CHAPTER TWENTY-SIX: MY NEW BEGINNING

515 41 1
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX: MY NEW BEGINNING

Dominic

TININGNAN ko ang lahat ng singsing na nasa harapan ko maging iyong mga limited edition design na pinakita sa akin ng sales personnel na kausap ko. Hindi pa ako makapili kung ano ba ang babagay kay Heart. Simple lang naman siyang klase ng babae pero minsan lang mangyari ang proposal at ngayon lang ito sumagi sa isip ko kaya gusto ko iyong mga magandang singsing na ang bilhin. Buong buhay ko ay ginugol ko sa pagtatrabaho at pag-abot sa aking mga pangarap. Umibig ako kaya lang hindi pa siya iyong para sa akin at ngayon nahanap ko na ang babaeng kukumpleto sa akin, hindi ko na dapat pang palampasin ito.

Maraming beses ko rin inisip ito. Tinanong ko pa si Mama kung ayos lang ba mag-propose na ako kay Heart. Of course, she said yes and that she's happy for me now that I found the right one. I consider Heart as a promise of new beginning whom I keep on looking in the wrong places. Nasa paligid ko lang pala at masyado akong nabulag ng kabiguan noon kaya matagal bago ko nakita.

"Is that what you want, sir?" tanong sa akin ng sales personnel sa akin. Matama ko pinagmasdan ang singsing na tinutukoy niya. Maganda ang disenyo noon at bagay sa kamay ni Heart. "That is part of our finest collection, sir. Some jewelers tagged that ring as a promise of a new beginning ring in some online articles. It's a perfect engagement ring for minimalist women. Simple yet elegant."

"This is it." Tumingin ako sa sales personnel saka inabot sa kanya ang kahita na hawak. "I'll get this one." Ngumiti siya sa akin saka matamang pinroseso na ang aking binili.

Nag-ikot-ikot pa ako sa loob ng jewelry shop at tumingin ng iba pang alahas. May huge collection si Mama ng mga ganito na balak niya ipamana kay Bia at Venice. Isang dahilan kaya hindi ko kinuha sa kanya ang heirloom ring nila ni Papa. Bia deserved to have that but not now. Pag-graduate niya siguro at kailangan na talaga niya bumalik dito dahil halos dalawang buwan na siyang absent sa school. Some of her professor dropped her out already and notify us through email.

Pwede pa naman daw siya bumalik sabi ng school administration iyon nga uulit ulit dahil may mga na-miss siyang lessons, projects, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa kursong kinuha. I saw Ryker the other day with a girl. Kung hindi ako napigilan ni Heart baka nasuntok ko na ang mokong na iyon. How dare he cheated on my sister? At some point, alam ko na kasalanan ko din.

Naging mapaglaro ako sa damdamin ng mga babae noon at ngayon kapatid ko ang umaani ng lahat. Tawagan lang talaga ako Bia kahit kailan niya gustuhin, agad akong pupunta ng London para sunduin siya. Wala na iyong galit at hindi ko rin kaya na matagal magalit sa kanya. Mahal na mahal ko ang kapatid ko na iyon kahit malakas siya mang-asar. Ayoko na mag-isa niya harapin ang kung anumang problema na meron siya.

Napukaw ang malalim kong pag-iisip ng mag-vibrate ang hawak ko na cellphone.

"Dom, where are you? Are still nearby? I have to show you something," Dire-diretsong sabi ni Travis sa akin. Agad ko sinipat ang pambisig na orasan at nang makita na oras na para umuwi ako ay nag-alangan ako na puntahan ang kaibigan ko. Oras na nila Heart at Venice at kailangan ko makauwi bago mag-dinner time.

"I'm at the mall, buying something." Tugon ko kay Travis.

"Can you comeback to the office? You should really see this,"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Fine. I'll just get the thing I purchase." Nagpasalamat si Travis at agad na tinapos ang tawag namin. Nagpadala naman ako text message kay Heart na mauna na sila kumain ngayon. Sinabi ko na may tatapusin lang akong trabaho kahit na hindi ko alam kung ano ba ang gustong ipakita sa akin ni Travis.

Pagkakuha ko ng singsing na binili, dali-dali akong dumiretso sa parking area at minaneho ang sasakyan ko pabalik ng opisina. Medyo natagalan ako dahil sa traffic kaya naman inabot ko na lang sa valet attendant ng building susi ko at siya na ang hinayaan na magdala ng kotse ko sa parking lot. Patakbo akong humabol sa pasarang elevator na napigil naman ng sakay noon. Isa sa mga empleyado namin na taking-taka kung bakit bumalik pa ako. Mukhang importante kung anuman ang ipapakita ni Travis kaya sinunod ko na ang kagustuhan niyang bumalik ako. Siya pa rin ang boss ko kahit na may share ako sa law firm na ito.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon