CHAPTER TWO: LOVE

1K 55 0
                                    

CHAPTER TWO: LOVE

-DOMINIC-

MOVING on was the last resort I had in my mind now that I'm back here at my hometown - Scotland. Mahirap pero susubukan ko pa rin lalo't may kailangan ako asikasuhin dito bukod sa pagsisimulang muli. Scotland, the land where I was born and raised until teenage years. The country where my family resided since Mama married Papa – a Scottish man whom she met in a bar back when they were young. After almost twenty-four hours flight, ang gusto ko lang gawin ay matulog pero hindi ako hinayaan ng kaibigan ko.

Kailangan daw naming i-celebrate ang pagbabalik ko sa bansang iniwan ko nang tumuntong ako ng edad na disi-otso. Sa Pilipinas na ako nag-aral ng kolehiyo, pre-law course tapos nagtuloy-tuloy sa law school, nakatapos at nag-top sa bar exam. I established a law firm there where I leave in the care of my friend, Trevor. Babalik din naman ako doon pero hindi ko alam kung kailan. Mukhang matatagalan dahil iyong kailangan ko asikasuhin ay may kinalalaman sa adoptive daughter ko na si Venice.

"Venice will love to know that her adoptive father is enjoying a bit after a long flight," Travis said, handing me a glass with whisky in it.

Tinanggap ko iyon saka agad na ininom ang laman na kinagulat ni Travis. Napangiwi ako nang may gumuhit na init sa aking lalamunan. Agad ko dinampot ang isang slice ng lemon sa platitong nasa harapan namin ni Travis at sinipsip pang-alis ng pait na gumapang sa aking lalamunan. Hindi na ako sa sanay sa matatapang na whisky dito Scotland. And this country possesed the best of it.

"I bet you're wrong. We had a video call a while ago, and Venice is excited to see me," pagkuwa'y aking sagot sa kanya.

At least someone, aside from Bia and Mom, was excited to see me – looking forward to be with me. Damn! I shouldn't be thinking Bea's decision right now. Pinili niya ang New York at iyong lalaking hindi ko magawang mapantayan kahit ano pang offer ang ialok ko.

"You have a problem?" Napatingin ako kay Travis.

He's the psychologist friend I have since childhood. Siya ang iyong isa pang pumipilit na bumalik at i-practice ang profession ko dito sa Scotland. Kailangan daw ng bansang ito ng magaling na abogadong gaya ko na alam ko namang bola lamang.

Umiling ako saka muling humingi ng isang baso ng whisky sa bartender sa aming harapan. Dito sa bar ako dinala ni Travis pagkalapag ko ng gamit ko hotel na pansamantala ko tutuluyan. Nagsabi ako kay Mama na maghahanap lang ako ng pwedeng makatulong kay Venice bilang speech tutor dito sa Edinburgh bago umuwi sa Glasgow. Forty-two minutes lang naman ang layo ng dalawang lugar kaya hindi problema ang magiging biyahe kung sakali na maisipan kong umuwi na lang kapag walang nahanap.

"You regret coming back home, right?" tanong pa niya uli sa akin.

"No." Mabilis ko na tanggi.

Buo ang loob ko nang maisipan ko na bumalik dito saka itong pag-uwi na ito'y para na rin kay Venice na gustong-gusto na akong makasama. Alam ko na malaking factor sa pagka-antala ng pagsasalita niya ang absence ko bilang magulang sa kanya. Like what I've said, at eighteen, I live in the Philippines alone. Umuwi lang ako nang biglaang mamatay sa isang aksidente si Ate Paola – ang nanay ni Venice at nakatatanda kong kapatid. My older sister left Venice at very young age due to some unforeseen events.

The court granted her custody to us after all the hearing we attended together with her father due to his incapability to raised a child because of alcoholism. Pinakulong din namin siya bilang pagbabayad siya sa ginawa sa kapatid ko. That man was the reason why we're holding my sister's lifeless frame now. Minahal siya ng kapatid ko sa kabila ng pagiging alcoholic niya at 'di iyon napagtanto agad. Huli na ang lahat, nangyari ang aksidente ng walang pasabi. Receiving a call about her death broke me down, and all I did when I came back home was to hugged Venice who's very young that time.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon