Chapter 9
Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nakita ko. Wooh, ang init. Bakit ba ang tagal yata ni bossing? Kinarer niya talaga ang pagpapahintay sa akin, noh?
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya dali-dali akong humarap. Bumungad sa akin ang nakakunot noong mukha ni bossing. Tatanda ang isang ito ng maaga, palagi kasing nakakunot ang noo.
“Hehehe, ang yummy naman nun bossing.”
“Tsk, pervert. Why you didn’t knock on the door?” seryoso nitong tanong.
“Hindi naman nakalock bossing kaya ayon pumasok na ako.” Mabuti nga at hindi mo talaga nilock, dahil sa nakita ko biglang nawala ang pagkainis at pagkaasar ko sayo. Pasalamat ka sa yummy abs mo na kumaway sa akin kanina.
“Even though my door isn’t lock, you should still knock. This is not your house.” Napanguso ako sa tinuran niya.
“Sorry na bossing. Pero, wala naman kayong dapat ikahiya sa akin bossing. Masarap naman po yong katawan niyo este sanay na po akong makakita ng ganun.” Mas lalong kumunot ang noo nito.
“You’ve been seeing different abs everyday?”
“Oyy, grabe ka naman sa akin bossing, syempre sa magazine ko lang nakikita ang mga yummy abs na kagaya nung sayo, pero bossing mas yummy yata yong sa inyo.” Sabay taas at baba ng kilay ko.
“Don’t talk nonsense. Let’s go.” Napatanga ako sa sinabi niya, pero wait lang. Ngumiti ba siya kanina o namamalikmata lang ako?
“Faster, Ms. Clumberge.” Bumalik ako sa wesiyo ng tawagin na naman nito ang apelyido ko. Kaasar naman ang isang ito, hilig niya talagang tawagin ako sa apelyido ko.
“Bossing, ngumiti po ba kayo kanina?” yan agad ang tanong ko pagkababa ko ng hagdanan.
“You smiled cous?!! Tutuo ba yan Raye?!!” nabigla ako ng makita ko si Danica sa may sofa.
“She’s lying.” Agad na sumbat ni bossing.
“Ayieee tinatanggi pa ni bossing, kita kaya ng dalawa kong mata yong pagsilay ng konting ngiti sa labi mo.” Panunukso ko dito.
“Tsk.” Pumunta ito sa kinaroroonan ni Danica kaya sumunod din ako.
“Owws, ikaw cous hah. Baka naman nahulog ka na diyan kay Raye? Sabagay sino ba ang hindi, sa ganda niyang yan. Naku, tiyak akong maglulumpasay ka sa tuwa at galak.” Napangiti ako ng kumindat sa akin si Danica.
“Bossing, si Ms. Lockheart na ang nagsabi nun. Wag ka na kasing pakipot pa.” lumapit ako sa kaniya.
“Hahahaha, nagpapakipot ka na pala ngayon insan?” tumatawang taong ni Danica dito.
“Stop your nonsense talk. Do your work Danica.” Masungit na sambit nito.
Work? Ano naman ang trabaho ni Danica? Natatawang bumaling sa akin si Danica at tumayo.
“Inutusan pala ako nitong pinsan kong ito na turuan ka kung paano maging pormal na assistant. Ewan ko ba sa kaniya, pormal ka naman Raye.” sumbong nito sa akin. Oo nga, pormal naman ako, kaso iba yata ang definition nitong si bossing tungkol sa pormal.
“Oo nga Danica. Baka malabo ang kaniyang pandinig at mga mata.” Natawa si Danica sa sinabi ko.
“Parang ganun na nga.” Nag-apir pa kaming dalawa. Hindi naman pala masama ang pagpunta ko dito eh.
“Talking like I am not here.” Sabay kaming tumawa ni Danica sa inasta ni bossing.
“Danica do your work. And you.” Tumayo ito at hinarap ako, napatingala ako sa kaniya dahil medyo kinapos ako ng tangkad o talagang matangkad lang siya?
“Me?” sabay turo ko sa aking sarili.
“Listen carefully, I want you to learn everything that Danica taught you. Because tomorrow, you will start your work as my assistant.” Yan lang ang sinabi nito bago umalis.
“Ang sungit talaga ng isang iyon.” Sang-ayon ako diyan Danica.
“So, let’s start?” tumango ako dito.
Nagsimula na kami, hindi naman masyadong mahirap yong mga itinuro ni Danica. May mga bagay lang talaga na naiinis ako lalo na’t masyadong pormal ang dating nito. Hindi ako sanay sa mga ganito, ngunit wala akong magagawa kundi sundin si bossing dahil kung hindi, bye-bye work na talaga ako. At yong misyon ko, hindi ko pa talaga nasisimulan. Baka ito na ang pagkakataon na maakit ko siya total assistant niya ako at kung nasaan siya nandun din ako.
Nang matapos kami ni Danica, nagpaalam na ito sa akin dahil may pupuntahan pa itong importanteng bagay. Naiwan ako sa may sala.
“Yong bag ko nga pala.” Muntik ko ng makalimutan ang bag ko na naiwan dito.
Nagtungo ako sa may dining room at nakita si bossing na papaupo pa lamang sa upuan.
“Pst, hindi man lang ako tinawag na kakain na pala.” Bulong ko habang papalapit sa kinalalagyan niya.
“Are you done practicing?” tanong nito habang nagsasandok ng pagkain.
“Oo.” Umupo ako sa kabilang upuan, natatakam na naman ako sa mga pagkaing nakalatad sa mesa.
Kukuha na sana ako ng fried chicken ng biglang magsalita si bossing na ikinatigil ng kamay ko sa pagkuha ng tuluyan sa fried chicken.
“Who told you to eat?” napatingin ako sa kaniya, nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa akin.
“Eh? Gutom na gutom na ako!! Ang damot mo naman. Mayaman ka naman hah, bakit hindi ka marunong makihati ng grasya?” nakapout kong tanong.
“I don’t like sharing what’s mine.” Ako lang ba? Ako lang ba ang nag-iisip na parang doble yong meaning ng sinabi niya?
“Heheheh, easy lang bossing. Pakainin mo nalang ako para wala ng gulo. Nakakapagod kayang magpraktis. Naku-naku utang mo yon sa akin. Hindi mo dapat hinahayaang magutom ang magiging assistant mo, paano nalang kung bigla akong mahimatay? Eh, wala ka ng maganda at sexing assistant.” bakit ang hilig niya pakunotin iyong noo niya? Nakakadagdag ba yon ng kapogian? Siguro nga, kita naman ang ebidensya sa kaniyang mukha.
“Stop staring and eat.” Biglang lumiwanag ang buo kong paligid pagkarinig ko sa sinabi niya.
Dali-dali kong kinuha ang fried chicken at kinagat ito. Nagsandok pa ako ng mga pagkaing nasa mesa. Wala akong pake kung ano ang sasabihin ni bossing sa aking pag-uugali, gutom ako, masamang istorbohin ang taong gutom.
Matapos kong kumain, umalis si bossing at may kinuha sa kaniyang kwarto, pagbalik niya. Dala na nito ang bag ko. Ibinigay niya ito sa akin at pinauwi na ako.
Umangal pa ako nung una, gusto ko kasing matulog ulit sa kwarto niya kaso ayaw niya, maraming sermon ang natanggap ko sa kaniya kaya wala na akong nagawa kundi ang umalis, ayaw ko namang magtagal doon. Puro sermon nalang niya ang palagi kong naririnig. Baka pati sa pagtulog ko, sermon parin niya ang maririnig at makikita ko.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...