Chapter 36

804 21 0
                                    

Chapter 36

Masarap magmahal ng isang tao lalo na  pag mahal ka din nito.

Sa tagal-tagal na panahon, ngayon ko lang naranasan ang magkaroon ng ganitong pakiramdam. Sobrang saya ko, dahil sa wakas meron ng taong aagapay sa akin at magmamahal sa akin.

“Baby do you want to go home?” napaangat ako ng tingin ng lumapit sa akin si Dazton. Napangiti ako ng masilayan ang gwapong mukha nito.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Napasandal ako sa kaniyang balikat.

“Mamaya na tayo umalis.” Malambing kong sambit dito. Nasisiyahan pa ako sa aking nakikita. Mga batang naglalaro dito sa parke ang tanging nag-iingay. Mga tawanan nilang kay sarap pakinggan.

“Ano kaya ang mangyayari sa atin pag lumabas na si baby?” hinalikan niya ang aking noo bago ako sinagot.

“We will live happily.” Napangiti ako sa sinabi niya.

Sa pamamalagi namin dito sa Tagaytay, mas nakilala ko ang ibang side ni Dazton. Nagiging sweet at caring siya. Lahat ng inuutos ko sa kaniya ginagawa niya. Lahat ng pagmamaktol ko tinitiis niya, even though alam kung punong-puno na siya, he never show me that he is tired of listening and taking good care of me.

“Thank you.” Umayos ako ng upo ng lumingon sa akin si Dazton. He look at me and hold my hand tighter.

“Everything for you, my future wife.” Then he suddenly winked at me. Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa ginawa nito.

“Buy me an ice cream.” Sabay turo ko doon sa may gilid kung saan may nagtitinda ng sorbetes.

“Okay.” He kissed my forehead before leaving me to buy an ice cream.

I wonder kung paano siya makipag-usap doon gayung sobrang haba ng pila. Napatawa ako ng mahina ng may batang nakipag-usap sa kaniya. Nakita ko ang pagngiwi nito bago tumingin sa gawi ko. He pouted kaya mas lalo akong napatawa. Binigyan ko nalang siya ng flying kiss at umakto naman itong sasambutin niya. Napailing nalang ako, kita niyo na. Ganito na si Dazton Zwane Lockheart, sobrang sweet yong tipong lalanggamin ka sa sobrang tamis niyang magmahal.

Kinuha ko ang selpon ko at kinuhanan ng litrato si Dazton. Parang nagiging hobby ko na ang pagkuha ng litrato sa kaniya. Everytime he wasn’t paying attention, I quickly grabbed my cellphone to take some photos of him, minsan pa nga kahit tulog ito ay kinukuhanan ko ng litrato.

“Baby.” Masaya kong tinanggap ang ice cream na kabibili niya lang. Nilantakan ko na ito agad, umupo ulit sa tabi ko si Zwane then he pinched my right cheek kaya tinampal ko ang kamay nito.

“*chuckles* Cute.” Inirapan ko nalang siya.

“I’m not cute, I’m beautiful.” Sabay flip hair ko dito at kumain ulit. Narinig ko ang paghalakhak nito.

“I will remember that.” Napalingon ako sa kaniya ng tumahimik na ito at hindi na nangungulit sa akin.

Nakatitig lang ito sa akin yong titig na nakakatunaw, nagtataka kong tinignan ito.

“May dumi ba ako sa mukha?” kung makatitig kasi ang isang ito parang may kung ano sa mukha ko.

Inangat niya ang kaniyang kamay at inayos ang ibang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha.

“Gorgeous.” Pinaningkitan ko siya ng tingin bago sinagot.

“I know right.” Ngumiti ito habang napapailing.

“I badly want to marry you baby.” Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang aking labi.

“Ang kalat mong kumain.” Pansin niyo ba? Nagtatagalog na din ang isang ito. Nakakakilig nga yong boses niya, nakakalaglag panty.

“Baby, I hope you will not hesitate in marrying me.”

“Bakit naman naisip mo yan? Syempre hindi na ako magpapatumpik pa. Magpapahabol pa ba ako sayo gayung hulog na hulog na ako.” Ginulo niya ang aking buhok.

“That’s my girl.” Napatawa ako. Inalalayan niya akong tumayo at hinapit ako papalapit sa kaniya bago kami sabay na naglakad. Ipinulupot ko ang aking braso sa bewang niya yong tipong nakayakap ako sa kaniya habang naglalakad kami.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming babaeng nagpapantasya sa kaniya, kanina pa. Kita ko sa mukha nila ang pagka inggit. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking sarili sa kaniya.

“Silly.” Napangiti lang ako dito.

“Kiss mo ako.” Saby nguso ko sa kaniya.

“Naughty girl.” Pinisil niya muna ang aking ilong bago ako binigyan ng isang matamis na halik.

Hinabol ko pa ang labi nito ng lumayo ito sa akin. Nakita ko ang pagngisi nito ng nakakaasar.

“Naman eh, bitin ako.” Napapout nalang ako.

“I will give you more in our room.” Biglang kuminang ang aking mga mata pagkarinig ko dun.

“Let’s go home!!! Walk faster!!”

“No, baka mapano si baby.” Pinigilan niya akong maglakad ng mabilis.

“Naman eh!!!” parang batang nagpapadyak ako sa kaniyang harapan.

“Come here.” Lumapit ako sa kaniya.

“Kyaaaahhhhh.” Napakapit ako sa batok nito ng bigla niya akong binuhat yong parang bagong kasal.

Namumula ang aking mukha nang makarinig ako ng katyawan ng mga tao dahil sa ginawa ni Zwane. I hide my face on his neck.
Sininghot ko pa ito sa sobrang bango.

“Baka maubos mo na ang amoy ko.” I giggled.

Ngumiti ang mga tao na nasa resort nang makapasok kami sa loob. Meron pang kinikilig dahil buhat-buhat ako ni Zwane.

Inilapag ako ni Zwane sa kama ng dahan-dahan. He kissed my forehead before standing straight.

“Yon lang?” napailing ito sa tanong ko.

“I’ll go down to cook your foods.”

“Yehey!!!! Okay, go now!!!” pagtataboy ko dito.

Nang makaalis na siya, niyakap ko ang unan at isinubsob ang aking mukha dito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi, sobrang saya ko. Gusto ko ganito nalang kami palagi. Sa kakaisip ko ng kung anu-ano, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now