CHAPTER THIRTY: LOST

483 28 0
                                    

CHAPTER THIRTY | LOST

Dominic

IT'S BEEN a month since Heart left and I'm still adamant to find her here in Scotland. Hindi naman siya agad-agad aalis lalo't wala naman siyang babalikan na pamilya sa Pilipinas. I strongly believed that Leyn is hiding her from me. Kaya naman halos araw-arawin ko na ang pagpunta rito sa flat niya para lang pakiusapan na sabihin na sa akin kung nasaan si Heart ngayon.

Gaya ngayon, narito na naman ako at naka-abang sa paglabas ni Leyn. Kailangan ko malaman kung nasaan si Heart ngayon.

Umayos ako ng tayo nang makita ko si Leyn na lumabas kasama ng isang ginang.

“I'll use my deposit and finish packing so I can leave early tomorrow. I won't get a refund and if it's short, please do email me so I can wired it to you,” narinig ko na salita ni Leyn sa ginang na kausap niya.

“You're leaving?” taka kong tanong na nagpalingon sa kanilang dalawa. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Leyn nang tumingin sa akin. Yes, she's mad and I'm ready to take all the blame. Ako lang naman ang dapat na sisihin kung bakit umalis si Heart sa bahay at iniwan kami ni Venice.

Leyn bade her goodbye to the old lady and acted as if she’d walked away from me.

“Wait, Leyn! Aalis ka?”

Marahas siyang huminga saka padabog na humarap sa akin. “Ano naman ngayon sayo kung aalis nga ako?”

“Paano si Heart?”

“Alam mo huwag mo na hanapin iyong ayaw naman magpakita sayo. Sinabi ko na sayo na hindi ko alam kung nasaan siya kaya tigilan mo na pagbalik-balik dito.”

“Aren't you going to find her?”

“Heart knows where to find me when she's ready, Dominic. Masyado mo yatang minaliit ang kakayahan ng kaibigan ko na makabangon mag-isa.” Humalukipkip sa harap ko si Leyn. “Mag-move on ka na, okay? Saka nakita mo na ba ang sarili mo? Ang miserable mo na tingnan ngayon. Iyan ba ang gusto mo na makita ng anak mo? Sinaktan mo na nga si Heart, sasayangin mo pa pati effort niya na turuan iyong bata na magsalita.”

“Easy for you to say that I should move on with my life, Leyn. Hindi naman ikaw iyong iniwan...”

“Teka nga, lilinawin ko lang, ha. Hindi ka iiwan ng kaibigan ko kung naniwala ka lang sa kanya. Ikaw at ang anak mo ang tinuring niyang pamilya dito kasi nga wala siyang gano'n. Buong buhay ni Heart tinuon niya sa pag-abot ng pangarap niya na gumanda ang 'man lang buhay meron siya kaso nangyari ka.”

Huminga nang malalim si Leyn bago muling magsalita.

“Ayoko na sisihin ka pero hindi naman magiging ganito ang lahat kung 'di mo ginulo si Heart. Ang daming tinapon ng babaeng iyon para sayo, Dominic. Kaya kung may higit na nasasaktan dito, si Heart iyon, okay? Huwag mo akuin na parang ikaw lang ang nasaktan. Magbago ka na nga!”

Those statement stuck in my head until I reached home. Sa labas naabutan ko si Venice na parang may hinihintay na dumating bukod sa akin. Tumayo siya at patakbo na lumapit sa akin saka yumakap.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon