Chapter 30

650 21 0
                                    

Chapter 30

“Sa tingin mo ba madali sa akin ang lahat nang ito? Sa tingin mo ba ginusto ko ito?”

“Alam kong kasalanan ko ito. Sino bang lumandi, diba ako?” napatawa ako nang mapakla dahil sa katotohanang kasalanan ko lahat nang ito.

“S-sorry. Sorry kung nadamay ka sa kalandian ko. Wala kang dapat ikabahala dahil hindi naman kita pipiliting maging a-“

“D*mn!!!” nagulat ako nang biglang ibinagsak ni Dazton ang dalawang kamay niya sa pader na kinasasandalan ko.

“Do you think I will let that happen? Do you think I will not accept my own flesh?” puno nang galit ang mga mata nito. Naguguluhan ako sa kaniyang inasta. Bakit galit siya? Diba dapat okay lang sa kaniya ang bagay na iyon?

“I thought you are different from those women out there. Ngunit nagkamali ako. Kagaya ka rin lang nila.” Lumayo ito sa akin at tumalikod. Nakita ko ang pagkuyom niya sa kaniyang kamay.

“Don’t ever try to push me on my limit Iza. Ako ang ama nang batang dinadala mo at wala nang iba. Whether you like it or not, you will marry me.” Yan ang huling katagang sinabi niya bago umalis at pabagsak na isinara ang pintuan.

Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa mga salitang binitawan niya. Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi nito. He will marry me? Dahan-dahan akong napaupo sa sahig sa panghihina nang aking mga tuhod. Pinunasan ko ang luhang patuloy paring dumadaloy sa aking mga pisngi.

“I’m home!!!” bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Chean.

“Raye!!! Yoohoooo!!” dumiretso ito sa may sala at sigurado akong patungo na ito sa aking kwarto upang puntahan ako.

Wala akong lakas na loob na tawagin siya. Sobrang gulo nang aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung matutuwa ba ako dahil papakasalan niya ako o magagalit dahil alam ko sa sarili ko na tanging anak ko lang ang habol niya.

Ano ba itong pinasok mo, Raye? Sa sobrang landi mo mukhang naparusahan ka na. Napatawa ako dahil sa miserableng buhay na meron ako.

“Oh my ghad Raye!!! Anong ginagawa mo diyan?!!” agad na lumapit sa akin si Chean at inalalayan akong tumayo.

Naghila siya nang isang upuan at pinaupo ako dito. Iniwan niya muna ako saglit upang kumuha nang tubig sa ref. Nang makainom ako ng tubig doon niya na ako binato ng mga tanong na patuloy na gumugulo sa kaniyang isipan.

“What’s wrong with you, Raye? Bakit ayaw mong sumagot?” umupo ito sa isang upuan kaharap ko.

Tinitigan ko siya nang matagal hanggang sa panghinaan ako ng loob.

“H-he already know.” Kumunot ang noo nito.

“Si sir?” tumango ako dito.

“Gaga, anong ikinalulungkot mo diyan? Hoy!!! Hindi ikaw ang Raye na kilala ko. Dahil ang Raye na kilala ko, tiyak akong magtatalon yon sa saya dahil nalaman na ni Mr. Lockheart ang tutuo. Maswerte ka nga dahil yong crush namin ang naging ama nang batang dinadala mo-“

“Hindi mo kasi naiintindihan Chean.”

“Then make me understand. Wag mong sarilihin. Nandito kaming mga kaibigan mo.” Hinawakan niya ang aking kamay.

“H-hindi naging maganda ang pag-uusap namin. Sinabi niya lang sa akin na papakasalan niya ako bago siya umalis dito.” Naluluha kong sambit.

“Papanagutan ka naman pala. Bakit? Anong problema doon?” umiling ako sa kaniya nang maraming besis.

“Hindi tama. Ayaw kong magpakasal sa kaniya.”

“Ano?!!! Ghad!!! Ikaw yata ang may problema dito Raye!!”

“Hindi mo kasi naiintindihan ang punto ko Chean.”

“Diba sabi ko sayo, make me understand your situation.”

“Ayaw kong ikasal sa lalaking hindi naman ako gusto. Ayaw kong lumaki ang anak ko na puro kasinungalingan lang at pagpapanggap na mahal namin ang isat-isa. Chean, iba ang mahal niya at hanggang ngayon siya parin. Ano ba ang pwede kong gawin para ako nalang ang mahalin niya? Di ba pwedeng mawala na yang Aila na yan?” napayakap sa akin si Chean.

“Raye, hindi pa natin alam ang tutuo. Wag mong pangunahan si Mr. Lockheart. Sabihin mo nga sa akin. Sinabi niya ba na ibang mahal niya parin yong babaeng sinasabi mo at hindi ka niya mahal?” tanging iling lamang ang isinagot ko.

“Yon naman pala eh. Then be positive. Hintayin mo na lumamig ang ulo niyo pareho saka mo siya kausapin at itanong sa kaniya nang masinsinan kung magwo-work out ba ang relasyon niyong dalawa. At kung mahal ka ba niya? Pero Raye, talaga bang mahal mo si sir o tanging paghanga lang ang nararamdamam mo sa kaniya?” natigilan ako sa kaniyang tanong.

Hindi ako nakaimik, hindi ko inaasahan na tatanungin ako ni Chean nang ganun.

“Hindi ka makasagot?” kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, napatingala ako dito. Nakatayo na ito sa aking harapan at seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

“Bago mo siya kausapin, ayusin mo muna yang sarili mo. Hindi pwedeng basta-basta ka nalang magde-desisyon na wala ka sa sarili.” Tumango ako dito.

“Kumain ka na ba?” tumango na naman ako.

“Magpahinga ka muna.” Inalalayan niya akong magtungo sa aking kwarto.

Inayos niya ang aking kama bago ako pinahiga.

“Wag ka munang mag-isip nang kung anu-ano makakasama yan sa baby. Mamaya pag gising mo pupunta tayo nang ospital.”

“Anong gagawin natin doon?”

“Bibisita sa doktor para matignan yang kalagayan mo.” Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nito.

Umayos ako nang pagkakahiga at ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang paghalik ni Chean sa aking noo bago ito umalis.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now