CHAPTER THIRTY-EIGHT | A DAY WITH YOU
Dominic
I HANDED a flower bouquet my Mom and Bia and greet them both because it's mother's day today. Noon si Mama lang ang binibigyan ko pero simula ng umuwi si Bia mula London, malaki pinagbago niya. Kaya I decided to celebrate my sister as well because she became a mother figure in the family when Mom's not around. She guided Venice too and I'm so proud of Bia. Parang ibang tao na nga ang kapatid ko ngayon.
“Para kanino iyong isa Kuya?” tanong ni Bia sa akin.
I eyed the bouquet of tulips and violets then smile.
“For Heart,” tugon ko. “I cannot join the dinner tonight but I already paid the reservation as my gift to both of you. I'll treat Heart out on a date with the kids.”
“Totoo na ba iyan Kuya? Baka mamaya maghiwalay na naman kayo,”
“We're still not in a relationship, Bia, but I'm courting her again. With the help of our kids.” Dinampot ko na iyong bulaklak at tinawag si Venice. “Happy Mother's Day to both of you,” sambit ko saka niyakap ko silang dalawa.
“Bring those muffins. Heart likes it back when we were in Scotland, and can you borrow Millie for a day. I want to meet her.” Mama said to me.
Hindi lang sina Venice at Millie ang tumutulong sa akin na manligaw. Pati rin si Mama na panay ang pagluluto ng kung ano-ano para kay Heart. Simula ng sabihin ko na pinakilala na ako ni Heart kay Millie, naging supportive na siya sa bawat kong gawin. Si Mama pa kung minsan ang nag-iisip kung saan ko pwede dalhin si Heart kasama ng mga bata. Hindi naman kasi sasama sa akin iyon kung 'di kasama iyong dalawa.
Gaya ngayon, I talked to Mr. Lorenzo the other and he said that her daughter needs a break. Sa loob ng limang taon ay hirap ito sa pag-aalaga kay Millie kaya marami siyang options na binigay. The Lorenzo treated Heart as their own and guided her on the journey to motherhood.
“Kuya puro babae ang anak mo. Sabi nila karma mo daw iyan kasi playboy ka dati,” I eyed Bia and she just made a peace sign. “But I want to meet Millie too. Sabi ni Venice sobrang daldal daw ng kapatid niya.”
“And kulit,” dagdag ni Venice. Nilapitan ni Venice si Mama at Bia saka binati. “She has a lot of stories to tell about their neighbor's dog and customers in the convenience store.”
“Mana kay Heart.” Makapagnabay na sabi ni Mama at Bia. Madaldal si Heart at kung ano-anong kwento rin ang alam. Hindi mo pa pwedeng hindi pakikinggan kasi magagalit. Gano'n na gano'n ang anak naming si Millie na siyang nakakapag-alis ng pagod ko.
After going out with Carlos, I dropped by at the convenience store or the mansion to visit Millie. Tapos kapag sinundo ko na sa school si Venice, dadaanan kami ulit para naman ang panganay ko ang bumati sa kapatid niya. Gano'n lang routine ko ngayon. It's hard but I couldn't compared the struggles I'm feeling right now to what Heart had experienced before. Wala ako sa tabi niya noong mga panahon na iyon at kailangan ko bumawi.
I have to show her how sincere I am now. I will do anything just to win her back.
“We'll go ahead now. Enjoy the rest of your day today,” I said to them.
“Dominic, win her back please?” Pakiusap ni Mama sa akin. Sinabi niya sa akin na nagsisi siya na nireto ako sa iba noon. Paano na lang daw kung nagpakasal ako tapos may Millie pala? Kaya ngayon tinutulungan niya na talaga ako sa panliligaw na ginagawa ko.
“I will do that, 'Ma. Don't worry.” I smiled and asked Venice to come with me now. Baka naghihintay na sa amin si Millie na lagi pa namang excited iyong sa tuwing gagala kami.
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...