CHAPTER FIFTY | HEART FOR DOMINIC

453 20 2
                                    

CHAPTER FIFTY | HEART FOR DOMINIC

Dominic

BEING A PARENT is hard specially when you have a semi-difficult to understand daughter. Si Millie. Kasalanan ko rin kasi in-spoiled ko siya noong bata pa na laging pinapaalala sa akin ni Heart huwag ko gawin. Ngayon I have to fetch my wife after sending her out for vacation alone. Dumanas kasi ng postpartum depression si Heart matapos ipanganak ang bunso naming si Jemmie na nasa pangangalaga ng mga biyenan ko sa Pilipinas. I spent my entire life here in Scotland because my second daughter is acting independent the past months.

"I know it's my fault, love." Kahit hindi kumikibo si Heart ay ramdam ko naman sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.

"Do not be too hard on yourself. Ginawa mo lang ang best mo sa pagpapalaki sa mga bata."

Did I misconcluded anything?

It's clearly my fault because I overstepped. Kung hindi ko pinilit na i-pareha si Millie kay Brooklyn, hindi kami magtatalo laging mag-ama. I couldn't stand the fact she's only wasting her time to a crook. That ex-boyfriend of his irks the hell out of me and I'm already fed up now. May kailangan akong gawin bilang tatay ni Millie.

"I'll haunt those who made my princess cry. I vowed that I will protect you and our children all my life. Kahit kilalang tao pa ang mga magulang ng lalaking iyon."

Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Heart bago nagsalita.

"Just don't do reckless things, love. Kung maaari, umalis na lang tayo dito sa Scotland." Hiling ni Heart sa akin at nakita kong pinikit niya ang mga mata.

Alam ko na pagod siya sa biyahe at wala pa halos tulog. Ni-hindi ko nga siya na-kumusta simula nang umalis kami sa airport. Miski tanungin kung kumain na ba siya o kung uminom na ng kanyang gamot. When I'm mad to someone, I tend to be like this, forgetting what's most important. My wife and our children were the most important people to me yet I forget my real obligations.

Damn!

A scandal exploded the same day and I have no choice but to contact a close friend to help to turn it all down. Hindi pa 'man kami nakakapasok sa loob ng village ay tanaw ko na ang kumpol ng mga reporter na nagpupumilit pumasok sa loob. Luckily the security detail in our village were alert and never let anyone in. Parang gusto na sumabog ng ulo ko sa sobrang sakit na dinulot ng scandal na singbilis ng hangin sa pagkalat. Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat, hindi ko na hinayaan si Millie na mainvolved kung kani-kanino.

"What are we going to do, Dom?" Huminga ako nang malalim. "This scandal won't subside fast because it's all over the search engines. We're too late to take it all down and find the spreader."

"Let's just leave the country quietly tonight."

This is the only choice I have. Noon pa 'man pangit na ang experience na meron kami dito pero pinili ko na mag-stay para bantayan ang anak ko. I went home together with Venice live here again. Dito kasi ako babalikan ni Heart, kaya dito ako naghintay para sa kanya. Sending the love of my life away was hard for all of us. Pero mas masakit na makitang araw-araw na nauubos siya dahil sa matinding kalungkutan.

Sabi ni Mama, hindi basta-basta nawawala ang epekto ng postpartum depression kaya dapat handa ako. Kinuha nila ang responsibilidad na alagaan sina Ezra at Jemmie sa Pilipinas sa akin. We both need some time off, sabi naman ni Papa. Pero nangako kay Heart bago ko siya hinayaang umalis na maghihintay ako sa kanya. Same place even on a different time and situation. And this situation isn't part of the plan. Panibagong stress na naman ito para sa kanya.

"Why are you so careless, Millie?" I asked,

"Don't take it out to your daughter, Dominic. It's our fault –it's mine only. I should be watching over her instead of traveling."

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon