CHAPTER TWENTY-EIGHT: GREATEST DOWNFALL
Dominic
I HAVE a feeling that Heart is hiding something from me. Kapag tinatanong ko siya kung saan nagpupunta lately, lagi na diyan lang sa tabi ang sagot niya akin. Hindi naman ako mausisang tao lalo na sa mga malalapit sa akin. I respect their decision not to tell me something but sometimes secrecy sucks especially to Heart and I. Engaged couple kami at nito lang ay nag-uusap na kami tungkol sa mga plano namin na may kinalaman sa kasal.
Madalas involve si Mama pero hinihintay niya na makapag-desisyon kaming dalawa ni Heart bago kumausap ng mga tao na may kinalaman sa paghahanda ng isang kasal. Gaya ngayon, iyon ang topic nila ni Mama habang ako ay nakikipaglaro kay Venice hindi kalayuan sa pwesto nila. As much as I want to ask Heart, I cannot do it. Gusto ko na siya mismo ang masabi sa akin kung ano ba ang gumugulo sa isipan niya nitong mga nakaraang araw. We agreed to be honest at each other yet secrecy engulfing and put separation line between us.
"Daddy, look!" pukaw na sigaw sa akin ni Venice. Sinundan ko ang tinuro niya at nakita ko na may dalawang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ng bahay namin. Kumunot ang noo ko at marahang tumayo mula sa pagkakasalampak sa playing mat ni Venice.
"Go with Mamita and asked her to go inside with you," utos ko sa anak ko na dali-dali namang pumunta kay Mama. Huminga ako ng malalim saka lumakad patungo sa gate upang pagbuksan ang mga hindi inaasahan na bisita. I knew these guys and they're from the federal. Alam ko na tungkol ito sa kasong hawak ng law firm ngayon na may kinalaman kay Dylan Spencer. "Good day gentlemen, how can I help you?"
"Good day, Atty. Trinidad. We have summoned documents addressed to your fiancé, Heart Chrissa Pineda." Inabot sa akin ng isang federal agent ang papel at binasa ko iyon. The federal wants to invite Heart for questioning for the recent burglar incident involving two casualties. Napatay ng mga nanloob sa isang jewelry shop sa Glasgow ang may-ari at security guard kaya mas pinaigting na ang manhunt operations ngayon. "We will ask a few questions, and I hope you will cooperate with us."
"As much as I want to, but it stated here a wrong address, Detective." Binalik ko sa kanila ang papel na binasa ko.
"Atty. Trinidad, can we not complicate things here?"
"No. I'm not doing that. We will cooperate once you change the address." Wala silang nagawa lahat kung 'di umalis bitbit ang papel na binalik ko sa kanila. I heaved a deep sigh then locked the gate. Tumalikod ako at nakita ko si Heart na nakatayo sa front porch ng bahay. Bakas na bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na ekspresyon. Hindi ako sigurado kung natatakot ba siya pero malinaw na may tinatago siya sa akin. "Let go inside and talk." Inaya ko siya papasok at dinala sa home office ko.
Inilabas ko ang case file na may kinalaman kay Dylan Spencer at sa mga kasama pa nitong tinutugis na ng mga pulis. Nilapag ko iyon sa harapan ni Heart at pinakita ko sa kanya ang lahat.
"What is this? Ito ba ang dahilan kaya may mga pulis kanina?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Nakita ko na matama niyang pinagmasdan ang mga larawan pati na ang pangalan ng mga suspects. Hindi iyon ang updated na case file dahil kasama pa siya sa suspected members noon. But Travis and cleared everything about it and had it removed now. Hindi ko lang maintindihan ngayon bakit may summoned documents ang pulis para kay Heart. May bago ba silang lead na hindi namin alam kahit ang law firm naman ang opisyal na law partner ng mga biktima. "Why am I here?"
"Dahil acquainted ka kay Dylan, sinama nila ang pangalan mo sa mga maaaring makapagturo sa kanila kung nasaan ito ngayon."
"And do you believe that, Dominic?"
Umiling ako agad. "May summoned documents para sayo na hindi ko tinanggap dahil mali ang address. They will correct it and comeback to get you,"
"Why?"
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...