Chapter 11
Nakita ko si bossing na kakalabas lang ng elevator. Ngumiti ako dito, pinigilan ko ang aking sarili na mapatawa na naman. Mababakas sa mukha nito ang galit. Tinapunan ako nito ng isang nakakamatay na tingin, para na pong mangangain si bossing nito.
“Hello bossing. Ang tagal niyo namang dumating.” mababakas sa boses ko ang pang-aasar.
“We are not yet done, Ms. Clumberge.” Napatawa ako sa sinabi niya.
“Hala, gusto niyo pa ng isa pang round?” pang-aasar ko dito.
“Damn, why did I hired you?”
“Dahil sa ganda ko, bossing.” Sabay flip hair ko.
Napailing-iling ito sa inasta ko. Naku, baka tumandang binata itong si bossing dahil sa sobrang inis niya sa akin.
Hindi na niya ako pinansin pa at dire-diretso itong lumabas ng building.
May naghihintay na palang sasakyan sa amin sa labas. Iba talaga pag mayaman ang isang tao. Naunang pumasok si bossing sa kotse ng pagbuksan ito ng pintuan nung tauhan niya. Naisipan kong sa passenger seat nalang ako umupo, total ayaw kong makatabi si bossing dahil baka mapatay niya ako ng wala sa oras.
Nang makpasok na ako sa loob, akala ko aalis na kami ngunit ilang minuto ang lumipas di parin kami umaalis. Napalingon ako sa likuran para kausapin sana si bossing ngunit ang masamang tingin niya ang sumalubong sa akin.
“Ah-eh, bossing. Di pa ba tayo aalis?” may pag-aalinlangan kong tanong sa kaniya.
“Seat beside me.”
“Huh?” parang nabingi yata ako sa inutos niya.
“I don’t want to repeat myself, Ms. Clumberge. You will obey me or you will be thrown outside.” Mabilis akong lumabas ng kotse at lumipat sa tabi ni bossing. Naku, ayaw kong mawalan ng trabaho pag nagkataong ipatapon niya ako sa labas.
Nang makaupo na ako sa tabi ni bossing saka lang umandar yong kotse. Yon lang pala ang hinintay?Ang choosy naman itong si bossing.
Naging tahimik lang ang aming biyahe, walang sinuman ang nagtangkang magsalita. Napalingon ako sa gawi ni bossing, nakatingin lang ito sa labas habang nakakunot ang noo. May galit ba siya sa tanawin doon sa labas? Bakit parang ang sama-sama ng tingin niya?
“Stop staring.” Paano niya nalaman na nakatitig ako sa kaniya?
“May third eye ka ba?” lumingon ito sa akin at sinamaan ako ng tingin.
“Stop talking nonsense, will you?” sungit talaga nito baka meron siya ngayon, parang babae lang ganun?
Huminto na ang kotse. Mukhang nandito na kami ngayon sa meeting place. Nauna na itong lumabas sa akin. Napaka ungentleman naman nitong si bossing. Sumunod ako sa kaniya, ayaw kong maligaw sa napakagandang lugar na ito. Malawak pa naman ito.
Kailangan ko ng gamitin yong mga itinuro ni Danica sa akin. Wooh, kaya mo yan Rayeiza! Go fighting!!
Pumasok ako sa loob. Nakita ko si bossing na nakaupo sa di kalayuan, ang bilis niya namang nakarating doon. May magic ba siya?
Lumapit na ako sa kaniyang kinaroroonan.
“Woah, diba siya yong babaeng lumapit sayo Zwane?” napatingin ako sa lalaking nagsalita. Siya yon! Siya yong lalaking madaldal doon sa restaurant!!!
“Akalain mo nga naman. Miss, nandito ka ba para umupo ulit sa kandungan nitong kaibigan namin?” tanong nung isang lalaki.
Medyo di ko gusto yong sinabi niya pero wala naman akong magagawa dahil tutuo namang kumandong ako sa kaibigan nilang walang kataste-taste sa mga babae.
“Gago ka Lester.” Binato siya nung lalaking madaldal.
“Gago ka din Harley.” Tsk, para walang gulo, kayong dalawa nalang ang gago.
