Chapter 33

812 21 0
                                    

Chapter 33

Si Dazton ang naghatid sa akin pauwi, sinabihan ko siyang si Chean nalang ang maghahatid sa akin ngunit masyadong matigas ang ulo nito kaya pinabayaan ko nalang kaysa magtalo pa kami.

Habang nasa biyahe, walang umiimik sa amin. Naging tahimik ang buong biyahe hanggang sa ako na ang kusang  bumasag sa katahimikan.

“Kailangan ko pa bang magtrababo bilang assistant mo?” tanong ko dito.

Nilingon niya ako bago ibinalik ang tingin sa daan.

“No. I don’t want you to stress yourself. I will provide all your needs, you don’t need to work. All you have to do is to take care of yourself.” Napakagat ako ng labi.

Sinong mag-aakala na ganito pala ang isang dakilang Dazton Zwane Lockheart.

Huminto ang sasakyan sa may parking lot. Pinagbuksan ako ni Dazton ng pintuan at inalalayan pa akong lumabas.

“*chuckles* Hindi mo na dapat ginawa ito. Sige ka, baka masanay ako.” Nagawa ko pang magbiro dito.

“Then I will do it everyday so that you will get used to it. And so that, you will never ever leave me.” Napaangat ako ng tingin at tinitigan ang mga mata ni Dazton na puno ng kung anumang emosyon.

“D-Dazton-“

“Shhh, I know you are still confused. I know you hate me that much. But Iza, please, just please let me show you the real me and let me take care of you.” Pagsusumamo nito.

Hindi ako agad nakasagot sa kaniya. Nanatiling nakatitig ang aking mga mata sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa aking bibig ngunit nagawa kong tumango dito.

Bumilis na naman ang pagpintig ng aking puso ng makita ko ang ngiti nito at nang unti-unti niyang ipinulupot ang braso niya sa aking bewang saka hinapit papalapit sa kaniya. Nanatili akong walang imik habang dinadama ang yakap nito sa akin. Parang sobrang bilis ng mga pangyayari, kani-kaninang umaga lang ay nagtatalo pa kami ngunit ngayon parang unti-unti na naman akong bumibigay.

Seducing this man before, is my happiness but now. I just realized that I didn’t regret all the things that I have done. Maybe loving him is such a pain in the ass, but it is worth it. Hindi ka naman masasaktan kung hindi ka tutuong nagmamahal sa isang tao. At ngayon, alam ko na kung ano talaga si Dazton sa buhay ko.

*


Hinang-hina akong umupo sa aking kama. Nakaayos na ang lahat ng gamit na dadalhin ko para sa bakasyon namin ni Dazton. Humiga muna ako sandali sa kama. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa tuwing nagsusuka ako.

“Raye?” napalingon ako sa may pintuan ng bumukas ito.

Pumasok sa loob si Chean dala-dala ang gatas na tinimpla niya.

“Inumin mo muna ito.” Dahan-dahan akong bumangon at inalalayan niya naman ako.

“Thank you.” Ningitian lang  niya ako  bago ko ininom ang gatas na dala niya.

Ibinigay ko sa kaniya ang baso ng maubos kong inumin ang laman nito.

“Okay na ba ang pakiramdam mo?” mababatid ang pag-alala sa kaniyang boses.

“Yeah, medyo maayos-ayos na.” hindi pumasok si Chean sa kaniyang trabaho dahil siya ang naghanda ng mga gamit na gagamitin ko.

“Salamat sa lahat Chean.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Ano ka ba, syempre kaibigan mo ako.” Napangiti ako saka sumandal sa kaniyang tiyan. Bale nakatayo siya sa aking harapan habang nakaupo naman ako sa gilid ng kama.


“Mukhang nandito na si boss. Wait lang hah.” Tumango ako dito.

Humiga ako ulit sa kama at ipinikit ang aking mga mata, hindi ko namalayan na sa pagpikit ng aking mga mata ay tinangay na pala ako ng antok.

Nagising ako ng makarinig  ang malakas na tawanan. Inilibot ko ang aking paningin. Nasa kwarto parin ako. Napahawak ako sa aking ulo ng kumirot ito.

“Done Sleeping?” Napalingon ako sa may pintuan ng may nagsalita.

“D-Dazton.” Dahan-dahan akong bumangon sa kama.

“You should eat first, before we travel.” Lumapit ito sa akin at sinapo ang noo ko.

“Does it still hurt?” tumango ako.

“Did you eat your breakfast?” iling lang tanging naisagot ko.

Nagtaka ako ng hindi na ito ulit nagtanong kaya napaangat ako ng tingin at nakita ang madilim nitong mukha habang nakatitig sa akin.

“You shouldn’t skip your breakfast.” Walang emosyong sambit nito. Kinabahan ako bigla sa naging reaksyon niya.

“I-I’m sorry, di ko naman kasi inakala na hahatakin ako ng antok.” Nakayuko kong sambit. Hindi ko siya matignan ng diretso dahil sa sama ng tingin niya.
Bumuntong hininga ito bago hinawakan ng aking kamay.

“Next time don’t do this again. I won’t tolerate this kind of behavior.” I know.

Lumabas kami sa kwarto at bumungad sa amin ang malakas na tawanan nina Chean, Ellaine at Giselle. Ang maiingay ay pinagsama. Sina Janessa, Lexy at Lanxi naman ay ngumingiti lang.

“Gising na pala ang mahal na reyna.” Giselle

“Hahahaha.” Inirapan ko nalang sila ng pagtawanan nila ako.

“May barbeque pala diya-“ hindi ko na pinakinggan pa si Chean.

Umupo ako sa upuan, umupo din naman sa tabi ko si Dazton. Akala ko nga kakain rin siya ngunit nagkamali ako, siya ang nagsandok ng kanin at kumuha ng barbeque.

Napatulala ako habang nakatingin kay Dazton na nag-aantay kung kailan ko ibubuka ang bibig aking bibig. Susubuan niya ako?!!!!

“Open your mouth.” Para naman akong batang sumunod sa ipinag-uutos niya. Ibinuka ko ang aking bibig upang kainin iyong isinubo niya sa akin.

Naging tahimik ang buong paligid, hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ng anim na iyon sa sala at bigla nalang tumahimik.

Matapos kong kumain, pinainom na naman ako ng gatas.

“Kinikiligsh ako dun~” sabay kaming napalingon ni Zwane sa mga bruha na nasa may pintuan at nanonood sa amin.

“Kayo!!!” inis kong sigaw ng makitang nakatutok sa amin ang mga selpon nila.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Dazton.

“Don’t, you might get hurt when you chase them.” Mautoridad nitong usal.

“Argh, pag ako talaga nakaganti sa inyo!!!” sigaw ko habang tumatawa ang mga ito. Sinamaan ko ng tingin si Dazton

“What?” inosente nitong tanong.

“What mo yang mukha mo, hmmphh.” Tumayo na ako at iniwan siya doong naguguluhan.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now