Chapter 2
Sa mga sumunod na araw sa pananatili namin dito sa Lockheart Corporation, naging close namin si Ms. Danica Lockheart. Sayang nga at hindi ko pa nakakasabayan ang lalaking nakakandado ang puso dahil sa sobrang aga nitong dumating sa kompanya. Workaholic nga talaga siya.
“Hoy!! Ano na naman yang ningunguso-nguso mo diyan?” pinandilatan ako ng mga mata ni Chean nang mapansin nito ang aking mukha.
“Wala lang.” tamad kong usal.
“Wala-“
“Chean, pwede bang ikaw na ang magbigay nito kay Mr. Lockheart.” bago ito mapasakamay ni Chean, agad kong kinuha ang folder.
“Ako na, Danica.” nakangiti kong usal.
“Hoy, Raye. Ikaw ba si Chean, huh?” kunot noong tanong ni Chean.
“Ahm, total nasa kamay na yan ni Raye. Siya nalang ang maghatid niyan." binigyan pa ako ng isang makahulugang ngiti ni danica habang nakatitig sa folder na hawak ko.
“Ikaw hah, may kung ano bang namamagitan sa inyo ng pinsan ko?” tanong niya sa akin.
“Ganun na ba kahalata?" sabay kamot sa aking ulo.
“Meron nga?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Bakit parang gulat kayo?” curiosity can kill a cat nga, diba?
“Hindi lang ako makapaniwala since my cousin doesn’t love socializing.” ganun ba talaga ang lalaking yon? Kailangan ko na talagang kumilos. Kailangan ko siyang maakit para maipagmalaki ko sa buong mundo na ang isang Rayeiza Clumberge ay kayang paamuhin ang lalaking nakakandado ang puso!!!!
“Well, dapat sanayin niyo na ang inyong sarili dahil sisiguraduhin kong magbabago na ng tuluyan si Mr. Lockheart, pag ako na ang kumilos." nagpaalam muna ako sa kanila upang maihatid ko na itong folder na may lamang mga dokumento.
Pinindot ko ang floor kung saan ang lalaking nakakandado ang puso. Nang bumakas ang elevator, lumabas na ako. Bumati muna ako sa secretary niya bago pumasok. Hindi ko na hinintay ang sinabi ng secretary dahil sabik na akong makita ang lalaking nakakandado ang puso. Parang ang haba naman ng lalaking nakakandado ang puso. Mabuti pa’t ikliin ko ito at gawing LNAP, Lalaking Nakakandado Ang Puso. Ang galing ko talaga!!!
“Hello, LNAP.” Ngumiti ako ng pagkawagas-wagas sa kaniya.
Kunot noong napaangat ito ng tingin sa akin.
“LNAP? You’re not respecting your boss.” seryoso nitong sambit.
“Hehehe, boss kasi ang meaning ng LNAP. Own dictionary ko lang.” palusot ko, sana kumagat ka please.
“Still, it’s not an appropriate name for your boss. Respect Ms. Clumberge.” Wow, kilala pala ako ni LNAP!!! Ang galing!!!Siguro nabahala siya noong lumungkot ang maganda kong mukha ng sabihin niya sa aking hindi ako worth to remember. May mamon palang puso itong si LNAP.
“LNAP naman-“
“Are going to scratch that or not?” akala ko ba masyado itong busy? Bakit nakikipagtalo pa ito sa akin?
“Ehem, LNAP. Nandito na po ang mga dokumento na ipinapabigay ni Ms. Danica Lockheart.” syempre kailangan ko paring galangan si Ms. Danica sa harap ng bossing ko dahil baka ipatapon na talaga ako nito sa Mars, pag ginalit ko pa siya ng husto.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...