CHAPTER THIRTY-THREE | LABOR
Heart
TWO WEEKS na lang at due date ko pero heto ako nasa trabaho pa rin. Pinipigilan nga ako magtrabaho ni Leyn kaso matigas talaga ang aking ulo. Tumatakas pa ako sa kaibigan ko. Kapag papasok na siya sa trabaho saka ako aalis at pupunta sa convenience store. Kakutsaba ko si Vicky dahil ayaw na rin ako papasukin ni Dr. Christy. Ang gusto pa nga ay doon na ako tumira sa bahay nila para mabantayan ako. Ako lang ang tumatanggi lagi at pakiramdam ko sumasama na loob nila sa akin.
Mabait ang mga Lorenzo at wala akong masabi na hindi maganda sa kanila. They treated me like their child and my baby as their grand daughter. Nagulat pa nga ako noong sabihin ni Leyn na iyong restaurant na pinagta-trabaho-an niya'y pag-aari din ng mga Lorenzo. Sa magazine ko nabasa kung gaano sila ka-successful dalawa sa kani-kanilang field.
“Ate Heart naman bakit narito ka? Bilin ni Doc na huwag ka papasukin,” ani Vicky nang pumasok ako sa convenience store.
“Boring sa apartment. Wala kami magawa ni Millie kaya nagpunta na ako dito.” Ngumiti ako saka kumuha ng isang basket. “Iipunin ko na iyong mga mag-e-expire.” Akma akong tatalikod sana ngunit nahinto nang makaramdam ako ng pagkirot ng aking tiyan. Bumilang ako ng segundo at nawala na iyon. I pulled out my handkerchief and wiped off the sweat on my forehead. “Okay lang ako. It's just a braxton hicks.”
“Sure ka ba? Hindi ka pa nagle-labor?”
Umiling ako. “Two weeks pa bago due date ko,”
“Sabi ng nanay, pwede na daw manganak ng mas maaga sa due date.” Napatingin ako sa wall calendar sa likod ni Vicky. February 24 ang due ko pero tama si Vicky at sinabi din sa akin ni Dr. Christy na maaari ako manganak ng mas maaga sa aking due date.
February 13 na pala ngayon...
Bukas ay Valentine's day na...
Tila pelikulang bumalik iyong unang Valentine's day na nakatanggap ako ng bulaklak. I smiled but reality crept in. Bakit ko ba inaalala pa iyon? There's no way he'll remember those now.
“Ate, okay ka lang ba?”
Napukaw ako at agad na tumingin kay Vicky.
“Oo naman. Valentine's Day na pala bukas, may ka-date ka ba?”
“Meron. Nagpaalam na ako kay Sir Bert at pumayag naman siya. Iniisip niya nga raw kung magbubukas ba siya o hindi bukas. Mukhang may date sila ni Doc.” Napangiti ako matapos marinig ang sinabi na iyon ni Vicky. “Ikaw, may ka-date ka ba?”
“Yes and it's here,” turo ko sa malaki kong tiyan. Pareho kami tumawa ni Vicky. Marahan ko hinaplos ang tiyan ko at hinanap kung nasaan naroon si Millie. Nabawasan ang galas niya ngayong araw kaya kinakabahan ako. Bahagya rin ako nakahinga dahil bumaba ang tiyan ko kumpara noong nakaraan. “Wait lang, magbabanyo lang ako.”
Nadadalas rin ang pag-ihi ko ngayon. Siguro sa isang araw, minu-minuto ako sa banyo. Pagkatapos ko magbanyo, nagpadala ako ng text message kay Leyn at sinabi ko na hindi ko pa nararamdamang gumalaw si Millie mula pa kanina. My friend replied immediately and she said I should contact Dr. Lorenzo to why Millie move less.
“Makulit ka talagang bata ka,” sita ni Dr. Christy sa akin. Ginawa ko agad ang utos ni Leyn at dito na sa clinic kami nagkitang dalawa. “Malapit ka na i-pa-ban ni Bert sa convenience store.”
“Nako Doc mabuti pa nga po at iyon na ang gawin niyo. Hindi talaga siya mapipigilan na kumilos. May spotting na't lahat-lahat, gusto pa rin magtrabaho.” Matalim akong tiningnan ni Leyn na dahilan ng pagyuko ko.
“Well, I guess Bert doesn't need to do that because I have to hold you here to monitor the baby's movement.” Agad ako napatingin kay Dr. Christy.
“Is my baby all right?”
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...