Chapter 15
Kanina pa ako nagtataka kung saan kami pupunta ni bossing. Ang layo na ng biyahe namin, naabutan pa nga kami ng gabi sa daan.
“Saan ba tayo bossing?” pang ilang tanong ko na ba ito sa kaniya?
“Just wait. Stop asking.” Naiirita na yata ito sa akin.
“Kung sinagot mo lang sana ako, edi sana hindi na ako nagtatanong ng kung anu-ano.” Sabay irap ko dito.
“Tsk.” Pansin ko lang, bakit ang hilig niyang mag tsk.
Pagtapos ng isang libong taon nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Pinagmasdan ko ang tanawin sa labas.
Isang beach resort ba ito?
“Bakit tayo nandito?”
“Just see it for yourself.” Ang sungit.
Lumabas nalang ako at nilanghap ang sariwang hangin. Nakakarelax naman dito.
“Waaaah!!! Raye!!!” nagulat ako ng may biglang dumamba sa akin ng yakap.
“C-Chean?” gulat akong napatingin sa kaniya.
“Hehehe, oo ako nga.” Napatingin ako sa kaniyang suot, naka spaghetti dress ito.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Duh, malamang namamasyal.”
“Oyyy. Bakit di mo sinabi sa akin na kayo na pala ni boss?” bulong pa nito.
“Well, sa amin nalang yon.” Sabay slip hair ko dito at sinundan si bossing na papasok na sa loob ng beach resort.Saan niya nakuha ang balitang kami na ni bossing? Eh, hindi nga ako nito binibigyan ng pansin, tapos kami?
“Naglilihim ka na sa akin ngayon hah!” hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagpasok sa loob.
Nagulat ako ng makita ko ang iba kong mga kasama at ang mga kaibigan ni bossing sa loob.
“Yow, nandito na pala kayo.” May kung ano sa mga ngiti ni Harley na parang nang-aasar ito kay bossing.
“Tsk.” Favorite word niya yan kaya wag na kayong magtaka.
“Ms. Clumberge nandito ka rin pala. Sabay pa kayo ni Zwane hah, anong score niyo?” Lester.
“Mag jowa na yata ang dalawa, babe.” Biglang sumulpot si Chean at lumapit kay Lester. Napanganga ako. A-ang harot talaga ng isang ito.
“Hahaha, tutuo ba yan? Naku, mukhang lumalove life na ang aking insan!!!” bigla ding lumabas sa kung saan si Danica saka tumabi kay Zason. Sila ba?
“Stop talking nonsense.” Yan lang ang sinabi ni bossing saka padabog na nagtungo sa taas.
“Hala, ginalit niyo.” Natawa lang sila sa sinabi ko.
“Ano na Raye? Kayo na ba?” napailing nalang ako sa tanong ni Danica.
“Hindi. Kung pwede lang ligawan ang isang yon ginawa ko na. Hindi nga yon tinatablan ng pang-aakit ko, maging kami pa kaya?” tumabi ako kay Janessa na busy sa pagkukulikot ng kung ano sa selpon niya.
“Anong ginawa niyo dito Janessa?” himala kasi at nandito ang tatlong ito, sina Lexy, Lanxi at Janessa.
“This guy drag me here.” Sabay turo niya kay Edwin na nakahalukipkip.
“Boring kasi pag wala akong kasamang babae.” Yan lang ang sagot ni Edwin.
“You can dragged someone else!” bakas ang galit sa boses ni Janessa. Nagkibit balikat lang si Edwin. Anong nangyari? Sa pagkakaalam ko playboy ang mga ito, bakit parang biglang nag-iba ang daloy ng mundo nila? Masyado na ba akong outdated sa mga kaganapan sa paligid ko? O talagang busy lang ako kay bossing?
“Kayo Lexy at Lanxi?” baling ko sa dalawa.
“Harley invite me here.” Maiksing sagot ni Lanxi.
“Same with Aliscer.” Lexy
“Ahh, akala ko boyfriend n-“
“No way!” sabay na sambit ng dalawa. Ayan ang napapala mo Raye, basta-basta ka nalang nagkokongklud kaya ayon nasigawan ka pa.
