Chapter 3
Sumama sa amin si Danica, gusto niya din kasi makilala ang iba pa naming kaibigan ni Chean.
Matapos ang pagtatawanan nila, naisipan ni Chean na lumabas muna kami total may tatlong oras kaming break. At dahil gusto ko ding makasama ang iba pa naming kaibigan, naisipan kong tawagan sila at makipag meet up sa nakasanay naming restaurant.
Medyo kumapal ang mukha namin ni Chean, biruin mo yon. Ang manager namin sa department ang ginawa naming driver. Ayaw naman sana naming sumabay kay Danica ngunit mapilit ito kaya wala na kaming nagawa at sumabay nalang sa kaniya.
Pagdating namin sa restaurant, agad kong nakita ang mga bruha. Tsk, kahit kailan talaga ganito ang mga atensyon na nakukuha nila sa ibang tao. May ibang napapatingin sa amin habang naglalakad kami patungo sa direksyon ng mga bruha lalo pa’t may kasama kaming modelo na kilala sa industriyang ito.
“Hello girls!!!” masayang bati ni Chean.
Walang sumagot sa kaniya. Napatawa nalang ako. Kahit kailan ang tatlong ito hindi talaga nakikisakay sa kalokohan ni Chean.
“Ang sungit niyo talaga. Bakit ba wala sina Ellaine at Giselle dito?” nakapout nitong tanong. Sina Ellaine at Giselle lang kasi ang nakikisakay sa kaniyang kalokohan.
“Just seat, Chean.” Janessa said.
“Wow.” napalingon kami kay Danica, nakita ko itong nakanganga habang nakatingin sa mga bruha. Ganun ba talaga siya kagulat na makakita ng bruha?
“Who is she?” Lanxi.
“She’s Danica Lockheart, one of the famous model here in our country.” bored na sambit ni Lexy. Ohh diba, imbes na kami iyong tinanong, si Lexy iyong sumagot.
Humila kami ng kaniya-kaniyanaming upuan bago umupo.
“Really?” tanong ni Lanxi kay Danica na sinuklian lang ni Danica ng isang tango at ngiti.
“Nice meeting you all.” nahihiyang usal ni Danica.
“Don’t be shy. If Chean and Raye are now your friends, then we are your friends too.” Janessa smiled at her, ito ang gusto ko sa mga bruhang ito. Kahit na hindi pa nila gaanong kilala ang isang tao tinatanggap nila kaagad ito kapag naramdaman nilang hindi naman masama ang isang tao. Batay sa nakikita ko sa kanila, mukhang mapagkakatiwalaan nga talaga si Danica.
“So what’s the news?” Lexy.
“Hahahaha, tiyak akong matatawa kayo sa sasabihin ko.” panimula ni Chean. Parang hindi maganda ang kutob ko pag si Chean ang magku-kwento.
Bago mabuksan ni Chean ang bunganga niya tinakpan ko na ito at ako na ang nag kwento sa nangyari.
Gaya nung nauna, tumawa na naman sina Chean at Danica habang ang tatlo ay walang kare-a-reaksyon. Buti pa ang tatlo nakakaintindi sa akin pero itong dalawa, naku parang malabong maintindihan nila ang sitwasyon ko.
“Does your boss call you already after the incident?” natigil ang dalawa sa kakatawa dahil sa naging tanong ni Lanxi.
“Nope.” Hindi naman niya ako pinatawag, at yon ang pinapasalamat ko sa ngayon.
“Then it settled. He will not fire you.” Lanxi.
“Paano ka nakakasiguro, Lanxi?” ayaw ko namang umasa.
“My instinct.” yan na naman tayo sa instinct na yan.
“Don’t worry Raye. If your boss really fired you. Then I can offer you a new job.” biglang lumiwanag ang aking mukha sa sinabi ni Lexy.
“Waaah, hulog ka talaga ng langit Lexy!!!” niyakap ko pa ito.
