CHAPTER SIX: MISSING

713 48 4
                                    

CHAPTER SIX - MISSING

-Dominic-

"HEART?" Kinaway-kaway ko ang kamay sa harap ng mukha ni Heart ngunit para siyang nanaginip ng gising. Is it possible? I smiled widely as I look at her face. "Hello?" Muli ko kinaway ang aking kamay na siyang nagpabalik sa kanya sa realidad. Dahan-dahan ko siya inalalayan na makatayo ng maayos. Bahagya siyang lumayo sa akin na naiintindihan ko naman dahil basa ako ng pawis sa pagtakbo ng dalawang beses pabalik-balik na parte ng aking morning routine. "Are you okay? You didn't sprained your foot?"

Patapos na ako mag-jogging na makita ko nakatayo si Heart nakatayo sa harap ng bahay namin. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang amusement sa kabuuan ng bahay at dapat babatiin ko siya kaya lang muntikan na matumba pagkakita sa akin. Mabuti na lang ay mabilis ko siya nasalo at hindi tuluyang mapaupo sa konkretong daan.

Sunod-sunod siyang umiling bilang paunang sagot sa tanong ko. "I'm fine. Nagu- I mean I got shocked b-by your sudden appearance."

"You can speak in your native language. It's fine, and I completely understand."

Nakita ko naman sa application form na sinagutan niya noong nakaraan na isa siyang pinay at tingin ko ang swerte ko nang ma-hire ko siya. Mas komportable ako na isang pinay ang mag-tuturo sa aking anak. Wala naman kahina-hinala sa background niya liban sa koneksyon na meron siya sa isang gang member dito. Base sa mga picture na pinadala sa akin ng na-hire ko na private investigator, madalang lang naman sila magkasama at puro iyon sa trabaho nito sa McDanes. Nag-alok pa ang investigator na kausap ko na imbestigahan iyong Dylan Randall ngunit tumanggi na ako.

Hindi naman ako masyadong interisado at marami talagang gang member kung saan-saan dito. Most of them usually lend money, but the borrower must return the money on or before the given time to pay. Some became Travis' clients, which I deal with also. Masakit sa ulo kung tutuusin pero wala naman akong magagawa. Hangga't hindi ko pa nakukuha ang practice permit ko, mananatili akong consultant ni Travis muna.

"Talaga ba? Alam mo wala talaga akong baong english ngayon. I hardly sleep last night," tugon niya na sinagot ko naman ng tango. Umayos ako ng tayo at saka humalukipkip sa kanyang harapan. "But I-I can do my job perfectly today."

"Then, shall we start?"

"Eh? Ah, yes. Mag-do-doorbell na talaga ako dapat kaso dumating ka,"

"Okay, let's go inside." Pag-aya ko sa kanya at nauna na ako pumasok pagkabukas ko ng gate. Agad kaming sinalubong ni Venice at mas tuwang-tuwa pa ang anak ko na makita si Heart kaysa sa akin. Yumakap ito ng mahigpit sa kanya habang ako ay dinaanan lamang. "How about Daddy? Didn't I deserve a hug too?"

Umiling lang ito at nagtago sa likuran ng mga binti ni Heart.

"Hindi ka niya yayakapin dahil basa ng pawis ang damit mo, Kuya." Sabat ng kapatid ko na lumabas din sa main door. "You must be Heart, right? Venice kept on drawing you in her sketchbook." Nakita ko kung paano nagtitigan si Heart at Venice. Pati na ang mga ngiti sa kanilang labi ay sobrang genuine. "Ako nga pala ang pinaka-magandang at sexy na kapatid ni Dominic Trinidad at tiyahin ni Venice."

Bago pa maabot ng kapatid ko ang kamay ni Heart, naitulak ko na siya papasok sa loob.

"Let's go inside. Don't mind my sister, and she's grounded, that's why," sabi ko kay Heart.

"I'm not grounded now!" Angil sa akin ni Bia. "Kuya, can I get my allowance now? Also, the payment from taking care of Venice."

"I already gave it to mom."

"What? Why did you do that? Kuya naman!"

Naiiling akong nilapagsan siya saka ibinukas ang study room ni Venice. May ginawa siyang ikinagalit ni Mama kaya inalis ang allowance niya last month at grounded pa. Nag-overnight ba naman na hindi nagpapaalam kasama pa ang boyfriend. Mom asked me to wire her Bia's allowance which was odd at first. Nang ikwento na ni Mama, naintindihan ko na at sa kanya ko nga diretso ang allowance ng kapatid ko.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon