CHAPTER FORTY-FIVE: HER REPLY

558 30 0
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE | HER REPLY

Heart

"WILL you give me a chance to prove that I can be the best husband in the world?"

Hindi ako makapaniwala na narinig ko kay Dominic ang mga salitang sinabi niya. I remember that I asked him if he was proposing to me a while ago. And he said no nonchalantly. Was he then planning this at back of his head? Napukaw ako nang may pumatak na tubig sa aking pisngi.

"Let's get inside now, it's raining. Cover your head, Venice," sabi ko at agad na tumakbo papasok ng bahay kasama ng mga bata. I immediately put Millie on the couch and made her hug a dolphine stuff toy before checking Venice. "Are you okay? Hindi ka naman nabasa?" Sunod-sunod ko na tanong kay Venice.

"Daddy is still outside," napatingin ako sa labas. "He's sad because you rejected him. Don't you want to marry Daddy?"

Hindi ako nakasagot agad. Palakas ng palakas ang ulan sa labas at parang hindi natitinag si Dominic mula sa kinatatayuan niya.

Huminga ako nang malalim at binalingan si Millie. "Can you look after your sister?" Tumango si Venice bilang tugon sa aking tanong. "I did not rejected your Daddy. It's raining and I don't want you and Millie get sick." Hinaplos ko ang pisngi ni Venice. "I will get your Daddy outside. Stay with Millie here, hm?"

"Okay po," I smiled and gently stood up to get an umbrella then walked outside the house. Binukas ko iyong payong at marahan na lumakad palapit sa pwesto ni Dominic. Pinayungan ko siya saka pinitik ang noo.

"Do you want to get sick? Let's talk inside, Dom. Basang-basa ka na!" Nilakas ko ang boses ko para marinig niya dahil malakas din buhos ng ulan. It's like a shower that immediately drenched the streets. "Tara na! Pasok na tayo sa loob!"

"You're back," kumunot ang noo ko matapos marinig ang kanyang sinabi.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya papasok hanggang sa makarating kami sa veranda ng bahay.

"Ikukuha kita ng tuwalya sa loob."

"It did rain that time when you left my house. Hinabol kita pero mabilis ka nakasakay ng taxi." Luminga sa paligid si Dominic saka ngumiti pero hindi dahil masaya siya. May ibang kahulugan iyon at kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "Ganitong-ganito iyong ulan noon habang pilit ko hinahabol ang taxi na sinakyan mo, Heart."

Hinabol niya ako?

Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon. I was blinded by anger that time and I didn't bother myself to look back. Kasi sabi ko noon, kapag lumingon ako patuloy lang ako magpapakatanga sa kanya. Patuloy ko lang kakalimutan ang sarili ko habang pinipili siya araw-araw. Hindi ako lumingon kasi umaasa ako na darating ang araw na ito na magkakaalaman na kaming dalawa.

At heto na nga ang hinihintay ko na araw at pagkakataon.

"Then you didn't change at all. You're still reckless just like before. Paano kung magkasakit ka dahil sa ginawa mo ngayon? Para ka pa namang baby kapag nagkakasakit."

"Can you take care of me when I get sick?"

"May iba pa ba akong choice?" Dominic chuckled and shivers, which made me worry a bit. Pinagmasdan ko ang langit at napansin na maliwanag pa iyon. Masyadong malamig na dahil malakas pa rin na buhos ng ulan sa labas. Binalingan ko muli si Dominic at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "Did you ever love me before?"

"Yes."

"Then, why you didn't look for me?"

"I did, but I couldn't find you. So, instead of sulking, I dedicated my time and effort to Venice. Kasi alam ko na mas gusto mo na i-priority ko siya bago ang lahat. Kahit magkalayo tayo, alam ko na sasabihin mo pa rin na unahin ko si Venice."

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon