CHAPTER EIGHTEEN: LIKE A STAR

569 40 4
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: LIKE A STAR

Dominic

PINUNASAN ko ang pawis sa aking noo matapos ko tumakbo ng ilang rounds sa treadmill. Makapal pa ang snow sa daan kaya hindi na ako makapag-jogging at sa machine na lamang muna umaasa. Hinawi ko ang kurtina na tumatabing sa bintanang nasa aking harapan. Maaliwalas na ang panahon ngunit may bakas pa rin ng nagdaan na snow storm noong nakaraan. Swerte namin at nakauwi din kami kagabi matapos ma-stranded sa Edinburgh ng isang gabi at isang araw.

"Daddy..." tawag na pumukaw sa akin at nagpalingon agad.

"Hi! Good morning, honey." Bati ko kay Venice saka nilapitan na dahil nahihirapan na lumakad dahil sa makapal na jacket na suot. "Why did you wear this? Is the heater in your room broken? Are you sick?" Agad ko sinapo ang noo niya upang tingnan kung may lagnat nga ba siya. Nang masiguro ko na wala, inayos ko na lamang ang suot niyang jacket. "Do you want to go outside?"

"Snowman!" Tinuro sa akin ni Venice ang snow sa labas ng bahay namin.

"Okay. Wait for me downstairs, and we'll go out to build a snowman." Muli ko inayos ang jacket niya pati na ang kanyang suot na hand gloves saka inalalayan siyang pababa.

Mama is already downstairs, talking to her plants while grooming them. Pinalapit ko sa kanya si Venice at dali-daling umakyat ulit para mag-ayos na ng sarili. Wala pa rin akong pasok sa opisina sa snow storm advisory mamaya. Kapag ganito na may advisory, pinapayuhan ang lahat na huwag muna lumabas ng bahay. But, I can't say no to Venice especially when she really into something.

Sabi ng Mama, huwag ko raw masyado i-spoiled at baka maging problema ko kapag lumaki na pero hindi ako nakinig. Venice been through a lot and her childhood was cruel enough to handle alone. Nangako ako sa puntod ni Ate Pao na mamahalin ko ang anak niya ng katumbas ng pagmamahal ko sa kanya pati sa mga magulang namin at kay Bia. I promised to protect Venice no matter what happened. Just like what Mama said to me, I should prioritize her well-being above all else.

"Where is Venice?" tanong ko nang muli makababa matapos ko maligo at mag-ayos ng sarili.

"Nandyan na si Heart at nasa labas na sila," tugon ni Mama sa akin. "maghahanda na ako ng almusal natin." Tumango ako bilang tugon kay Mama saka iniwan na siya at lumabas na ng bahay. Nasa malapit lang sila Heart at nag-uumpisa na silang mag-ipon ng mga snow gamit ang maliit na timba saka pala ni Venice. Mabilis ko silang nilapitan upang tulungan sa ginagawa.

"You should've called so I could fetch you," sambit ko kay Heart.

"May taxi naman at nga pala magpapasa ako ng reimbursements ko kasama na iyong ngayon." Sahod niya ngayon at mamaya ko palang iyon ipapasok sa account niya. May mga binayaran akong expenses sa bahay kaya nahuli iyong kay Heart. Dumagdag pa itong hindi pag-contact sa amin ni Bia na hindi namin sigurado kung nasa London pa ba. "Na-contact mo na kapatid mo?"

"No answer up until now,"

"Baka nag-e-enjoy lang sa London at wala munang cellphone saka social media."

"Bia cannot live a day without browsing on her social media accounts."

"But she loves reading so kaya niya na walang social media sa isang araw."

Hindi na ako kumibo dahil baka nga tama si Heart pero 'di ko pa rin maiwasang mag-alala kahit malapit lang ang London at maaari ko namang sunduin si Bia. But my sister and I made a pact before she left to London. A pact that I won't go after her incase I couldn't contract her. Pinaalala niya sa akin na nasa tamang edad na siya at alam na ang ginawa pati na ang mali sa tama. I should give Bia a benefit of a doubt and let her own her own for now. Hihintayin ko na tumawag siya at kung kailangan pupuntahan ko siya agad doon.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon