CHAPTER TWENTY-NINE: TWO RED LINES
Heart
KAHIT MASAMA ang pakiramdam ko ay pinilit ko bumangon para mag-impake ng mga natitira ko pang gamit dito sa apartment namin ni Leyn. Mas lalo lang ako magkakasakit kung mananatili pa ako sa bansang ito. Itong bansa na itinuturing ko pangalawang tahanan ang siyang nagparanas sa akin ng masakit na karanasan. Huminto ako sa ginagawa at matamang pinahiran ang aking mga luha. Hindi na nagulat si Leyn ng umuwi ako dito kagabi at alam ko na gusto niya ako tanungin ay pinili pa rin na manahimik muna.
Sasabihin ko din naman sa kanya kapag kaya ko na. Sa ngayon mas importante na maka-alis ako sa lugar na 'to. I booked a one way ticket back to the Philippines immediately when I arrived here last night. Ayoko na kasi talaga mag-aksaya pa ng oras at gumising dito na kinaawaan ang sarili. I badly want to go home now, hoping that I can restart my life there.
"Heart..." anang tinig na pumukaw sa akin. Muli ko pinahiran ang lugar sa aking mga mata saka hinarap si Leyn. "Nasa labas na iyong taxi, ready ka na ba?"
"Almost." Huminga ako ng malalim saka tinapos na ang pag-ayos sa mga gamit ko. "Salamat, Leyn. I'll contact you when I arrive home. Iyong ibang gamit ko padala mo na lang sa akin. Mag-send ako agad ng address sayo kapag nakahanap na ako apartment."
"Sobrang biglaan naman kasi ito. Sasamahan dapat kita umuwi kaso hindi pa ako nakapag paalamm" Bakas na bakas sa mukha ni Leyn ang lungkot dahil sa biglaan ko na pag-alis. Sinabi ko lang kasi sa kanya na uuwi na ako at sinubukan pa niya ako pigilan pero hindi nangyari. Buo na talaga ang desisyon ko na umalis sa bansang ito. "Sigurado ka na ba talaga dito sa desisyon mo? Wala ka pang apartment sa Pilipinas saka trabaho. Alam mo na mahirap buhay doon."
"Okay lang. Tatawagan kita pag nakauwi na ako mapanatag ka lang." Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti kahit pa panay-panay ang pagtulo ng aking mga luha. "Kaya ko naman huwag ka mag-alala sa akin masyado. Basta tatawagan kita kapag naka-settle na ako doon."
Niyakap niya ako ng mahigpit bago sinamahan ihatid sa labas. Hindi din ako mahahatid ni Leyn sa airport kaya kung ano na lang iyong kaya ko bitbitin ang dinala ko. I gave Leyn one last hug before I got into the taxi. Pinaalalahan pa ako ni Leyn ng ilang beses bago hinayaan na umalis ang taxi na maghahatid sa akin sa airport. Today I experienced this kind of feeling once again. Akala ko talaga sasaya na ako pero mali ako dahil ang lahat ay may katapusan. May hangganan ang lahat na akala ko'y wala.
Pinilit ko ang sarili ko na huwag umiyak pero ayaw paawat nitong mga mata ko. Wala rin naman magbabago kapag patuloy akong umiyak. Maling akala lang naman ang lahat at tingin ko hindi para sa akin ang pag-ibig talaga. Hindi pala talaga ako iyong babaeng kamahal-mahal at kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang ang lahat. Kailangan ko na ihinto ang pag-iyak ngunit paano kung ayaw naman huminto ng mga luha ko sa pagtulo?
Hanggang sa makarating ako sa airport umiiyak pa rin at tingin weirdo na ang tingin ng iba sa akin. Wala na akong pakialam ngayon kasi may mas worst pa ako naranasan kaysa sa pag-iyak ko na 'to. Sino mag-aakala na mararanasan ko na ma-detained ng buong araw at pilitin umamin sa kasalanan na 'di ko nagawa? Hanggang sa mga oras na ito ramdam ko pa rin sa mga kamay iyong posas. Pati sa panaginip sinusundan ako ng masalimuot na karanasan na iyon.
Karanasan na nais ko na lang kalimutan na kahit imposible...
I DEACTIVATED all my social media accounts before leaving Scotland. Pagdating ko dito sa Pilipinas bumili ako ng bagong cellphone, simcard at gumawa ng chat messaging account para ma-contact ko si Leyn. Alam ko na nag-aalala ang isang iyon kaya kahit ayoko mag-online ay gagawin ko para lang ma-update siya. Nag-check in ako sa isang hotel at doon nagpahinga buong araw. Tanghali kinabukasan ako lumabas at sa ospital ako unang tumungo dahil hindi pa rin nawawala ang sama ng pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomansaDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...