CHAPTER FORTY-EIGHT | MRS. TRINIDAD

396 20 0
                                    

CHAPTER FORTY-EIGHT | MRS. TRINIDAD

Dominic

AGAD ko binukas ang payong na dala ko nang mag-umpisang pumatak ang ulan. Paglabas ko palang ng bahay, alam ko na nagbabadya ang pag-ulan dahil kumukulimlim na kalangitan. Hanggang sa pagsakay ko ng taxi at pagdating ko rito sa Lincoln Memorial University ay hindi nagbago ang lagay ng panahon. Kapwa nagtakbuhan iyong mga naabutan na walang dalang payong. Habang ang iba na naman ay tulad ko na binukas ang kani-kanilang payong.

"Heart, let's go now." Narinig ko na sabi ng tinig ng isang babae hindi kalayuan sa aking pwesto. "The rain will not stop, believe me."

"You can go first and I'll follow when it stop." sagot naman ng tinig na naririnig ko lang lagi sa voice at video call nitong lumipas na mga buwan.

"Are you sure? It's getting late already."

"I'm sure, Wendy, so go now! I'm okay here. Bye and take care!"

Damn, I want to hug her now!

Dumaan sa harap ko iyong tinawag ni Heart sa pangalang Wendy. Mukhang tama ang hinala ko. Nakalimutan niya ilagay sa bag ang payong ulit. Naiiling ako habang inaalala kung ilang beses ko binilin iyon sa kanya bago ma-disconnect ang tawag namin. Nagkaroon kasi ng technical problem ang internet sa bahay kaya minabuti ko na tumungo na sa airport kaso sadyang mabagal ang internet sa Pilipinas.

Kaya ang planado kong pagbisita ay magiging surprise na dahil hindi ko siya nasabihan. My wife hates surprises but I guess I just need to try my luck this time. Sana hindi siya magalit o magtampo sa akin at kanina ko pa hinihiling ito. Halos lahat yata ng santo ay natawag ko na dahil 'di ko kaya na magalit sa akin ang aking asawa. Our deal was, I am allowed to come here during special event such as her birthday, my birthday, our kids' birthdays and our wedding anniversary.

Malayo pa ang birthday niya at dalawang buwan palang lumipas mula nang ikasal kami. The closest special event is my birthday and Venice's. Magkasunod kami ng birthday ni Venice pero pinili ko na ako lang muna ang magpunta dito. Kasisimula lang klase at ayokong may ma-miss ang mga bata. I missed their mom and I know that we shared the same feelings.

Nangako naman ako na isasama ko na sila sa susunod at iyon nga ay sa birthday na namin ni Venice. Advance lang ito at saglit na saglit lang talaga ako dito. Hindi namin nasulit ni Heart iyong dalawang araw na bakasyon matapos ang kasal. Pinag-report kasi ako agad sa trabaho kaya na-set aside iyon. Nagkaroon ng miscommunication ang recruitment, HR at DA office.

Iyong hiningi ko na isang linggo na pahinga dahil kaka-alis ko lang ng LGC ay hindi nila na-relay sa isa't-isa. Dahil hindi pa ma-pinpoint ang may kasalanan, DA just granted my leave immediately. Sino ba naman ako para tumanggi lalo't miss na miss ko na ang asawa ko? Two weeks din ang bigay nila sa akin bukod pa sa na-file ko na birthday leave. Alaga nila ako dahil umangat ang trust rate ng tao sa prosecutor's office namin sa loob ng dalawang buwan.

"Why he's not calling me?" Narinig ko na sabi ni Heart. Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at pinindot ang number niya saka tinawagan siya. "Telemarketer na naman ba ito?"

I smirked.

Come on, answer it now...

"Hello? If this is an insurance or you're selling something, quit it because I'm not interested."

"I can offer a more than a life time insurance." Lumabas ako mula sa likod ng mga matatayog na dahon at inayos ang pagpayong ko sa aking sarili. "Do you want to invest now?"

"Scammer ka talaga,"

I chuckled and ended our phone call. Lumakad ako palapit sa kanya at isinara ang payong na hawak ko nang makasilong na. Humina na ang ulan 'di gaya kanina na parang shower iyon.

Romancing The HighlanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon