Chapter 24
Parang nawalan ako ng ganang kumain habang nakatingin sa babaeng papalapit ngayon kay Zwane. Wow, lumelevel up na ako, nakiki Zwane.Dazton ang dapat sa kaniya.
“A-Aila.” Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Tsk, nanonood ba ako ng pelikula dito? Nasaan ang popcorn?
“It’s nice to see you again Zwane.” She smiled at him. It is not nice to see you here.
“I thought you went back in state?”
“Actually, I suppose to went back but then my fiance invited me to accompany him here.” Did I hear it right? She has a fiance pero ang landi niya parin!! Ayy oo nga pala, nasabi na sa akin ni Danica namay fiance pala ang isang ito.
“F-Fiance?” bakas sa mukha ni Zwane ang pagkagulat. Parang di naman niya alam kung magulat ito. Gusto kong matawa sa epic ng mukha niya ngunit agad kong pinigilan ang aking sarili.
“Ahm, can we talk privately?” sabay tingin nito sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.
“You can talk here. I am not even listening. I’m busy on my own world.” Ipinakita ko pa ang aking pagkain.
Nakita ko ang pag ngiwi nito. Paki niya ba kung marami ang pagkaing kinuha ko.
“Okay, if you’re eager to hear our conversation.” Nanlaki ang aking mga mata, paano niya nalaman?
“Are you kidding, me? I am not even listening.”
“Yes, you are not listening.” Note the sarcasm on her voice.
“You!!” naiinis na ako sa kaniya.
“Ms. Clumberge.” Binigyan ako ng masamang tingin ni Dazton. Inirapan ko nalang ito at nagpatuloy sa pagkain.
“So, who is she to your life, Zwane?” sabay tingin niya sa akin.
“Just my employee-“
“Correction, ex employee.” Pagtatama ko, sinamaan niya naman ako ng tingin.
“*chuckles* Medyo may pagka pakialamera ka din noh?”
“Marunong ka palang mag tagalog-“
“Who say I can’t speak tagalog?” naiyukom ko ang aking kamao, ang ayaw ko sa lahat yong hindi ako pinapatapos sa pagsasalita.
“Ganyan ba ang tipo mo sa mga babae, Dazton?” nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa mukha ni Dazton ng sambitin ko ang kaniyang pangalan.
“Ms. Clumberge-“
“I told you, you can call me Raye or Iza.” Bumaling ako kay Aila.
“Diba may fiance ka na? Bakit lumalandi ka pa?” namula ito sa sinabi ko.
“What the-“
“Bawal ang magmura dito. Wala kang karapatang magmura sa aking harapan. Parang nagsisisi tuloy ako na hindi ko kayo pinaalis.” Bored kong sambit.
“How dare-“
“Nagbago na ang isip ko. Diba gusto niyong mag-usap nang kayo lang dalawa? Then go, bring Dazton with you. Nakakawala kayo ng gana eh.” Naningkit ang mga mata nito sa akin.
“Who are you to say-“
“I know you heard me.”
“You!!! You-“
“Bakit nandito ka pa?” tinaasan ko na naman siya ng kilay.
Mas lalong pumula ang mukha nito, lalapitan na niya sana ako ng tumayo si Zwane at pinigilan ito.
Mas lalong napataas ang kilay ko ng lumandas ang aking paningin sa kamay ni Dazton na nakahawak sa braso ni Aila.
“Don’t make any mess here, Aila. This is my grandpa’s party, I don’t want this to ruin. Let’s talk privately.” Bulong nito sa babae ngunit dinig ko naman. May pabulong-bulong pa siyang nalalaman, tsk.
“And to you Ms-“
“It’s Raye.”
“Ehem. We will talk later.” Tinaboy ko sila gamit ang kamay ko. Inirapan ko pa ang babae nang tignan niya akong muli.
Sa wakas nawala na ang babaeng malandi. May fiance na nga, lumalandi-landi pa. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. Habang kumakain, inilibot ko ang aking tingin. Malay niyo makita ko sila kung saan ang dalawang iyon ngayon.