“Sa tutuo lang, sang-ayon ako kay Lanxi. Dahil kung talagang ipapatanggal ka niya, pinatawag kana sana nito sa opisina bago pa tayo nakaalis.” napabaling ang atensyon ko kay Danica.
“Really?” masaya kong tanong. Sana nga tutuo ito dahil hindi ko pa nga nagagawa ang plano ko, mapapatalsik na ako.
“I’m sure about that. Hindi naman makitid ang utak ng pinsan ko. At isa pa, maliit na bagay lamang iyon." nakahinga ako ng malalim ng nasilayan ko ang matamis na ngiti nito. Thanks God, I'm safe.
“Let’s eat.” basag ni Janessa sa usapan.
Nagsimula na silang kumain habang nag-uusap, related sa business. Nakinig lang kami ni Chean dahil wala kaming kaalam-alam sa mga sinasabi nila. Buti pa itong si Danica nakakasabay sa tatlo.
“Busy na naman ba sina Ellaine at Giselle?” pag-iiba ni Chean ng topic.
“Sino sina Ellaine at Giselle?” Danica.
“One of our friends. Minsan lang namin sila nakakasama dahil masyadong busy ang dalawa sa trabaho nila, hindi nga namin alam kung ano ang mga trabaho nito. At hindi na kami nagtanong pa dahil mukhang wala silang balak na ipaalam ito sa amin. Hindi naman kami mapilit, basta ang mahalaga hindi nila pinapabayaan ang mga sarili nila.” paliwanag ko.
“Bakit? Hala! Baka illegal na yang ginagawa nila?” pagbibiro ni Danica.
“They are not like that.” Janessa firmly said.
“Biro ko lang yon.” napakamot ako ng ulo. Sineryoso yata ni Janessa ang joke ni Danica.
“May ipapakita ako sayo Danica.” pagbabago na naman ni Chean ng topic. Kinuha ni Chean ang kaniyang selpon at pinakita kay Danica ang litrato namin.
“Ito si Giselle at ito naman si Ellaine.” napatitig ng ilang minuto si Danica sa litrato bago nagsalita.
“Ang gaganda niyo palang magkakaibigan. Siguro maraming nagkakandarapa sa inyo?” natatawa nitong usal.
“Sinabi mo pa.” confident na sambit ni Chean bago tinago ulit ang kaniyang selpon.
“Yong Ellaine.” natigil ako sa pagsubo dahil sa pagbanggit ni Danica ng pangalan ni Ellaine.
“Anong meron kay Ellaine?” ako na ang nagtanong.
“Nakakatibo ang ganda niya.” napatawa kami sa sinabi niya. Kahit sina Janessa, Lexy at Lanxi ay napatawa na din dahil sa sinabi nito.
Sino bang hindi matatawa kung pare-parehas lang ang unang impresyon namin kay Ellaine. Kahit maloko yon at hindi nawawalan ng kalokohan, makikita mo parin ang natural na ganda nito na ibang-iba sa lahat. Hindi niya na kailangan pang ayusin ang kaniyang sarili dahil una palang kita mo, tiyak na mahuhumaling kana sa kaniya.Natural lang ang ganda nito mga sis.
“May mali ba sa sinabi ko?” nahihiyang tanong ni Danica.
“Wala.” Sabay na sagot namin.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos kami. Nag-usap muna kami ng ilang bagay bago kami nagkaniya-kaniya ng daan.
Nakabalik na kami sa Lockheart Corporation, nasa kaniya-kaniya na namang upuan ang mga empleyado.
“May gagawin muna ako guys. Mauna na kayo sa department natin.” napatango kami ni Chean kay Danica.
Pagdating namin sa aming pwesto, sinimulan ko na ang aking trabaho.
Salamat naman at naging maayos lamang ang araw ko. Hindi ako pinatawag ni bossing, at iyon ang sobrang ipinagpapasalamat ko.
Natapos ang araw namin ng matiwasay, sabay kaming umuwi ni Chean sa aming apartment na walang pinuproblema.

YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...