong pakialam kung blood related kami o hindi!
"Pake ko naman sa sinasabi mo!"
"Magtatanong ka tapos magagalit ka."
"Ang layo ng sagot mo, e!"
Parang gusto ko na siyang murahin ngayon pero 'yong mukha niya, kalmado parin at naaasar ako!
"Mukhang 'yon 'yong gusto mong marinig, e."
Ang yabang.
"Feeling mo naman pagsasakluban ako ng langit at lupa pag nagkataon na magpinsan tayo."
Humakbang siya papalapit sa 'kin kaya nagsimulang maging abnormal nanaman 'yong puso ko.
"Bakit, hindi ba?" Nakapamulsa niyang tanong habang dalawang hakbang nalang ang layo niya sa 'kin.
Napabuga naman ako ng hininga at gusto ko nalang matawa sa sinabi niya. Sa isang taon na hindi kami nagkita, siguro nag-ipon siya ng maraming ipagyayabang sa 'kin. Tss, porke umamin ako sa kanya dati feeling niya hanggang ngayon gusto ko parin siya!
YOU ARE READING
Dreamaica's Notebook
Novela JuvenilKaye Dreamellaine Fuego has a cousin named Dreamaica Ellaine Tierra who passed away before they could go to their dream university. They were very close to each other that's why when Dreamaica felt that she was going to die, she left Dreamellaine a...
