Chapter 23
Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Napatulala kami sa loob habang nakatingin sa labas. Nagsimulang sumiklab ang kaba sa aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ngunit sigurado akong may hindi magandang mangyayari ngayon.
Nauna silang lumabas ng sasakyan habang abala ako sa pagpakalma sa sarili ko. Nang maayos ko na ang aking sarili, napagdesisyonan ko ng lumabas, bago ako makalabas ng tuluyan biglang may humawak sa aking kamay. Nagtatakang lumingon kay Ellaine.
“Be careful.” Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pag-alala.
Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil, ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti kagaya ng ginawa ko kay Chean.
“I will.” Matapos ko yong sabihin, doon niya na binitawan ang aking kamay.
Nagpaalam ang iba naming kaibigan sa kaniya, tango lamang ang tanging itinugon niya sa amin.
Binagtas namin ang daan paloob. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib, di ko mawari kung saan ako kakapit para may sumuporta sa aking paglalakad. Naramdaman ko nalang ang isang kamay na humawak sa aking kamay. Napalingon ako dito at nakita si Danica na nakatingin din pala sa akin.
“Don’t worry, we’re here.” Pilit ko siyang ginawaran ng isang ngiti at tumango. Yeah, I am not alone, I have them.
“Ms. Danica Locheart and her friends.” Nagulat ako sa biglang pag-anunsiyo nung lalaking nakasalamuha namin.
May ganun pala dito? Sana hindi niya nalang sinabi ang bagay na iyon, yan tuloy kami yong pinagtitinginan ng mga tao.
“Bakit ka nakayuko? Ang daming mga yummy boy dito.” Kinurot ko sa tagiliran si Chean dahil sa bulong niya.
“Manahimik ka nga. May boyfriend ka na.”
“Hmmmph, boyfriend? Wala akong boyfriend noh.” Napakunot ang aking noo.
“Mag-uusap tayo pagbalik natin sa apartment.” Bulong ko dito. Wala akong alam kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Bakit tinatanggi niyang wala siyang boyfriend?
“Hello, grandpa.” Nasa likuran lang kami ni Danica habang nakikipag-usap ito sa kaniyang lolo.
Inilibot ko ang aking paningin sa lugar, sobrang ganda ng mga desinyo. Sa bawat pag gala ng aking mga mata, nakikita ko ang mga matang paminsan-minsang sumusulyap sa aming gawi.
Napunta sa may pagkaininan ang aking tingin, parang biglang nawala ang lahat ng tao dito dahil sa aking nakita. Nasa pagkain lang ako nakatutok ngayon, napalunok ako ng maraming besis. Bakit parang nang-aakit yong pagkain? Control yourself, Raye. Wala ka sa bahay, nasa birthday party ka.
“Then whose these beautiful ladies, here?” napabaling muli sa harapan ang aking atensyon. Nakatingin na sa amin ngayon ang grandpa ni Danica.
“They are my friends, grandpa. These are Rayeiza, Janessa, Lexy, Lanxi and-“
“Hello po, ako nga pala si Chean!!” biglang kinuha ni Chean ang kamay ng grandpa ni Danica at nakipagkamay dito.
“Hahahaha, natutuwa akong makilala kayo.” Natatawang sambit ng grandpa ni Danica.
Phew, akala ko pa naman istrikto ang isang ito kagaya nung lalaking nakakandado ang puso na boss ko dati. Buti nalang talaga naintindihan niya ang pagiging baliw ni Chean.
“Maupo muna kayo mga iha.”
“Thank you po!” masiglang usal ni Chean at umupo agad sa upuang nakita niya. Napailing nalang kami. Nagsimula na ding umupo sina Lexy, Lanxi, Janessa at Chean.
“Kukuha muna ako ng pagkain.” Hindi ko na talaga matiis.
“Samaha-“
“No need Danica, kaya ko naman ang sarili ko.” Ningitian ko siya. May pag-alinlangan ang mga mata nito ngunit di naglaon pumayag itong umalis akong mag-isa.
