CHAPTER SIXTEEN: A BREATH OF FRESH AIR
Dominic
I WAS having a hard time fixing Venice's hair when Heart came. Pinaakyat na raw siya ni Mama para tulungan ako. Iyon nga ang ginawa niya matapos akuin ang pag-aayos sa buhok ng anak ko. Maluwang na ngumiti ang anak ko pagkakita kay Heart. Mataman kong pinanood si Heart habang inaayusan si Venice ng buhok. Sinusunod bawat sabihin ni Venice at maraming pa itong pinalagay na ipit sa buhok ngunit mas pinilit ni Heart iyong dala niyang butterfly hairpin.
"Done. You're so pretty, Venice." Masuyong hinaplos ni Heart ang pisngi ng anak ko. "You love your new hair pin?"
"Hmm, yes," sagot ni Venice na pareho namin kinagulat dalawa.
"Very good. Here, take these sweets for you,"
Reward system, iyon ang paraan ni Heart para makuha niya ang atensyon ni Venice. She's been rewarding my daughter for every achievement Venice has in a day. Hindi ko tuloy masabi kung seryoso ba siya noong sinabi niya na ayaw isiksik sa isip ni Venice itong magulo naming buhay. If Heart doesn't want my daughter to get attached, then why is she here? Gusto ko magtanong kaso baka umatras pa siya kaya kunwari hindi ko na lang muna pinansin.
"I thought you don't want to go on a date with me?" I asked, a moment after. Hindi ko rin na pigilan ang sarili ko na magtanong.
"Hindi ito date, Atty." Heart hissed.
"What are we going to call this then?" My brow shot up when Heart opened her mouth, waiting for her to define everything. Akala ko itutuloy na niya ang dapat na sasabihin kaso hindi nangyari. Mataas pa rin ang bakod niya at mukhang malabo na malimutan ang ginawa ko. "Venice, go to your Mamita and wait for us with her," utos ko kay Venice. Tumingin pa siya sa akin tapos kay Heart. "We'll gonna talk first then we will leave, hmm?"
"Anong pag-uusapan natin? Tara na sasamahan ko na kayo at hindi ito date, okay? Ano 'to, uhm, fieldtrip! Okay na? Okay, let's go Venice,"
Bumalik ang malawak na ngiti sa labi ni Venice pagka-rinig sa sinabi na iyon ni Heart. Magkahawak kamay silang lumabas ng kwarto at iniwan ako. Wala ako ibang nagawa kung 'di sumunod sa kanilang dalawa palabas ng kwarto. Is Heart avoiding being alone with me or is she courteous? Am I a threat to her?
Confusing at its finest...
Pagbaba ko, si Mama na lang naabutan ko sa living room, hawak ang kanyang gunting at spray bottle. Kasalukuyan niyang nililinis ang mga halaman na binigay sa kanya ng isang kaibigan. Hinayon niya ang tingin sa akin saka marahang inalis ang salamin sa mata.
"Tumawag na ba si Bia?" tanong niya sa akin. Umiling ako. I tried calling my sister but the call didn't go through. "Talaga naman ang batang iyon. Anyway, what's with you and Venice's tutor?"
"Friends, I guess?" Hindi ako sigurado. I'm not too fond of Heart for making me feel a bit frustrated up until now. Heart hates me for being an asshole. I tried to redeem myself many times, but no matter what, I did.
"Have you moved on?" tanong na hindi ko pa natatanong sa aking sarili simula ng bumalik ako dito. "Because if not, better not to lead her and give false hope, son. Look after Venice and prioritize her feelings too aside from yours."
"I'm not thinking about her, 'Ma."
"That's good then, but remember what I've said, Dominic."
"Heart is a breath of fresh air, 'Ma."
"Find the courage, and don't let your new fresh air get polluted."
Tumango ako saka matipid na ngumiti. I kissed mom on her cheeks after I bade my goodbye. Hinatid niya kaming tatlo sa may garahe at panay ang bilin na huwag hahayaan na tumakbo mag-isa si Venice. The last time I let my daughter run, she got lost which led our way to Heart. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala iyon pero 'di ko siya doon unang nakilala. I could still remember the first time our gaze met, her skin against mine and the first kiss we shared.
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...