CHAPTER NINE: DAYDREAM
Heart
"PAANO na ang ipon goals mo?" tanong ni Leyn sa akin habang magkapanabay kaming naglalakad sa aisle ng iba't-ibang mga chips.
Pagkagaling ko sa bahay ni Dominic, kinita ko si Leyn dito sa malapit na supermarket sa lugar namin. Grocery day namin at ako ang taya ngayong buwan. Paubos pa lang naman ang stocks namin pero maigi na rin na makabili na kaysa maubusan pa. Laman ng push cart na tulak-tulak namin pareho ang mga normal na binibili kada buwan. May sanitary napkins - tampons para kay Leyn, sabon, shampoo, conditioner at comfort foods.
Isinama ko na rin ang mga pang-ulam sa loob ng isang buwan para hindi na kami o-order. Pero pag tinamad mag-luto, to the rescue naman ang pag-order online. Bihira lang naman mangyari iyon na gagastos kami para mag-order online. Lalo na ako na sobrang mahigpit kung humawak ng pera. Nagche-check na nga ako ng savings ko maya't-maya dahil sunod-sunod ang pagkawala ng aking trabaho.
"Dominic asked me to work for him full time." Balita ko kay Leyn. Dominic kasi wala naman ako sa trabaho at wala rin naman siya dito kaya walang maninita.
"Ayon naman pala. Okay 'yan, 8-5pm ka na tapos dapat may OT pay din. I-re-revise ba ang contract?"
"Hindi pa ako pumapayag, te."
"Bakit? Nag-ti-think twice ka pa?"
Nanny slash tutor slash PA ni Dominic ang offer na bagong work. Sa job titles palang nakakapagod na paano pa kaya kapag sasabak na. Iyon nga lang paglilinis ng sasakyan niya kanina nakakapagod na at sa gitna pa ng tirik na tirik na araw! Alam ko namang dinamay lang niya sa pag-disiplina kay Bia pero unfair pa rin.
"Ang lakas ng trip ng taong iyon. Hindi ko masakyan kahit na ano gawin ko." Tumawa si Leyn at dinig iyon hanggang sa kabilang aisle. "Biruin mo, dahil lang sa gusto ko ng salary increase, dinamay niya ako sa pagdidisiplina sa kanyang kapatid. Pinaglinis kami kotse, te sa gitna ng tirik na tirik na araw!"
"So, that's the reason why your skin is red. Malakas nga trip pero baka trip ka din kaya nandadamay. Sabi mo, chill chill lang pag kayo magkausap."
"Kilala mo ako, te, feeling close ako kaya nga tumagal ako sa McDanes."
"Pero 'di umubra sa Foyer?"
"Isa pang malakas ang sapak sa ulo ng may-ari noon. Pinaalala mo pa iyan nako nanggigil pa rin ako."
Muling tumawa si Leyn dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumipat na sa kabilang aisle. Doon naman kami sa mga cookies at chocolates na parte ng aming comfort food. Agad ko kinuha ang isang pail ng imported na stick o at nilagay iyon sa push cart.
"May raket ka kay Dylan 'di ba?"
"Te, yung amo ko ngayon, siya rin yung nag-iisa kong customer."
Leyn chuckled softly, "oo nga pala. Hindi bale, tulong pa rin tayo sa mga expenses at kung 'di makabigay, okay lang. Sagot na kita, ikaw pa malakas ka sa akin."
"Hayaan mo, te, pagyaman ko damay ka."
"Gusto ko 'yan!"
Nag-apir kaming dalawa. Sobrang magkasundo talaga kami sa mga kalokohan nitong si Leyn. Kaya hindi ko talaga siya kakalimutan kapag yumaman na ako. Kaso paano kung wala pa akong trabaho? Saan ako pupulutin nito dito sa Scotland?
May pansitan ba dito? Sosyal na bersyon siguro...
***
MATAMA ko tiningnan ang email sa akin ni Dominic na bagong contract kasama ng scope of work file at salary information. Malaki ang offer niya para sa tatlong role na nabanggit at hindi na ako makakakita ng ganito ka-generous na tao. Kaso malakas naman man-trip at baka kapag napikon ako ay magbangga kaming dalawa. Buti na lang cute si Venice kaya absuelto na ang lakas ng trip ni Dominic. Entertaining pa yong bata in a way na nagkakaintindihan kaming dalawa kahit hindi siya magsalita.
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...