CHAPTER TWENTY-THREE: ASSURANCE

610 35 2
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE: ASSURANCE

Heart

TUMATAKBO pa rin sa aking isip iyong tanong ni Dominic noong nasa open field kami ng school ni Venice. Nawala ang atensyon ko kay Venice ng dahil doon sa tanong ni Dominic. Kapareho iyon ng tanong lagi ni Leyn sa akin at nag dilang anghel nga siya. Malapit ko na kainin iyong sinabi ko noon na mag-i-stay ako hindi dahil sa isang tao, kung 'di dahil gusto ko. May sinabi din ako tungkol hindi pag-priority sa love at busog na busog na ako sa mga salitang binitawan ko.

"Mommy," tawag na pumukaw sa akin at kay Mrs. Trinidad. Nagkatinginan kaming dalawa matapos tapunan ng tingin si Venice. "I want more." Binuhat ni Venice ang plato at inabot sa akin. Kinuha ko iyon saka tumayo para lagyan ng pagkain. I saw a sweet smile on Mrs. Trinidad faces and she's trying to conceal it so I won't notice. Pero masyado pa rin obvious kaya hindi ko maiwasan na pansinin iyon. Hindi iyon ang inaasahan ko na reaksyon kaya nagsalita na ako.

"H-hindi ko po siya tinuruan na tawagin akong Mommy. I don't have an intention to replace your daughter in Venice's memory."

I don't want her to think I'm teaching Venice to call me in that way. Out of blue iyong pagtawag sa akin ng bata at sadyang nakakagulat din.

Mrs. Trinidad chuckled, which shocked me a bit.

"There's no issue there, Heart. Hindi ko iniisip iyon at baka kaya ka niya tinawag na Mommy ay dahil nag-de-date kayo ni Dominic. Have you forgotten that she's a smart girl? Venice wanted a complete family ever since Paola died. Your presence beside my son and support helps her to cope up and speak."

Ngumiti ako at tinuloy na ang pag-refill sa plato ni Venice.

"Mommy..." tawag sa akin ulit ni Venice.

"Here na po." I lightly pinched Venice's cheek after place a plate in front of her. "You like Mamita's cooking?" Tumango siya sa nagpatuloy na sa pagkain. "Who told you to call me Mommy?" tanong ko sa bata.

"Daddy." Simple niyang sagot sa akin.

"Pala-desisyon talaga ang tatay mo, Venice." Tumingin sa akin si Venice at bahagyang kumunot ang noo niya. Narinig ko pa uli ang mahinang pagtawa ni Mrs. Trinidad matapos marinig ang sinabi ko. "After this I'm going to teach you some Tagalog words so when you visit the Philippines you will understand your playmate, hmm?"

"Yeah, do that, please? Hindi niya maintindihan ang ibang salita ng mga pinsan niya sa Aberdeen." Pakiusap sa akin ni Mrs. Trinidad. "May isa pa pala akong pakiusap, Heart."

"Ano po iyon?"

"Please don't break my granddaughter's heart and make my son happy."

Parang ang bigat naman na pakiusap 'non. Iniisip ko palang parang ayoko na tumuloy sa experiment na ito ni Dominic. I don't want those two to depend on me. Gusto ko masaya sila dahil iyon ang nararamdaman nila hindi dahil kasama nila ako. Marahan ko hinaplos ang ulo ni Venice ng tumingin siya sa akin habang ngumunguya. Ngumiti ako habang patuloy ang marahan na paghaplos sa buhok ni Venice.

"Eat more," ani ko saka inayos ang bangs ni Venice.

Inaya din ako kumain ni Mrs. Trinidad na hindi ko naman natanggihan. Kahit weekend ngayon, pinili ko pa rin na tumambay dito sa bahay ni Dominic kasama ang mag-Lola. Hindi ako pumayag sa suggestion ni Dominic na tumira kasama nila dito. Kahit na sabihing may consent naman ni Mrs. Trinidad ay ayoko pa rin. I'd rather stay on my pedestal not where Dominic wants me to stand.

Pero sana mapanindigan ko dahil ayoko namang lunukin na naman itong sinabi ko.

After lunch, tinuloy ko ang plano na turuan si Venice ng mga Tagalog na salita na magagamit din naman niya. Nakakapagod mag-English lagi kaya maigi na gawin ko ito. I taught her how to spell some Tagalog words and it's meanings. Later on, I decided to play a Filipino show which Venice instantly liked because of the interactive host. Sa sobrang pagka-hook ay naka-ilang episode din kami hanggang sa makatulog na ito.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon