CHAPTER TWENTY-FIVE: FALLING

550 37 2
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE: FALLING

Heart

IT'S ANOTHER day dealing with Dominic's sweetness ang peg ko ngayon na magkasama na naman kaming mamasyal. Naisipan namin mamasyal pa-London kasama si Venice. Sigurado naman ako na may isa pang agenda itong pag-punta namin dito at may kinalaman iyon kay Bia na hanggang ngayon ay tinitikis ang pamilya niya. Ma-attitude din talaga ang isang iyon at siya palang ang nakikilala ko na kayang tumikis ng ina at kapatid. Ilang buwan na silang clueless kong ano na ba nangyari sa kanya dito sa lugar na ito na kahit malapit lang sa Scotland ay nakakapanibago pa rin.

"Mommy, I want unicorn." Napukaw ako ng sinabi na iyong ni Venice at agad ko siya tiningnan. Kasalukuyan kaming nasa isang park at hinihintay na makabalik si Dominic na bumili ng pagkain. Nakita ko na nakatingin si Venice sa batang babae na mula ulo hanggang paa ay may unicorn icon ang suot.

Hindi naman siya masyadong fan ng unicorn?

Hinayon ko ang tingin sa kasama nito na may unicorn headband din na suot.

Hindi nga halatang fan sila ng unicorn...

Binalingan ko si Venice saka inayos ang bangs. "Hintayin natin si Daddy tapos hahanap tayo ng mabibilhan ng unicorn, okay?" Ngumiti si Venice sa akin at tumango. Kahit hindi ko sure kung naintindihan ba niya ako talaga. 

Madali naman siya kausap kapag walang sumpong gaya ng tatay niya. Nitong mga nakaraang araw sobrang sweet ng lalaking iyon at kahit nagsakit ay hindi 'man nabawasan kaya nadadala ako. Mahirap naman kasi hindi maging marupok sa gaya ni Dominic na sa umpisa lang pala g*g*. Noong mga panahon na ayaw pa niya pakawalan ang alaala ni Bea at ngayon, malaki na ang pinag-iba ng lahat. Tingin ko tuluyan na nga siyang naka-move on at ilang beses na rin naman niya nasabi sa akin na hindi na nga iniisip ang dating minamahal. Napatunayan ko rin naman iyon kaya dapat tinigilan ko na ang pag-o-overthink.

"Daddy!" sigaw ni Venice nang makita na papalapit sa amin si Dominic bitbit ang mga pagkain na na-order. Marami siya in-order at hindi ko sigurado kung kaya ba namin ubusin ang lahat. Unang nilantakan ni Venice ang rice meal at tinago na rin niya sa amin iyong cake slice na nakita. May unicorn kasi sa label at iyon ang gusto niya.

"Huy, okay ka lang? Pagod ka na?" Sunod-sunod kong tanong kay Dominic nang maupo siya sa tabi ko. Kanina kasi ng lumabas kami ng hotel na tinutuluyan, nag-umpisa na siyang habulin ng habulin si Venice na sobrang excited gumala. Ang bata pa nga ang gumising sa aming dalawa ni Dominic kanina.

"I think I saw Bia," aniya sa akin.

"Saan?"

"She passed by the restaurant where am I a while ago. Iba ang kulay ng buhok niya pero sigurado akong kapatid ko iyon."

"Baka she's staying nearby o baka naman feeling mo lang na si Bia."

"I'm really sure, Heart. Hindi ko lang nasundan dahil tinawag na ako para sa order ko."

"Pamilyar ka sa kasabihan na kapag hindi hinahanap, lumalabas?" Tumaas ang isang kilay ni Dominic. Akala ba niya babanat ako? Seryoso kaya ang sasabihin ko sa kanya.

"Parang ikaw, hindi kita hinanap pero dumating ka?" Binatukan ko siya agad. Sabi ko na ng aba akala niya talaga babanat ako.

"Parang sira 'to." Hinawi ko ang buhok ko at sinuntok siya sa braso. "Seryoso na nga kasi. Huwag mo na muna hanapin ang kapatid mo kahit alam mo na narito siya. Babalik din iyon kaya huwag ka mag-alala."

"I can't just let that kid deal with her problems alone. Babae siya at kailangan niya ako."

"Sometimes a woman doesn't need a man. She can, we can even without you in our lives. Kung kaya niyong mga lalaki, kaya din namin."

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon