CHAPTER TEN: A GOOD BROTHER

586 43 0
                                    

CHAPTER TEN: A GOOD BROTHER

Dominic

WHILE feeding Venice, I go through the monthly expenses that my mom handles alone the past few years. Dahil marami akong time, naisip ko na mag-liquidate ng mga resibo na nasa receipt bucket. Masyadong abala si Mama kaya tambak na itong mga i-li-liquidate niya. Bilang narito na lang din naman ako at wala pa gaano ginagawa, ako na magkukusang tumapos nito at hindi ko nagustuhan ang aking nalaman. Most of the receipts that I found was Bia’s expenses.

Kaunti lang ang nalipon ko na grocery receipts, parking receipts ni Mama at association fees. Pulo kay Bia ang naroon noong ginagamit pa niya ang sasakyan ko. Where did her allowances go when she let Mama pay for her violation tickets and parking receipts?

“Oops, hindi pala ako dito pupunta.” Narinig ko na sabi ni Bia na bigla lang pumasok sa dining area saka muling tumalikod at akmang lalabas.

“Come back here, young lady.” Utos ko sa kanya na agad naman sinunod ng pasaway kong kapatid. Itinuro ko sa kanya ang upuan at pinaupo siya roon. Tahimik lang naman sa tabi ko si Venice na nakain at si Heart ay nasa loob ng aking home office, abalang naglilinis. “What is the meaning of these?”

Iwinagayway ko sa kanya ang mga resibo siya ang gumastos na halos hindi ko na mahawakan pa sa dami. I have to use rubber band to separate it from the rest.

“Uhm… resibo?”

“Alam ko na resibo ang mga ito, Bia. My question was, why are these on Mama’s payables bucket? What do you think of our family credit card? A bus card? Swipe lang ng swipe kahit hindi naman kailangan ang bibilhin?”

“It’s needed in school, Kuya.”

“Bunch of fiction books? Requirement na ba iyan sa school? What about these violation tickets? Parking receipts and gas?”

“Kuya, marupok ako sa mga libro. Tungkol naman sa violation, parking at gas, I don’t have a job to pay for those kaya kay Mama ko na lang pababayaran sana.”

Malalim akong napahugot ng hininga nang marinig ang sinabi sa akin ni Bia. That’s the problem. Wala siyang trabaho kaya hindi marunong mag-value ng pinaghirapan ng iba. Since she’s the youngest, everything was spoon fed. Whatever she wants, she gets. Pero iba na ngayon dahil narito na ako kasama nila. I think I need to managed the expenses now that this is happening.

“Okay, starting tomorrow, you’ll find a job that will pay you to support your wants. Ito na ang huling beses na ako ang magbabayad ng mga ito. You’ll public transpo from here to school and to your job as well. Needs lang sagot namin dito sa bahay kaya mag-umpisa ka maghanap ng trabaho,”

“What?”

“You heard me right, Bianchi, and that’s an order.”

“Bakit? Hindi na nga sa akin dumidirecho ang allowance ko tapos mag-trabaho pa ako. Ang unfair, Kuya!”

“It’s not unfair, it’s practical.” Binalingan ko si Venice at pinunasan ang bibig niya saka nilapit ang pinggan na kinakainan.

“You don’t love me. You’ve changed!” sigaw niya saka marahas na tumayo at lumabas sa dining area. Nakuha noon ang atensyon ni Venice at huminto sa pagkain saka tumingin sa akin.

"All is well, sweetie. We just need to teach your Tita Bia a lesson," sambit ko sa aking anak.

Hindi totoong 'di ko siya mahal kaya ko ito ginagawa. I'm doing this for her own sake. Para maging responsable siya sa mga ginagastos na hindi naman pinaghirapan. Maybe it's because Dad spoiled the three of us before but since I'm the one who supports myself in the Philippines, I learned to value things and prioritize my needs. Nadagdagan pa iyon ng makatrabaho si Bea na sobrang independent na babae. She doesn't want to ask anything from her man. Lahat kailangan niya pag-hirapan na kitain bago makamit.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon