CHAPTER FORTY-SEVEN | THE WEDDING

404 20 0
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN | THE WEDDING

Heart

MABILIS lamang lumipas ang araw at heto na ako sa harap ng salamin at matamang inaayusan ng aking make up artist. Three hours from now I'll saying I do to the man who waited for me for long. Marami kami pinagdaanan dalawa lalo na si Dominic na makailang ulit na pinatunayan ang kanyang sarili sa akin at sa mga magulang ko. Having a man like him makes me the luckiest woman living on Earth. Hinintay niya ako at lahat ginawa niya para lang patunayan na karapatdapat siya sa akin.

"Ang sabi wala ka pa raw tulog?" tanong sa akin ng make-up artist ko. "Kinakabahan o excited?"

"Pareho ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung normal ba maramdaman ito ng sabay." He smiled at me and commanded me to lift my chin. "It was a fairytale love story, to begin with. My husband-to-be came like Prince Charming in the movies. He's riding a white horse and wearing a silver armored suit, in my imagination."

I guess loneliness made me imagined such things like that before. Prinsipe talaga ang turing ko kay Dominic na nagbago nang paasahin niya matapos makuha ang gusto. Ngayon parang pinanganak ulit si Dominic dahil simula nang magkita kami ulit, sobra na siyang expressive sa nararamdaman. Naive pa rin ako at kung hindi niya pa ako sasabihan ay 'di ko mapapansin. Parang ang trabaho niya ngayon ay siguruhin na naipadama ang pagmamahal at napaalalahan ako na huwag balewalain ang kanyang damdamin.

We're both work in progress. Patuloy lang namin sinusuprtahan ang isa't-isa. Kung kailan siya mahina, doon ako malakas para samahan siya. Gano'n din siya sa akin kaya masasabi ko na ito na ang pinaka-matured na relasyon namin. Wala na iyong kahapon na pulos immaturity at selfishness ang sumira.

"Parang tunay na Prince Charming din naman talaga si Sir Dominic." Tiningnan ko ng masama si Ariel matapos marinig ang sinabi niya. "Eto naman ang selosa." Nagtawanan ang ibang kasama namin sa kwarto. "Relax ka lang Ms. Heart, iuuwi mo na mamaya si Sir."

"Isang taon at kalahati na ang lumipas simula ng itanan ko siya," sabi ko na kinakilig ng lahat kasama na si Ariel.

"Mommy..." tawag na pumukaw sa amin pare-pareho. "I'm sleepy now."

"Pwede kong patulugin muna siya? Hindi ka ba mahihirapan?"

"Lipat tayo ng upuan para komportable kayong mag-ina." Iyon nga ang ginawa namin bago ko kinalong si Millie at pinatulog. "Kamukha siya ni Sir Dominic. Babaeng version."

"Marami nga nagsasabi pero kuha niya ugali ko. She's so possessive to her Dad. Nagsasalubong na kilay niyan pag may kausap na iba ang tatay niya."

"Ang cute!" Ngumiti ako at inayos bangs ni Millie.

"Mommy, can I not walk later?" tanong ni Millie sa akin. Tinatamad na naman siya at isang ugaling namana niya sa akin. Pag-ayaw, ayaw talaga. Pag-gusto, hahanap ng paraan. "Can I walk with Daddy?"

"How? Daddy will be waiting at the end of the aisle. Can I borrow Daddy for two days?"

Nag-isip pa si Millie kahit pipikit-pikit na ang mga mata. "Okay. If it's Mommy, it's okay." Ngumiti ako at pinapikit na siya para makatulog at nang hindi topakin mamaya. Mahirap na baka doon pa kami sa simbahan gumawa ng eksenang mag-ina.

Tinuloy ni Ariel ang pag-ayos sa akin habang iyong assistant niya'y inaayos naman ang buhok ko. One of the planning is fixing my wedding gown which was made by a famous designer. Simple iyon ang sabi ko at ang binigay niyang disenyo'y higit sa salitang nasabi ko. My wedding dress was inspired by a classic royal themed movie that I watched before. Para talaga akong nasa movie nang isukat ko iyon noon.

"How was it?" tanong ni Ariel nang matapos na siya.

"Ako ba talaga ito? Baka hindi na ako makilala ni Dominic." I smiled at my own reflection. Hindi ako makapaniwala dahil ang galing talaga mag-ayos ni Ariel pati na iyong staff niya na umayos sa aking buhok. "Lalong naghahalo ang nararamdaman ko ngayon."

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon