CHAPTER FORTY-NINE | EZRA JANE TRINIDAD
Heart
Six years later.
"THE CLIENT will like this concept more and we should never forget their goal about being different." I closed my notebook after ending my conversation with the marketing department of LGC. Tumayo ako niligpit ko ang aking mga gamit. Isa-isa na silang naglabasan ngunit bago makabalabas si Sienna ay nagsalita ako ulit. "One more thing Sienna, I will personally pick the models so I expect the best from your team."
Ngumiti si Sienna sa akin. "Don't worry, Ms. Heart. We'll give you the best presentation like you always taught us to do."
I smiled.
Nakaka-proud isipin na may mga taong tulad ni Sienna na natuto sa akin. Sulit ang paglayo ko at pag-aaral ng halos bente-kwatro oras araw-araw. Six years have passed and here I am now handling my father's company. The position which Dominic handled before then Papa took over and now it's my turn to inherit the position. Hindi ko sukat akalain na dito ako dadalhin ng tadhana.
I once struggled with life. Barely have sleep because I jumbled five different jobs in a day just to save money. Lahat nagbago nang makilala ko ang aking mga magulang nang ampunin nila at maniwala sila na kaya ko gawin saka baguhin ang takbo ng aking buhay. I've changed lives of many too. Marami akong nabigyan ng bagong opportunity simula nang ipakilala akong tigapagmana ni Roberto Lorenzo.
Yes, I am Heart Chrissa Lorenzo now. The sole heiress of Lorenzo Group of Companies. Unexpected life upgrade indeed. Sa kabila ng lahat nanatiling nakatapak ang mga paa ko sa lupa at patuloy akong bumabalik kung saan ako nag-umpisa. Nililingon ko pa rin ang mga taong tumulong sa akin na maabot ang lahat ng pangarap ko sa buhay.
Napatingin ako sa cellphone nang mag-vibrate iyon.
Nanay and Tatay's Death Anniversary.
"Thank you so much, Sienna," sabi ko saka hinayaan na siyang lumabas ng conference room.
"Ms. Heart here is your acai refresher and am already cleared your afternoon schedule," wika ni Leo sa akin na siyang pumalit nang lumabas si Sienna.
"Thank you, Leo. You're a life saver!" I said and lifted up my cup of acai refresher. "Dala mo ba ang tsinelas ko? These pair of heels is killing me." Hindi siya nagsalita bagkus ay yumukod lamang at nilapag sa harap ko ang aking tsinelas. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag walang Leo na sumasama sa akin araw-araw.
"Nakahanda na sa sasakyan iyong pinabili mo na bulaklak at natawagan ko na din si Sir. Dominic. He'll meet you at the cemetery later."
"How about Papa and Mama?"
"They're heading there now, ma'am. With the kids."
"Thank you so much!" Nagpaalam si Leo at sinabi na hihintayin niya ako sa main emtrance ng LGC. Sinagot ko lang siya ng tango at agad ko dinampot ang aking cellphone. I typed a text message to my husband.
To: My Love
I'm tired.
Naghintay lang ako ng ilang segundo at nakatanggap na rin ako ng reply mula sa kanya.
From: My Love
One more schedule and your done for the day. I'll see you at the cemetery.
Ngumiti ako at muling nagtipa ng mensahe.
To: My Love
I think I need a massage tonight.
From: My Love
Your wish is my command. I love you.
Hindi ko maiwasang kiligin. Kahit anim na taon na akong kasal kay Dominic ay ganito pa rin ang pakiramdam. Para pa rin kaming bagong kasal dalawa lagi. Once in a while, nagdi-date kaming dalawa na kami lang. We try new things together. We go on a adventure trip together too.
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...