CHAPTER SEVENTEEN: BURNED
Heart
HANGGANG sa hotel iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Dominic kanina habang kinuhaan kami ng litrato ng photographer na hindi namin kilala. Maganda iyong mga kuha namin at sobrang genuine ng ngiti ni Venice doon. Speaking of the kid, tulog na siya at kami na lang tatay niya ang gising. We're in the same hotel where Dominic brought the first time we met. Iyong setting ng unang halik na ako pa ang nag-initiate. Hindi ko na dapat pang inaalala kaso paano kung iyong mismong kinaroroonan ko ang nagpapa-alala ng lahat?
Sinubukan ko matulog ngunit panay lang pagbiling-biling ko sa kaliwa't kanang bahagi ng kama. Huminto lang ako ng gumalaw si Venice na agad ko namang tinapik. Nasaan kaya ang tatay nito? Marahan ako bumangon saka nilinga ang tingin ko sa kabuuan ng hotel room na kinaroroonan ko ngayon. Wala si Dominic... iniwan ba niya kami?
Ipinagpatuloy ko lang ang marahan na pagtapik kay Venice hanggang sa mahimbing na ulit. Dahan-dahan akong umalis sa kama para hanapin si Dominic. Kalagitnaan ng madaling araw pero nasa galaan pa. Hindi pa ba siya napagod kanina kakahabol kay Venice sa amusement park? Halos hindi ko na nga maramdaman ang mga binti ko nang maupo kami tapo ang dami pa niyang pasabog na nalalaman.
Marahan ko binukas ang glass window at lumabas sa maliit na balcony ng hotel room na kinaroroonan ko. Malamig na hangin ang agad na sumalubong sa akin dahilan upang mayakap ko ang aking sarili. Nalimutan ko pa magsuot ng jacket ano ba 'yan.
"It's cold there, Heart," napitlag ako nang may biglang nag salita mula sa aking likuran. Agad akong nilagyan ng makapal na jacket ni Dominic sa aking balikat saka inaya ako papasok. Siya na rin ang nagsara ng glass door na binuksan ko. "There's a snowstorm and I don't think we can travel back early tomorrow. Sumilip ako sa labas at makapal na ang yelo sa mga daanan."
"So, stranded tayo?"
"Yeah, but don't worry I'll ask someone to buy our clothes." Napabaling ang tingin ko sa bintana ng malakas na umihip ang hangin. Agad ko nilapitan si Venice upang tabihan. Lumapit si Dominic at umupo siya sa kabilang side saka masuyong hinawakan ang kamay ni Venice. "Thank you for accompanying us on this -"
"Fieldtrip, Atty," I said,
Ipipilit na naman niyang date ito kahit hindi naman talaga. Fieldtrip ito dahil may pinuntahan kaming garden tapos museum at ang panghuli ay ang amusement park kung saan mas nag-enjoy itong si Venice. Marahan ko tinapik ang likod niya ng gumalaw ito dumilat pa ang mata. I smiled when Venice embraced me a little tighter. Inayos ako ang kumot niya at binalot iyon sa kanya.
"I asked the bellboy to buy us snacks. I couldn't sleep yet, so I asked him to buy me a beer. Do you want some?"
"Hintayin ko lang na mahimbing itong si Venice. May dagdag bayad ba ito?"
"You said it's a field trip, so we're not working, Heart. Stop addressing me, Atty, when you're not my client."
"You don't do your client, Atty." Hindi siya kumibo ngunit sa ekspresyon na nakita ko parang mali ako ng hinala. "Are you having sex to every client you had before?"
"Not every, Heart. I'm not a manwhore. Stop judging me."
"Piling kliyente lang?"
"Not going to tell you." Sumimangot ako sa kanya ngunit imbis na mangamba ay tumawa lang ang loko. Marahan ko hiniga ulit sa kama si Venice saka binalot ng makapal na comforter. Mabuti na lang at may heater itong buong hotel room kung hindi, baka naninigas na kami sa lamig ngayon. Lumapit ako sa pwesto ni Dominic at dinampot ang isang lata ng beer.
"Bakit hindi ka humanap ng magiging nanay kay Venice sa mga naka-fling mo?"
"You're part of it, Heart, and I'm choosing you."
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...