Nakangiti kong tinungo ang mga pagkain. Fods, foods, foods, foods.
Nang tuluyan akong makalapit sa mga pagkain, kumuha ako ng lalagyan, syempre yong pinakamalaking lalagyan ang kinuha ko. Lulubos-lubusin ko na ito, total libre ang mga pagkain.“Ehem.”
Hmmm saan ba dito ang masarap? Strawberry or chocolate? Parang pareho naman silang masarap, makuha nga pareho.
“Ehem.”
Inamoy ko yong mga drinks doon, nakaamoy ako ng juice na mango flavor kaya yon ang kinuha ko.
Nang matapos ko ng makuha ang mga gusto ko, tumalikod na ako, bye bye foods, babalik ako mamaya.
“You’re not paying attention.” Napanganga ako ng makita ko ang taong nasa aking harapan.
“A-anong ginagawa mo dito?” ay tanga ka ba, Raye? Malamang nandito siya, grandpa niya kaya ang may kaarawan ngayon.
“I suppose, you already know it, Ms. Clumberge.” Shit na malagkit, bakit namiss ko itong pagtawag niya sa akin ng ganito. Waaah, dapat galit ako sa kaniya.
“Excuse me. Dadaan ako, nakaharang ka. Kita mo namang may dala ako diba?” tinaasan ko pa ito ng kilay.
“Seriously, Ms. Clumberge, you can eat that all?” inirapan ko ito.
“Malamang, hindi naman ganito kadami ang kukunin ko kung di ko kayang ubusin diba? At saka, bakit feeling close ka ngayon? Baka nakakalimutan mo, you fired me.” Pagtataray ko dito.
“Yeah.” Nailang ako bigla sa mga titig niya. Bakit ko ba iyon nasabi? Dapat sana umalis nalang ako.
“Gutom na ako.” Pagpaparinig ko dito, sana naman magets niya.
“Then why don’t you eat?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Tinanong mo talaga?”
“Is there something wrong if I asked?”
“Oo, nakaharang ka kasi sa daanan.” Nang magets niya, umalis siya sa pagharang sa dadaanan ko.
“Thank you.” Sarkastiko kong sambit saka siya nilampasan.
“Ms. Clumberge, wait.” Napahinto ako sa paglalakad.
“Ano?” humarap ulit ako dito.
“Can I talk to you, for a second.” Kumunot ang noo ko, ano ba itong ginagawa namin? Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya dali-dali itong nagpaliwanag.
“Let’s talk while you are eating.”
“Okay.” Sumunod ito sa akin.
Naupo kami malapit sa may puno. Inilapag ko ang aking pagkain at nagsimulang kumain. Napangiti ako ng palihim ng manamnaman ko ang sarap. Sino kaya ang nagluto sa pagkaing ito? Hmmm, ang sarap niyang magluto.
“Ehem.”
“May ubo ka ba?” kanina ko pa napapansin na palagi siyang gumaganyan.
“No.”
“Wala naman pala, bakit ehem ka ng ehem, gusto mo bang kumain?” alok ko sa kaniya.
“No, thanks. I’m fu-“ napatawa ako ng marinig ang pagtunog ng kaniyang tiyan.
“I’m full pala hah.” Pang-aasar ko dito.
“Stop that, Ms. Clumberge.”
“Heh, hindi muna ako empleyado kaya wag mo akong tawaging Ms. Clumberge, Raye nalang o di kaya Iza.” Kinindatan ko pa ito. Ipinagpatuloy ko ulit ang pagkain. Nabaling ang atensyon ko sa chocolate at strawberry flavor cake. Pinaghalo ko ito.
“I insist.”
“Huh?”
“Nothing.”
Akala ko ba gusto niya akong makausap, bakit hindi pa siya nagsisimula?
“Ms. Clumberge, I’m s-“
“Zwane?” wengya may kontrabidang dumating.
![](https://img.wattpad.com/cover/293330974-288-k114306.jpg)
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomansaThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...