CHAPTER FIVE - BAD DREAM
-Heart-
HINDI ko maintindihan bakit ganito ang tibok ng puso ko. I didn't asked Dominic to drive me home but he insists. Wala naman akong magawa saka napapagod na rin ako at hindi na kakayaning maglakad papuntang subway. Saka sino ba naman ako para tumanggi pa. Maganda lang pero kulang pa rin ang ipon at itong mukha ko lang ang maipagmamalaki ko sa ngayon.
Maraming beses na akong nakasakay sa sasakyan niya. The first time was when he dragged me out of the pub house, next when he drove me to my workplace and I think this will be the last. Hindi naman siguro niya ako pipilitin na ihatid sa susunod ko na trabaho pagkatapos turuan si Venice. Ang haba-haba naman na ng buhok ko noon kung mangyari nga at ginawa ko pa driver ang boss ko. Well, hindi ko pa naman siya officially boss ngayon at sa contract may three months provisionary pa bago ako papirmahin ulit ng full time.
"You have reached your destination." Mga salitang pumukaw sa akin at napatuon ang atensyon ko sa cellphone ni Dominic. Maya-maya pa ay lumitaw doon ang picture nila ni Venice na magkayakap at kapwa masaya.
"I don't see any houses. Are you sure you live here?"
"Somewhere there and I can walk. Thanks for the ride." Agad ako nag-alis ng seat belt at inayos ang pagkaka-sukbit ng bag sa aking katawan.
"Wait up!" Nahinto ang akma ko na pagbaba ng sasakyan ni Dominic at dahan-dahan na humarap sa kanya. "Aren't you going to show me your face?"
"No."
Mabilis ko na sagot at bumaba na ng tuluyan sa kanyang sasakyan. Kahit nangangati na ang mukha ko, tiniis ko na huwag tanggalin iyon. Ang totoo niyan ay kanina ko gustong magpaalam para makauwi na at mag-alis na nitong maskara na aking suot.
"Saan kita pwedeng tawagan?" Halos pasigaw niyang tanong na nagpahinto sa akin sa paglakad.
Nagkibit balikat ako saka ngumiti sa kanya. "Do not asked around about me. They won't tell you who am I or what I look like exactly. Bye!" Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang na sa makarating ako sa convenience store na malapit at agad akong pumasok doon. "Hey, can I get my things?" tanong ko sa bantay na kilalang kilala na ako.
"What is with the mask exactly?" tanong sa akin ni Mirabel.
"For a job. A one-night-only job." Suminghap si Mirabelat tinawanan ko naman siya. "I'll use the back door, hmm? Thank you!"
"What kind of job?"
Narinig ko pa ang tanong ni Mirabel ngunit hindi na ako sumagot pa at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglakad. Saka isa pa, narinig ko rin na bumukas ang front door ng convenience store kaya malamang nalimutan na ni Mirabel ang dapat na tanong siya sa akin. Dali-dali akong nagbihis at doon ko napagtanto na nalimutan ko sa counter ang maskara na ginamit ko. Inis na inis ako sa aking sarili na nilikom ang iba ko pang mga gamot. Ito ang mahirap kapag masyadong maraming dala - may makakalimutan at makakalimutan talaga.
Gumamit ako ng wet wipes upang alisin ang make up sa aking mukha. Isinuot ko ang damit na gamit ko kanina nang pumirma ako ng kontrata sa opisina ni Dominic. Iniladlad ko ang aking buhok saka mabilis na isinuksok sa bag ang mga hinubad ko na damit at muling lumalabas.
"Mirabel, I think I forg-"
"Heart?" Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat ko na sasabihin ng makita ko na nakatayo si Dominic sa harapan ng counter. Sinundan ba niya ako? Bakit narito pa rin siya? Mabilis ko binagsak sa sahig ang dala kong malaking bag kasama ng clutch pouch na ginamit ko panterno sa aking suot kanina. "You're working here also?"
Tila natanggalan ako ng tinik sa lalamunan matapos ang marinig ang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat itawag sa kanya. Should I addressed him Atty. Trinidad or Dominic? Wala naman kami sa trabaho kaya ayos lang siguro na first name basis pero kapag nasa office niya ako kasama si Venice i-a-address ko siya bilang Atty. Trinidad. Hay, bahala na nga!
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
Любовные романыDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...