CHAPTER FORTY-SIX | APPROVAL

376 24 0
                                    

CHAPTER FORTY-SIX | APPROVAL

Dominic

Eighteen months later.

"WE HAVE to be on time at the airport. Kilala mo si Papa, ayaw niya naghihintay."

Hindi ko malaman kung ilang beses ko na narinig si Heart na sabihin iyon sa akin. Nawala na ako sa bilang at kanina pa rin naman niya inuulit-ulit iyon. Hindi ako pwedeng marindi pero gusto ko na magreklamo. Naririnig ko na kasi minsan si Mama sa kanya na buong akala ko ay natakasan ko na.

"Naalala ko pala, a client told me one time that you and her went on a blind date three years ago."

"Who's client?" I asked,

"Thea Acosta." Hindi ako nakapagsalita nang maalala ko ang pangalan na iyon ng babaeng natakot sa akin. She literally ran as if I was a ghost just because I raised my eyebrow at her. "So, you went out on a date several times before."

I cannot hide nor deny it anymore. Totoo naman na nakipag-blind date ako kahit pwede ko naman tanggihan si Mama.

"Yes I do, but those weren't successful." I nonchalant answered. Inayos ko maigi ang aking damit sunod ang buhok. Bahagya akong nagulat nang paglingon ko ay mukha ni Heart ang agad ko nakita. "What is it?"

"Ano ang nangyari? You both went out on a date then, what happened next?"

"Nothing." Lumayo ako sa kanya saka nilapitan na ang bag niya at binitbit iyon. "I'll wait for you outside. You should be hurry since Mr. Lorenzo is impatient."

"You love talking behind my father's back," mahina niyang sabi sa akin. Palihim lang akong ngumiti. I may love talking behind his father's back, but I still respect and look up to him. Our cat and dog relationship will remain forever because I'm about to marry his only daughter.

Later today, we will be holding our engagement in one of Mr. Lorenzo's hotel. Everything is all set. All we need to do is to sit back and relax. Iyong nakuha naming coordinator ay sobrang hands on sa lahat ng may kinalaman sa preparasyon ng engagement at kasal namin. Lagi niya ina-update kami ni Heart sa progress ng wedding preparations.

Today, we invited our closest friends and relatives. Iyong mga kamag-anak ko ay galing pa sa Aberdeen at umuwi ng Pilipinas para sa engagement namin saka kasal. Sa side naman ni Heart, ang mga magulang niya, si Leyn at ilang kaibigan sa LGC. Hindi pa alam sa LGC na sa akin ma-e-engaged si Heart at tiyak ko na marami ang magugulat mamaya. Kabilang na iyong mga empleyado na pulos pagpapahirap ang ginawa kay Heart sa kumpanya.

My woman is a fighter and I'm glad that both of our daughters are like her.

"Did you see Millie and Venice?" tanong ko sa kapatid ni Vicky na si Vivian. Kasambahay na namin siya mula nang ipaki-usap sa amin ni Vicky na kuhain ito bilang tiga-alaga ng dalawang bata.

"Nasa labas po, sir. Nandyan na po si Mr. and Mrs. Lorenzo,"

"Already?"

Hindi ako makapaniwala. Sino pa ang susunduin namin ngayon? Mukhang maaga ako makakapahinga para mamaya sa engagement namin ni Heart. At least we're not going to be stuck in the middle of EDSA traffic today.

"Nasaan ang mga bata? Tara na at baka ma-late tayo." Pukaw ni Heart sa akin ngunit hindi ako kumibo. "Let's go now. We need to talk pa pagbalik natin. I wanna know what happened to your blind dates."

"Mommy! Daddy! Granny and Pops is here!" sigaw ni Millie saka patakbo na lumapit sa aming dalawa. Agad ko kinalong si Millie at masuyong pinisil ang tungki ng ilong niya. "My dress is so pretty, Daddy. I can't wait to wear it!"

"You are still loud, Millie," sambit ko sa aking anak.

I watched Heart welcomed her parents. It was an emotional reunion yet happy because finally they're together now. Alam ko na miss na miss ni Heart ang mga magulang niya kaya at doon kami nag-celebrate ng Pasko kasama nila ay hindi pa rin naibsan ang pagka-miss ng mga ito sa isa't-isa. My fiancé has been waiting for this day to come and here we are now.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon