Chapter 17
Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan. Para akong nakipagkarera at binugbog ng kung sino dahil sa sakit ng katawan. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong nasa kwarto parin ako ni bossing. Nasaan na si bossing? Don’t tell me, tinakbuhan niya ako?
Dahan-dahan kong inangat ang aking katawan. Argh, bakit ba ang sakit? Tsk, tinatanong pa ba yan Raye? Malamang masakit dahil nakailang ulot din kayo. Ang harot mo kasi! Pero kahit papano tumalab na sa wakas ang aking charm!! Wala ka ng kawala sa akin bossing.
Paika-ika akong nagtungo sa banyo at naligo. Nang matapos ako sa pagligo, nagbihis na agad ako. Matapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto, dali-dali akong nagtungo sa aking kwarto na nakapangalan sa akin. Naghanap ako ng mga damit at nakakita ako ng isang bestida. Yon ang isinuot ko bago bumaba.
Habang pababa ako ng hagdanan nadatnan ko ang mga kaibigan kong nag-uusap.
“Hey, Raye.” bati ni Danica na sinuklian ko lang ng isang ngiti.
“Naku, mukhang isinuko muna ang bataan.” Namula ako sa sinabi ni Chean.
“You really surr-“ di ko na pinatapos si Lanxi sa sasabihin niya dahil nakakailang pag yon ang topic namin.
“Nasaan pala ang mga boys?” tumabi ako kay Lexy na ngumunguya ng chocolate. Kinuha ko yong chocolate na isusubo na niya sana at saka ko ito kinain.
“That’s mine, Raye!!” parang batang maktol ni Lexy. Binilatan ko lamang ito.
“Para kayong bata.” Saway sa amin ni Janessa.
“Ewan ko kung saan sila pupunta. Mukhang may meeting yata?” Lanxi.
“Meeting? Weeh, ako kaya ang assistant ni bossing. Bakit di niya ako isinama?” nakakatampo siya, matapos ko siyang paligayahin ganito nalang ang igagante niya sa akin?!!
“Chill lang. Malay mo nagmamadali yon. Ang tagal mo kayang nagising.” Sabay irap ni Chean sa akin.
“Tusukin ko yang mga mata mo eh.” Nakasimangot kong maktol.
“Labas muna tayo girls. Marami ng mga tao ang namamasyal malapit sa dagat.” Sumang-ayon kami kay Danica.
Parang gusto ko ng bumalik sa loob, out of place kasi ang suot namin. Naka bestida ako samantalang naka suot ng simpleng damit at shorts itong lima.
“Di man lang ako na inform na kailangan palang mag two piece dito.” Lexy
“Duh, malamang. Nasa beach tayo haller.” Chean
Naglakad-lakad kami hanggang sa may nakita akong pamilyar na babae.
“OMG!!! Sina Giselle at Ellaine!!!” nagtatalon-talon ako sa tuwa ng makita ko ang mga ito.
Napalingon naman ang mga kasama ko sa itinuro kong direksyon.
“Let’s go over there.” Sumang-ayon kami kay Janessa.
Nang makalapit kami, napakunot ang aking noo ng makita kong may iba pa silang kasama, sino ang mga kasama nila? Wait lang, si Mr. Stuart Coltz ba ito? Yong bilyonaryong lalaki!!! Ang gwapo pala niya sa personal, kala ko sa mga litrato lang siya gwapo, mas doble pa pala sa personal.
May kayakap itong babae. Sino kaya ito? Jowa niya? O asawa?
“Giselle, Ellaine!!” napalingon ang mga kasamahan nina Giselle sa amin.
“Nandito pala kayo?” Giselle
“Ay hindi, hindi kami nandito. Mga estatuwa lang kami.” Biro ko.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...