CHAPTER TWENTY-SEVEN: ALL IS WELL

520 34 7
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN: ALL IS WELL

Heart

KULANG ang salitang kabado para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon na hinihintay namin makalabas ng arrival area si Bea kasama ang asawa niya. Ang unang plano, hindi na sila susunduin kaya lang biglang nagbago ang isip ni Dominic at sinabi na sunduin na lang ang mga bisita namin. Hindi naman ako makahindi kahit nakakairitang tunay ang biglang pagbabago ng isip ni Dominic. Actually, madalas pala ako mairita sa kanya ngayon at kahit simpleng bagay lang ay kinaiinis ko. Gaya ng hindi niya pagtatapon ng basura sa labas kapag tapos na ako maghugas ng plato.

Hindi naman issue na malaki pero nakakairita lang kasi siya itong sita ng sita kapag makalat tapos pagtatapon na lang basura sa labas ang gagawin hindi pa magawa. Nakakabawas ba iyon ng pogi points? Marami pang nakakainis kay Dominic ngayon na dati ko naman hindi pansin. Kulang isang page ng yellow pad kaya kakailanganin ko ng marami kapag nagbilangan kaming dalawa. Minabuti ko na lang tumahimik gaya ngayon, kanina pa ako hindi nagsasalita. Kapag si Venice ang may tanong sumasagot ako pero kapag siya, tikom lang ang bibig ko.

"Hey, are you mad?" tanong sa akin ni Dominic. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang atensyon kay Venice. "You always like that, leaving me in the dark side. Ang weird mo na,"

"Hindi ako galit," tugon ko sa kanya.

"Hindi ka galit pero nakakunot noo mo?" Nang-aasar pa itong mokong na 'to. Akala ba niya funny siya? Binalingan niya rin si Venice at yumukod kapantay nito. Nakita ko na inayos niya ang damit nito pati na ang bangs. "Can you tell mommy not to be mad at me?" Dinamay pa iyong bata...

"Mommy..." tawag sa akin ni Venice. "Don't be mad, please?" Pilit ko tinago ang pagngiti dahil sa pang-gagaya nila sa sikat na pusang gumagaya kay Zorro.

"I'm not mad," giit ko pa. Tumayo si Dominic at masuyo akong pinalapit sa kanya. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "tingnan mo na baka na-hold na si Bea sa immigration or baka excess baggage sila."

Dominic chuckled.

Iyon talaga ang concern ko dahil nakita ko sa last post ni Bea kung gaano na kalaki ang tiyan niya. Ayon sa post, kambal ang baby na nasa loob ng tiyan niya kaya malaki at nasa ika-anim na buwan na siya ng kanyang pagbubuntis.

"Here they are,"

Tumingin ako sa tinukoy ni Dominic at una kong nakita si Bea kasunod iyong lalaking matangkad na naka-itim na shades na siyang may bitbit ng dalawang duffle bag. Nakita ko na yumakap kay Dominic si Bea at nakipag-kamay sa kanya iyong kasama nitong lalaki. I saw a strange sparkle in Dominic's eyes while talking to Bea. Hallucination ko ba o overthinker lang ako? Ang totoo, ayokong mangyari itong reunion na ito kasi natatakot ako sa magiging outcome pero nakaplano na at narito na si Bea ngayon sa Scotland.

"Hello!" Bati ni Venice saka nagtago agad sa likuran ko. Alam talaga ng batang ito paano magpapansin sa mga kausap ng tatay niya. Kuhang-kuha ang pagiging possessive ni Dominic.

"Hi! You must be Venice, right?" tanong ng lalaking kasama ni Bea. "I'm Max, her husband." Pakilala ni Max sa akin sabay turo kay Bea matapos marahang i-tap ang ulo ni Venice.

"Hi Heart!" Malakas na bati ni Bea saka agad akong niyakap na kinagulat ko. "Finally, we meet. Chismis deprive ako sa New York at dumagdag pa ang pagiging mysterious mo,"

"Bea, she can't breathe. Let go of her, Bea." Awat ni Dominic saka nilayo ako kay Bea.

"Sorry, nadala lang. Ang OA mo pa rin, Dom." Binalingan naman niya si Venice na panay lang ngiti dahil may inabot na manika si Bea. "Ang cute niyo namang tingnan." Nakita ko na inabutan siya ng tissue ni Max saka marahan tinapik ang likod. "Pregnancy makes me so emotional kaya huwag niyo akong i-judge."

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon