Chapter 21
Nang lumabas ako sa aking kwarto, walang tao ang natira. Naging tahimik ang apartment namin. Mukhang nasa trabaho na si Chean at umalis na din ang iba. Nagtungo ako sa kusina at binuksan ang ref. Uminom ako ng tubig, lumingon ako sa may mesa at nakitang may pagkain ng nakahanda. May sulat pang iniwan doon.
Don’t ever try to skip your breakfast. Eat well. I know you are just too emotional that’s why you say those words and I already forgive you. Have a nice day, and try to change your fate.
-E
Napangiti ako sa nakasulat sa isang pirasong papel. Pinunasan ko ang aking luha. *chuckles* Kahit ano pang nagawa ko, nagawa niya parin akong patawarin ng ganun kabilis.
Umupo ako sa may upuan at sinimulan ang pagkain. This is Ellaine’s specialty.
Napagdesisyonan kong kausapin si Danica upang malinawan ako sa nangyari kay Zwane. Dapat ko ng itigil ito ngunit iba ang sinasabi ng puso ko. Pag ang puso na ang nagsabi, mahirap na itong patigilin pa.
Nakita ko si Danica na kumakaway sa akin. Nagtungo ako sa kinaroroonan niya at nagsimulang umupo.
“Raye, ayos ka na ba?” hinawakan niya ang aking kamay.
“If I tell you I am not, can you ease the pain?” nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.
“I know sobra na yong ginawa ni insan pero sana intindihin mo siya. Wag mo siyang sukuan please. Please don’t make him fall again to Aila.” Napakunot ang noo ko.
“Bakit?”
“Dahil ayaw kong maulit muli ang nangyari dati. I don’t want him to suffer.” Nagulat ako sa pagtulo ng kaniyang luha.
“D-Danica-“
“Aila Mendosa, a childhood friend of my cousin. And sadly, his first love and his first heartbreak.”
“Parang magkapatid ang dalawang yan, hindi sila maipaglayo sa isat-isa. May kaniya-kaniya silang paninindigan at paniniwala ngunit sa huli nahulog ang insan ko sa kaniya. Aila is a loveable daughter, she will do everything just for her family. Nung nasa college na kami, Aila transferred in state. Nakipagkita siya kay insan nung aalis na ito, nakipaghiwalay siya dito. Nagmakaawa ang pinsan ko sa kaniya, he even kneel down just to make her stay. Okay lang naman kay insan kung lumayo si Aila basta't sila parin. Matitiis pa ni insan ang pagiging long distance relationship nila kaysa ang maghiwalay sila. Aila told my cousin that she already have a fiance, and she can’t fight their love any longer.”
“Alam mo ba nung umalis si Aila, ilang arawng wala sa sarili ang pinsan ko. Ilang ulit din itong nagtangkang magpakamatay ngunit agad din naman napipigilan ng mga magulang niya. Sobrang sakit ang makita siyang ganun, yong parang walang buhay ang kaniyang mga mata. Sobrang galit ang naramdaman ko kay Aila dahil sa nangyari. Hindi niya man lang tinawagan o kinumusta ang aking pinsan. Walang hiya siya. Sinabi ko pa sa sarili ko na kapag nakita ko siyang muli, I will definitely slap her hard. Yong tipong hindi na siya makakapagreak sa gagawin ko.”
“Sa lahat ng pinagdaanan ni insan, naging matatag siya ulit kaya ayon, naging malamig ang pakikitungo sa iba at naging malayo sa mga babae. Iginugol niya ang kaniyang atensyon sa pagtatrabaho hanggang sa kasalukuyan.”
“Kaya Raye, please don’t give up. Tulungan mo siyang magmahal muli, hindi sa parehong babae kundi sa iba, at ikaw iyon. Please, change the past. Don’t leave him. Give him what the love he deserve. I know it is too much, but I am begging you.” Pinisil niya ang aking kamay. Napakagat ako ng labi at pinunasan ang kaniyang mga luha.
