Chapter 25

781 21 0
                                    

Chapter 25

Napatitig ako ng mariin sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit qng lakas ng tibok ng aking puso. Yong mga titig niyang parang tutunaw sa akin. Nanatiling nakahawak ang kaniyang kamay sa aking braso.

“Iza.” Mas dumoble ang bilis ng aking puso nang sambitin niya ulit ang pangalan ko.

This is so unfair, why my heart act like this?!!

“Ah-eh, pwedeng Ms. Clumberge nalang ang itawag mo sa akin D-Dazton?”

“You just said earlier to call you Raye or Iza, then now you want me to call you Ms. Clumberge, again?” kumunot ang noo nito.

Napakagat ako ng labi, yon nga ang gusto ko, kaso yong puso ko parang gusto nang tumalon palabas sa hawla nito.

“Nagbago bigla ang isip ko.”

“What if I don’t?” nanlaki ang aking mga mata ng humakbang ito papalapit sa akin.

Napaatras ako ngunit dahil sa hawak niya ang braso ko hindi ako nakalayo ng todo sa kaniya. Napatingala ako dito, kahit naman matangkad ako kinulang parin ito.

“S-sige ka. Ano-ahmm, basta aanuhin kita.” Bakit ako nauutal?

“What?” shet ang bango ng kaniyang hininga. Sarap hagkan ng isang ito. Matagal ko na ring hindi nahalikan ito.

“Iza-“

“Hep-hep, wag mo nga akong t-tawaging Iza.” Umiwas ako sa mariin niyang tingin. He lifted my chin up to meet his gaze.

“Tell me, why?” naaakit na ako sa kaniyang mga titig. Naku, wag mo akong sisihin kung bigla nalang kitang halikan dito ora mismo.

Hindi ako nagbibiro sayo, Mr. Lockheart/lalaking nakakandado ang puso/bossing/boss/sungit, infairness ang haba-haba ng pangalan niya.

“Ahm-ah, ano kasi, basta.” Wala na ba akong ibang masabi kundi yon lang?

“*chuckles*” jusko po, papatayin niya ba ako sa kilig?

“Wag ka ngang t-tumawa!” nakakaasar na siya. At nakakapanibago din.

“Tell me, Iza.”

“Naku, naku, mapapatay na talaga kita.” Gamit ang labi ko, gosh ang landi.

“Then do it.” Bakit ganun? Ang husky ng kaniyang boses. Nang-aakit ba siya?

“Ano bang ginagawa mo? Anong pinag-usapan niyo nung babae mo? Naghalikan ba kayo? Nagkasundo na ba kayo? Ano magiging kabit ka na ba? Tapos magtatanan kayo? Sumagot ka!” pag-iiba ko ng topic. Malay niyo gumana yong topic na yon diba?

“Tsk, I am not that insane to ruin someone’s relationship.” Buti may utak ka pa, akala ko wala na dahil sa sobrang baliw mo kay higad Aila.

“Owws talaga? Diba nga dahil sa kaniya kaya mo ako pinalayas sa kompanya? At saka, bitawan mo nga ako. Hindi tayo close, hmmmph.” Sabay flip hair ko dito.

“Do you want to come back?” napalingon ako sa kaniya, tinaasan ko siya ng kilay.

“Come back? Para patalsikin ulit ako?” umiling ito.

“Look, I’m sorry for what I’ve done.” Isang Dazton Zwane Lockheart, nagso-sorry?

“Labas yata sa ilong yon.” Napatawa ako ng mahina ng sinamaan niya ako ng tingin.

“Easy lang boy. Napaghahalataan kang apektado.” At tumawa na naman ako ng ubod ng lakas.

Napapatingin yong mga taong napapadaan sa gawi namin ngunit di ko na pinansin sila. Hindi ko naman sila kilala.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now