CHAPTER SEVEN - CLUMSY
-Heart-
Five hours after leaving Trinidad's household.
I WAS waiting for Leyn outside the McDanes. Sabi niya pupuntahan niya dito para mag-dinner kaming dalawa. Katatapos lang shortened shift ko dito at pabalik na Glasgow ngayon. May pinuntahan dito Leyn kaya sabi sabay na kami umuwi. Mamaya pa namang alas nueve ang pasok ko sa Foyer kaya marami pang oras para mag relax kasama ang kaibigan ko. I haven't done this before because my mind has been filled with savings problems, visa and job related stress.
"Heart!" sigaw na pumukaw sa aking atensyon. Pag-angat ko ng tingin ay agad ko nakita si Leyn na mabilis na naglalakad papunta sa pwesto ko. "I'm sorry medyo natagalan. May kinuha pa kasi ako sa kapatid ko."
Sasagot na dapat ako ngunit hindi natuloy dahil sa pagtunog ng aking cellphone. I don't usually receive calls at this hour. Liban na lang kung cancel ang pasok ko sa Foyer o may ibang sideline na ibibigay sa akin ang mga kakilala ko. Agad ko kinuha iyon sa aking bag at tiningnan kung kaninong caller ID ang rumehistro. Gulat ang naramdaman ko ng mabasa ang pangalan ni Dominic sa screen.
"Who's that?" tanong ni Leyn sa akin.
"Yung tatay ng tinuturuan ko na bata."
"You mean the hot daddy who drove you to Foyer?"
"Yeah,"
"Sagutin mo dali baka na-miss ka na!" Maang ko tiningnan ang kaibigan ko matapos marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko siya pinansin at matamang sinagot ang tawag.
"Hello? Heart, where are you?" Agad na tanong ni Dominic sa akin ng sagutin ko ang tawag.
"I'm with a friend, and we're heading out for dinner; why?"
Frustration, that's what I sense in Dominic's voice right now. Ang weird na tatanungin niya kung nasaan ako gayong tapos na naman na ang shift ko sa kanila. I remember na nagpaalam pa ako kay Mrs. Trinidad at binilin ko na natutulog si Venice. I waited for Dominic's answer to my question.
"Venice is missing, Heart. Maybe, she walked out to look for you. Umalis ka daw na tulog ang bata kanina?"
"Missing? How?"
"I don't know!" Mataas na ang boses niya at lalong lumalala ang frustration na meron siya.
"I'll go there," sabi ko saka tinapos ang tawag. Agad ko binalingan si Leyn. "girl, we need to head now to Glasgow. Venice is missing."
"Who is Venice?"
"The kid I'm tutoring."
"Eh, ano naman ngayon?"
"We have to look for the kid. Tulog siya ng umalis ako. Maybe she woke up and looked for me. I don't know, basta tara na!"
Mas lalo pa yata akong na-frustrate kaysa kay Dominic. Paano ba namang hindi? Masyado kasing mapang-akusa ang tono niya kanina at kaya sa inis ko ay binabaan ko na lang siya ng tawag. Para bang kasalanan ko na nawala ang anak niya. Wala na ako sa work at mapupurnada din ang pasok ko nito sa Foyer. Kung pinanganak ako na masamang tao, baka naipakulam ko na itong bagong amo ko.
Nakakainis siya!
***
MATAMA kong tiningnan ang text sa akin ng may-ari ng Foyer kanina at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang mapaniwalaan ang aking nabasa. Natanggal ako sa trabaho sa palagiang pag-excuse sa sarili ko. Walang nagawa si Leyn para ipagtanggol ako at kung ipipilit pa niya, pati siya ay mawawalan ng trabaho. Ayoko naman na mangyari iyon. Kasalanan itong lahat ni Dominic!
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...