Tanga na kung tanga, mukhang wala na akong magagawa. Nahulog na ako, wala na akong kawala. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba na alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkaganun.
“I-I will try my best.” Sambit ko dito. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi.
“Hope you can bring back his jolly self.” I’ll try my best, no, I will do my best.
Nag order kami ng pagkain. Nang dumating ang order namin, napatakip ako sa aking ilong. Bakit ganito? Ang baho yata ng pagkaing nakahanda ngayon sa hapag namin.
“Ayos ka lang ba Raye? Bakit nakatakip ka sa iyong ilong?”
“Ang baho. Hindi mo ba yon naaamoy?”
“Mabaho? Hindi naman hah, ang bango nga eh.” puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Basta, ang baho talaga. Paki layo nga niyan.” Sabay wasiwas ko ng aking kamay sa mga pagkain.
“Gosh, don’t tell me.”
“Huh?”
“Buntis ka ba?” nanlaki ang aking mga mata sa diretso niyang tanong sa akin.
Napatawa ako ng pilit dito. Hindi naman siguro?
“Raye, nung may nangyari sa inyo sa insan ko. Gumamit ba kayo ng proteksyon?” parang tumigil ang mundo ko sa naging tanong niya. Biglang bumalik sa aking ala-ala ang nangyari sa amin.
“N-no.”
“That’s explained everything!” tumayo ito at hinawakan ang aking kamay.
“Let’s go. We need to confirm it.” Kinabahan ako sa sinabi niya.
Pumunta kami sa pharmacy at may binili siya doon, isang pregnancy test. Inihatid niya pa ako sa women’s restroom at naghintay sa labas. Matapos ng ilang minuto kong pananatili sa loob, tinignan ko na ang resulta, parang tumigil ang aking mundo ng makita ang resulta.
Nakatulala akong lumabas ng banyo, agad na kinuha ni Danica ang aking hawak.
“OMG!!! Congratulations!!! Waaah, magiging ninang na ako!!!” nagtatalon-talon pa ito.
“Sasabihin mo ba sa kaniya?” kinakabahan kong tanong kay Danica. Napahinto ito sa pagtalon.
“Hindi kita pangungunahan, Raye. Kung kailan mo gustong sabihin sa kaniya, rerespetuhin ko ito. Pero, ang saya ko!!! Wooohh!!!” napangiti nalang ako sa inakto nito.
*
“Waaahhhhh!!! Magiging ninang na tayo!!!” matinis na sigaw ni Chean. Nasa apartment kami ngayon, biglang tinawagan ni Danica ang mga kaibigan ko at pinapunta sa apartment at yon nga sinabi niya sa kanila ang sitwasyon ko. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko since may nagawa akong kasalanan sa kanila.
“Bakit ang tahimik mo diyan, Raye?” Danica
“That is not you.” Dagdag pa nito.
“We already forgive you. So stop that.” Nagulat ako sa sinabi ni Lanxi
“Indeed.” Lexy
Naglandasan ang aking mga luha habang nakatingin sa kanila.
“I guess it is part of being pregnant.” Giselle
“Huh?” tanong ng iba except kay Ellaine na nakangiti lang.
“Being a cry baby. Alam niyo na, masyadong emosyonal ang mga buntis.” Natatawa nitong pahayag.
“Ahh.” Sabay-sabay nilang usal.
“Ellaine.” Tumingin ito sa akin.
“S-sorry.” Nakayuko kong sambit.
“Nah, I already told you. You are forgiven.” Napakagat ako ng labi, lumapit ito sa akin at niyakap ako.
“Ang daya. Sali kami diyan!! Group hug!!!” sigaw ni Chean at dali-daking lumapit sa amin. Pinalibutan nila ako at niyakap.
“Oyy, baka maipit si baby.” Saway ni Danica.
“Di yan.” Chean
Napangiti nalang ako dahil bumalik ulit kami sa dati. I’m so glad that I have a friends like them.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...