CHAPTER THIRTY-NINE: HERE WITH YOU
HEART
HALOS UTUSAN ko na si Dominic na paliparin papuntang St. Jude Thaddeus Medical Center ang sasakyan niya. Sinugod kasi doon si Papa matapos bigla na lang mawalan ng malay-tao at kasama nila sa ospital ang mga bata. I told Dominic that we should get there immediately because Mama needs me as well as the kids. Sumunod naman siya kaso ma-traffic talaga kaya wala akong ginawa buong biyahe kung 'di umusal ng tahimik na dasal habang nasa biyahe kami. Kaya pala parang ayaw ng katawan ko na umalis talaga kahapon kasi mangyayari ito.
Umaga palang masakit na ulo ni Papa at noong sabihin ni Mama na pupunta na sila ng ospital ay sinabi na iinom na lang siya ng gamot. May kakulitang taglay si Papa at lagi niyang katwiran, mas malakas pa siya kaysa sa kalabaw. Madalas kinokontra ko siya at hindi ko pa malalaman na nasa ospital sila kung 'di ko tinawagan si Millie. I bought my daughter a basic phone where I can call her whenever I'm far away. Ako kasi iyong klase ng nanay na hindi mapakali sa tuwing nalalayo sa aking anak.
And since Dominic and I went on a travel yesterday, I let Millie used the phone so she can update me.
I'm praying and hoping that Papa is safe as well as my kids.
Pagka-park ni Dominic, agad akong bumaba at hindi na siya hinintay pa. Abot langit na ang kaba ko ngayon. Sa tuwing tatapak ako sa ospital na 'to ay hindi ko maiwasang kabahan nang matindi.
“May I know where you confined my father? Roberto Lorenzo III, t-that's his name,” tanong ko sa bantay na nasa information cubicle.
“Ma'am, we transfered Mr. Lorenzo to a private room a while and only relatives can visit him. May I know your relationship to the patient?” Natigilan ako. Kasasabi ko lang na tatay ko nga hinahanap ko, hindi ba niya ko narinig. I still don't have any ID or documents that Roberto Lorenzo III adopted me.
“She's Mr. Lorenzo's daughter. Can we know now his room number?” Dominic handed his ID and the staff immediately told us the room number. Parang kilala nila si Dominic na laging kasama ni Papa. “This wasn't the first time that your father got hospitalized, Heart. Lagi ako napunta kasi ipapabago na naman niya ang kanyang last will.”
“Ilang beses na ba niya binago ang last will niya?”
“For the last five years, he changed for more than five times. The day after we met was the last and the adoption is already rolling that time.” Hinarap ako ni Dominic matapos niya ako pigilan na pindutin iyong elevator button. “The Lorenzo's are not ordinary people, Heart. They may looked simple yet behind the simplicity they project is a well-known name inside and outside the country.”
Wala akong maintindihan sa ngayon o mas tamang sabihin na hindi naman kung sino sila ang importante sa akin.
“Hindi ang alamin kung sino ba talaga ang mga umampon sa akin ang priority ko, Dominic. I want to know how was Papa and the kids. Sigurado akong natakot iyong mga bata kanina.”
Huminga nang malalim si Dominic at hindi na muli nagsalita pa. Siya na ang pumindot ng elevator button at nang bumukas iyon ay pinauna niya ako pumasok.
“We're not okay, Dominic,” paalala ko sa kanya.
“I know but I'll keep my promise until you can trust me again. Maghihintay ako hanggang sa pumayag ka na magsimula tayo ulit. I'm always here with you no matter what happen.”
Hindi ako nakakibo matapos marinig ang sinabi na iyon ni Dominic sa akin. When he asked me yesterday if we could start over again, I chose not to say anything. Nanahimik lang ako na ginalang naman niya at hindi ko maiwasang humanga dahil tila ba humaba rin ang kanyang pasensya sa mga lumipas na taon. Sa limang taon na hindi kami nagkita, ngayon ko lang napagtanto na may nagbago nga sa kanya. Naging sarado lang utak ko noong magkita kami kasi pareho na naging emosyonal dalawa.
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...