“We are here to talk about the business, we are not here to talk some nonsense things.” paano kaya naging kaibigan ni bossing ang mga ito? Sobrang laki talaga ng agwat nila sa isat-isa.
“Owws, hindi mo ba siya ipapakilala sa amin Zwane?” tanong nung Harley.
“Mr. Harley Martinez.” Madiing sambit ni bossing.
“Alright, alright. Sige magsisimula na tayo.” Pagsuko nito.
Nagbago bigla ang atmospera sa pagitan nila. Naging seryoso ang usapan nila tungkol sa business. Ganito ba talaga kapag tungkol na sa business ang pag-uusapan? Nagiging seryoso? Sandali lang, mukhang hindi naman ako kailangan dito. Bakit kaya ako isinama ni bossing kung wala naman pala akong papel na gagampanan?
Para akong estatwa na naghihintay kung kailan ako mapapansin ng mga ito. Nangangalay na ako sa kakatayo. Bored na bored na ako. Parusa ba niya ito sa akin? Huhuhuh, ang sama naman niya. Wala naman akong ginawa sa kaniya, kung tutuosin, dapat pa siyang matuwa dahil pinapansin siya ng isang Rayeiza Clumberge.
Ilang mimuto pa ang lumipas. Hay, sa wakas natapos din ang kanilang pag-uusap. Please lang bossing, paupuin niyo na ako.
“Oh, nandito ka pa pala miss.” Baling ni Harley sa akin. Makikita mo talaga sa kaniyang mukha na playboy ito, lahat naman talaga sila maliban nalang siguro kay bossing?
“Ay wala, wala ako dito.” Pambabara ko dito. Kita niyang nandito pa ako. Lokohan lang mga dude?
“Hahahaha, you’re funny.” Sabi pa nito.
“Ako funny? Hindi funny ang pangalan ko, Raye ang pangalan ko.” Natawa ang mga kasama nito sa sinabi ko, symepre maliban nalang kay bossing na nakakunot na naman ang noo.
“Have a seat, Ms. Clumberge.” Buti nalang napansin ni bossing na ngangalay na ako. At dahil naging mabait si bossing sa akin at siya pa talaga ang nag-offer na umupo ako. Hindi na ako napatumpik-tumpik pa.
Lumapit ako kay bossing at walang pasabing umupo sa kaniyang kandungan.
“Woah.” Napatingin ako sa kaniyang mga kasama.
“What?” sabay irap ko. Wala akong pake sa kanila. Ang sakit na nang mga bente ko.
“What are you doing?” parang nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang hininga nito na tumatama sa aking batok habang ang dalawa nitong kamay ay nakahawak sa aking bewang. Iyong tipong papaalisin ako nito gamit ng mga kamay niya.
“S-syempre umuupo bossing.” Lumingon ako sa kaniya, wrong move muntik na kaming magkahalikan dahil sa paglingon ko pero sana pala mas inilapit ko pa ang sarili ko para sapol sa kaniyang labi ang masarap kong labi.
“Hahaha, iba na pala ang upuan ngayon.” isturbo talaga ang mga kaibigan nito kahit kailan.
“Hello. Ako nga pala si Rayeiza Clumberge ang future wife ni bossing!” pagpapakilala ko sa kanila.
“Hahaha, hanep talaga ito.” Lester.
“May problema ka dun?” masungit kong tanong. Umiling lang ito habang tumatawa.
“Pagpasensiyahan muna ang iba kong kasama, wala lang kasing magawa ang mga ito.” Sambit nung isang lalaki.
“By the way ako nga pala si Edwin.” Pakilala nung lalaki.
“I’m Harley.” Alam ko na kung ano ang pangalan mo, madaldal.
“I’m Aliscer.” Hala, bakit ko nakalimutan na sila pala yong kilalang mga bachelor!!!
“I’m Lester and that guy is Zason.” Sabay turo niya sa isang lalaking nananahimik lang.
“Nice meeting you all.” I giggled.
“Argh.” Nagulat ako sa pagdaing ng mahina ni bossing. May napansin akong kakaiba sa pag-upo ko. Ehem, there is something poking me. Oh my gosh!!!!! Ito na ba iyon?!!!!
Kyaaaaahhhh!!! Binuhay ko ang sandata ni bossing na sobrang laki!!!!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/293330974-288-k114306.jpg)
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...