Napako ang paningin ko sa lalaking pamilyar sa akin. Wait, is that? OMG!!! Nandito nga siya. Dali-dali kong nilunok ang aking kinain at uminom ng juice.
Pinunasan ko muna ang aking labi ng tissue bago nagtungo sa kinaroroonan nila. Nandito nga sila, lalong-lalo na siya. Ang gwapo niya talaga, kahit saang anggulo tignan.
“Hello Mr. and Mrs. Coltz.” Bati ko sa kanila. Sabay silang napalingon sa aking gawi.
“Oh Raye, you are here.” Nakangiting bati sa akin ni Mrs. Coltz.
“My friend invite me here, Mrs. Coltz.”
“Hahaha, don’t be too formal, just call me Claire.”
“Heheheh, sige.” Napatingin ako sa asawa nito.
“Hello po, Mr. Coltz.” Nakangiti kong sambit.
“Hahaha, mukhang pinaglilihian ka nito, hubby.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Ellaine?
“Y-You-“
“Yes, I know. Walang nagsabi pero nadaanan ko na ang ganyang bagay kaya wag kang mahiya sa akin.” Nailang ako sa kaniya.
“Don’t be shy.” Hinawakan nito ang aking kamay.
“Hubby, ikaw na muna dito. Asikasuhin mo muna si Raye. Pupunta muna ako ng banyo.” Hinalikan ni Claire ang asawa nito bago umalis.
“I’ll just go to the restroom, Raye.”
“Sige po.”
“Let’s take a seat, Ms-“
“Raye nalang po.”
“Okay, Raye then. And you can call me Stuart.” I giggled, ang ganda din ng boses niya.
Pinaghila niya ako ng upuan, hmmm gentleman. Ang swerte ni Claire sa asawa niya.
Nag-usap kami ng kung anu-ano ni Mr. Coltz. Masaya pala siyang kausap, akala ko pa naman masungit at hindi namamansin ang isang ito ngunit nagkamali pala ako. Natagalan yata si Claire sa pag banyo kaya nakwento na ni Stuart ang tungkol sa anak nila. Yes, they have a son, Alvin Coltz. Sigurado akong maraming papaiyakin ang anak nila. Pinakita kasi nito ang litrato ni Alvin, masasabi kong may malakas na dating ito gaya ng kaniyang ama.
“Mukhang ang dami niyo ng napag-usapan hah.” Napatayo kami ng dumating si Claire.
“Sorry natalagan ako. May tumawag pa kasi.”
“Who call you, wife?” kinilig ako sa tawagan nila. Hubby at wife. Ano kaya ang bagay sa amin ni Dazton? Libreng mangarap, di naman niya nababasa ang mga pinag-iisip ko. Kaya kerybels lang.
“It’s Giselle she just told me something.” Tumango lang si Stuart saka pinaghila ng upuan ang asawa.
Nasa harap ko silang dalawa, hinayaan ko muna silang mag-usap. Ayaw ko namang makisawsaw noh, moments nila yan.
“Mr. and Mrs. Coltz.” Tumayo sila ng lumapit ang grandpa ni Danica. Napatayo na din ako. Nakakahiya naman kung ako lang yong nakaupo tapos sila nakatayo.
“Happy Birthday, Mr. Lockheart.” Pormal na bati ni Stuart.
“Thank you Mr. Coltz. I’m glad you and your wife came.”
Nag-usap-usap na sila hanggang sa napunta ito tungkol sa business. Since hindi ako nakakarelate, nagpaalam nalang ako sa kanila. Nagulat pa nga yong grandpa ni Danica ng makita ako. Akala niya kasi kasama ko ang apo niya ngunit nagpaliwanag naman ako dito.
Habang naglalakad, may biglang humila sa akin at sinambit ang katagang nagpalakas ng tibok sa aking puso.
“Iza.”
![](https://img.wattpad.com/cover/293330974-288-k114306.jpg)
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomansaThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...