“May nangyari ba sa inyo ni boss? Alam mo na, di ka kasi umuwi sa condo kagabi.” Nabaling ang atensyon ko kay Chean. Nakasandal ito sa balikat ni Lester kaya pinaningkitan ko ito ng mga mata.
“What?” inosenteng tanong nito.
“Kailan pa naging kayo?” pangungusisa ko dito.
“*chuckles* Siya yong sinabi ko sayong gwapo.” Napanganga nalang ako. Wala na akong masabi.
“Kailan nga?”
“Kahapon lang naging kami.” Napailing nalang ako. Sasakit ang ulo ko sa babaeng ito.
“Ms. Clumberge, bring me a cup of coffee.” Napalingon ako sa pinangalingan ng boses at ayon nasa itaas ito. Napataas ang aking kilay dito.
“Ayaw niyo bang bumaba dito bossing?” dahil sa naging tanong ko, kumunot na naman ang noo nito.
“Are you trying to disobey me?” bakas ang pagkairita sa kaniyang boses.
“Luh, di naman po. Tinatanong ko lang naman kung ayaw niyo po bang bumaba at dito nalang uminom ng kape.” Dapat maging mabait ako, baka kasi bigla nalang mag-alburoto ang isang ito.
“Just do what I say.” pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon, walang pasabing umalis ito.
“Owws, mukhang may something fishy.” Napasimangot ako sa sinabi ni Danica.
“Anong fishy doon? Ang sungit nga eh.” Pagmamaktol ko.
“Hindi basta-basta nag-uutos si insan na ipagtimpla siya ng kape. Siya kasi ang gumagawa kadalasan kaya dapat magpakitang gilas ka sa pagtimpla mo ng kape. Malay mo doon ka na niya papansin.” At kumindat pa ito. Biglang kuminang ang aking mga mata sa sinabi niya.
“Yon palang eh. Sige.” Tumayo na ako at masayang nagtungo sa may kusina. Hanep ding itong resort dito parang bahay lang. Kompleto sa mga gamit, at wala ding ibang tao kundi kami lang.
“Wag mong lasunin si boss hah!” pahabol pa sa akin ni Chean.
“Tse.” At nagtawanan sila.
Tinikman ko ang kapeng tinimpla ko, malay niyo baka malason nga si bossing. Mas maganda na yong handa. Nang masiguro kong okay lang, agad ko itong dinala kay bossing. Wala na sa sala yong mga kulungo, mukhang nasa labas sila nagsasayahan. Ang boring talaga ng buhay ni bossing, kita niyo naman. Nagkukulong lang siya sa kwarto.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko nalaman ang kwarto niya? Syempre may mga pangalang nakasabit sa bawat pintuan para siguro hindi maligaw ng pasok.
Kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko doon, nakita ko siyang nagtitipa sa kaniyang laptop.
“Alam mo bossing. Masyado na po kayong boring. Kahit ba dito, yan parin ang inaatupag niyo?” inilapag ko ang kape sa may mesa.
“Thanks.” Then he took a sipped on the coffee. Hinintay ko kung ano ang magiging reaksyon niya ngunit wala man lang akong nakuha.
Padabog akong umupo sa kaniyang kama.
“What's with that attitude, Ms. Clumberge?” napairap nalang ako sa kawalan. Ang manhid niyo talaga bossing, LNAP ka talaga.
“Wala.” Tinignan ko ang kabuohan ng kwarto. May nakita akong litrato kaya nilapitan ko ito. Litrato yata ito ng pamilya niya. May kapatid pala siyang babae, ang ganda niya.
Kahit ano pa ang posisyon ni bossing gwapo parin siya. Napalingon ako sa gawi ni bossing. Pinasadahan ko ito ng tingin. Nakasando na naman ito at nakapants. Boring naman kung wala akong gagawin dito.
Tumingin ako ulit sa kaniyang mukha ng biglang may ideyang pumasok sa aking isipan. *chuckles* Tignan natin kong aayaw ka na naman sa kamandag ko bossing.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomantikThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...