CHAPTER THIRTY-FIVE: UNEXPECTED REUNION

497 31 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE | UNEXPECTED REUNION

Heart

TININGNAN ko iyong mga libro na may kinalaman sa business management at naghanap ako ng bukas na libro na pwedeng basahin. Simula nang magtrabaho ako sa convenience store ni Sir Bert, na-curious na ako kung paano siya naging successful. Galing din siya sa hirap at ngayon ay hindi na mabilang sa kamay kung ilang branch meron siya. Idagdag pa iyong advertising company nila at mga properties sa iba't-ibang lugar hindi lang dito sa bansa kung 'di sa iba pa. Ngumiti ako nang umahon si Millie mula sa pagkakahilig sa aking dibdib.

“What if Mommy return to school, will you be a good girl?” tanong ko sa anak ko.

“Black.” Millie said, pointing out the color black part of the I'm holding.

Nakaka-recognize na ng color si Millie ngayon gaya ng black, red, blue, green at yellow. Kinakanta niya rin iyong ending theme ng Barney at iyong sa Bear in the Big Blue House. Old TV shows but Millie loves them and I did too.

“Very good, my princess!”

Hinalikan ko ang matambok na pisngi ni Millie. My daughter giggles as I keep on kissing her cheeks. Hawig na hawig siya ni Dominic at ang unfair talaga! Ako iyong nagbuntis at nahirapan manganak tapos siya ang kamukha. Minsan tinatawanan lang ako ni Leyn kapag nag-ra-rant ako pero sa mga mata ni Doc Christy at Sir Bert, ako ang kamukha ni Millie.

Wala naman kasi silang ideya sa itsura ni Dominic. At maigi ng hindi nila alam ang tungkol sa kanya. Hindi kasama sa plano ko ang paghanap sa kanya para ipa-ako itong anak ko. Kinaya ko naman na wala siya at kakayanin ko pa pagdating ng panahon.

“Red.” Millie said again, which Doc Christy heard.

“She is a real smart girl. Mana kay Mommy 'yan, ano?” Tumawa ang anak ko bago sumama kay Doc Christy. “That's a business management book, Heart. Are you planning to study again?”

Napatingin ako ulit sa librong hawak. I smiled then shook my head. “Si Millie po ang first priority ko ngayo. Saka na ako kapag malaki na siya,”

“Do it if want to study again. Nandito naman kami ni Bert at aalagaan itong minime mo,”

Sa isang taon na lumipas, malaki ang naging tulong sa akin nina Doc Christy at Sir Bert. Pinatira pa nila kami ni Leyn sa bahay na malapit lang sa mansion at nagta-trabaho pa rin ako sa convenience store. They're helping me with some of my expenses too sometimes. Kadalasan kami ni Leyn ang nagtutulong lalo na sa mga gastusin na may kinalaman kay Millie. Pakiramdam ko nga ay gusto na nila kaming ampunin dahil sila lang talaga ang nakatira sa mansion.

I let Doc Christy borrow Millie while I worked 24/7 in their convenience store. Sa gabi o tuwing day off ko lang nakakasama nang matagal si Millie. Gayumpaman ay kilala pa rin ako ng aking anak at nasa may pintuan palang ay kilig na kilig na siya tuwing makikita ako. Hindi ko ito na-imagine noong malaman ko na buntis ako. Galit kasi ako noon at inisip ko pa nga na kitlin ang buhay niya.

Ngunit nagbago ang lahat nang marinig ko ang heartbeat niya. Nang sabihin sa akin na si Millie na iyong bagong simula ko'y walang pagsidlan ang aking kaligayahan. She's indeed my new hope. Everything about my life is a choice. A choice that ruined me in the end but gave me a ray of light through my daughter Millie.

“Pag-iisipan ko po, Doc. Maraming salamat po.”

“Hindi ka na iba sa akin, Heart. Parte na kayo ng pamilya namin ni Bert...”

Pamilya... iyon yung isang parte sa buhay ko na maagang nawala sa akin matapos na magkasunod na namatay ang aking mga magulang. Ngayon meron na ako ulit bagong pamilya na maituturing sa katauhan ng mga taong patuloy na tumutulong sa akin...

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon