Chapter 14
Matapos kong magbihis, lumabas na ako sa banyo. Nakita kong nakapagbihis na din si bossing. Saan siya nagbihis? Sana pala binilisan ko ang aking pagpapalit, edi sana nakita ko si bossing na nagbihis dito. Nakakapanghinayang naman, di ko tuloy nakita yong so yummy abs niya.
“Let’s sleep.” Heto na ang pinakahihintay ko, tatabi na ako kay bossing.
“You’ll sleep in there.” Napatanga ako ng makita kong may nakalatag sa may sahig na higaan. What?!!! Hindi kami magkatabi?!! Ang sama niya!!!!!
“Ayaw ko nga. Sa kama ako.”
“Don’t be stubborn. You will sleep there or I’ll kick you out.” pananakot niya. Padabog kong tinungo ang hinanda nitong higaan.
“Napaka ungentleman mo talaga bossing.” Bulong ko.
“I know.” Nanlaki ang aking mga mata. Napatingin ako sa gawi ni bossing at parang gusto ko ng maglumpasay sa kilig ng makita ko siyang nakatingin sa akin habang nasa hamba ng kama. Bakit ang hot ang posisyon niya?
“You’re drooling.” Napahawak ako sa aking baba, wala naman hah.
“*chuckles*” mas lalo lang ako napanganga dahil sa sobrang hot ng tawa niya. Wait, tumawa siya?!! Isang malaking himala!!!
“Pwedeng isa pa bossing.”
“What do you mean?” ang cute niya!!!
“Isa pang tawa, please.” Napailing nalang ito at ngumiti. Shet, parang aatakehin na ako nito sa puso.
“Bagay talaga sa inyo ang ngumiti bossing. Dapat kayong ngumiti palagi. At dapat ako lang ang ngingitian niyo ng ganyan.”
“Stop talking Ms. Clumberge. Sleep.” Humiga na ito sa kama at nakita kong may kinuha siyang remote.
Humiga na din ako dahil mukhang papatayin na niya ang ilaw.
“Good morning bossing.” Ugma naman talaga ngayon, 2 o’clock in the morning na kaya. Mukhang magkaka eyebags nga ako nito. Makatulog na nga.Tama na yang pag-iisip ng kung anu-ano.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Nag-inat-inat pa ako bago bumangon. Ang sarap yata ang tulog ko. Hindi ba ako na late ng gising? Nilingon ko ang orasan at nataranta nalang ako bigla ng makitang 3:00 pm na pala!! Ang haba yata ng tulog ko. Di man lang ako ginising ni bossing!!
Pagbangon ko nilingon ko kaagad ang gawi ni bossing at nakahinga ako ng maluwag ng makitang tulog parin si bossing. Mukhang siya yata ang mas mahaba ang tulog kaysa sa akin. Ganitong oras ba siya nagigising? Dahan-dahan akong tumayo at iniligpit ang aking higaan.
Nagtungo ako sa kinaroroonan ni bossing at tinitigan ang maamo niyang mukha. Nalalanghap ko ang mabango niyang hininga, nakakaadik.
“Sana pala tulog ka nalang palagi bossing. Mas gumagwapo ka kasi pag tulog.” Napahagikhik ako sa aking sinabi. Di ko alam kung kailan ako nagkaganito, basta ang alam ko ng makilala ko siya bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at naging baliw na ako sa kaniya. Sana huwag ng matapos ang ganitong eksena.
Napag-isipan kong lumabas na muna upang makalanghap ng sariwang hangin.
Bumungad sa akin ang mga taong busy sa kaniya-kaniyang gawain. May mga bumabati sa akin, nakakahiya naman. Hindi naman ako yong amo nila pero sobrang respeto iyong ibinibigay nila sa akin. May inihanda pa silang miryenda upang hindi ako magutom. Syempre mahal ko masyado ang aking tiyan kaya kumain na muna ako bago gumala dito.
“Aling Mercedes.”
“Bakit iha?”
“Ganito po ba katagal gumising si bossing, I mean si Mr. Lockheart?” huminto ito sa pagpupunas at hinarap ako.
“Ngayon lang iha. Nagpapasalamat nga ako dahil nakatulog siya ng maayos ngayon. Palagi nalang kasi yang babad sa trabaho noon pa man. Ngayon lang talaga siya nakapagpahinga ng matagal. Salamat sa iyo iha.” Nakikita ko sa mga mata nito ang kagalakan.
“Eh, wala naman po akong ginawa.”
“Kung para sa iyo wala, para sa amin meron. Alam mo bang wala pang nakakapasok na hindi kamag-anak ni sir Zwane dito sa pamamahay niya? Ikaw palang iha.” Parang biglang may humaplos na kung ano sa aking puso. Ako pa lang? Ibig bang sabihin nun, may gusto siya sa akin?!!! O importante ako para sa kaniya?!
“Hehehe, sobrang nakakataba naman po ng puso yong sinabi niyo.” Sabay ayos ng buhok ko.
Gosh, kinilig ako dun.
“Alam mo iha,bagay na bagay kayo ni sir.”
“Alam ko na po yan.” Confident kong sambit. Bagay naman talaga kami, kaya nga dapat niya na akong panagutan!!!
“Lalabas muna ako manang.” Pagpaalam ko dito.
“Sige iha, may gagawin pa din naman ako.” Tumango lang ako dito.
Pagdating ko sa labas, namangha ako sa mga tanawin. Ngayon ko lang natanaw ng maayos ang kabuohan ng bahay ni bossing.
Habang nagliliwaliw ako, may nakita akong mga rosas kaya dali-dali ko itong nilapitan.
“Mahilig pala si bossing sa mga rosas?”
“I don’t, my mom do.” Napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang boses ni bossing sa may likuran ko.
“B-bossing nandiyan na pala kayo. Di niyo man lang ako ininform.” Umiling lang ito bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Haha, nakakailang naman yang tingin niyo bossing.”
“My clothes suit you.” Bigla akong namula sa sinabi niya, pinasadahan ko ng tingin ang aking suot at napagtanto kong damit niya pala ito. Gosh, maliit na short lang yong suot ko dahil mataas na ang damit niya para sa akin.
“Ahm, bossing. Di ba tayo papasok?” pag-iiba ko ng tanong dito.
Napatitig ako kay bossing, ang gwapo niya!!! Messy hair tapos nakakalaglag panty pa ang hitsura. Nakasando lang ito, bakat na bakat yong yummy abs niya. Bakit di ko ba ito napansin kagabi?
“Tsk, stop harassing me in your mind.”
“Paano niyo nalaman bossing? Mind reader ka ba?” napatampal ito ng noo dahil sa sinabi ko.
“Knowing you, I know what you’re thinking.” Ganun na ba ako kahalata?
“And for your question. Yes, we won’t go to work. We will go somewhere.” Saan naman itong somewhere na ito?
“Bossing. Wala akong damit na maisusuot.”
“I already told someone to get some clothes for you.” Nakakakilig naman, si bossing pa talaga ang gumawa nun.
“Ang sweet niyo naman bossing.”
“Sweet? Nah, you’re just overthinking.” Panira ng moment ang isang ito.
“Go upstairs and take a bath, we will leave in a minute.” Sinunod ko ang inutos nito.
Napahinto ako sa paglalakad pataas at nagtanong.
“Hindi ka ba sasabay sa akin bossing?” gumuhit ang mapang-asar kong ngiti.
“Nah, you will just rape me if I will join you.” Napanganga ako sa sinabi niya.
“Wow ang confident mo naman-“
“Just go. Or else I will left you.”
“Bossing, hindi ka pa naliligo at wag niyong sabihing ganyan lang ang suot niyo pag-alis natin?” tanong ko dito.
“I will took a shower at the guest room.”
“At bakit sa guest room kung pwede ka namang sumabay sa akin sa banyo? Less hassle na din yon.” Itinaas baba ko pa ang aking kilay.
“Nevermind.” At tinalikuran na niya ako.
Napanganga ako sa inasal niya. Ibang klase, paano niya naatim na tanggihan ang maganda kong alok? Kung tutuosin maswerte nga siya, sa daming nagkakandarapa sa akin siya lang ang hinayaan kong makasabay sana sa pagligo.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...